Kwentong Kengkay

Agosto 9, 2007

Lintek na

Filed under: Ano Nga Ulit Yon?,Patawa — kengkay @ 4:26 hapon

Gusto nyong makita si Elaine at Kengkay?

Eto ay para kay Elaine, ang aking lovable YM partner.

Dahil more than 40 years old na sya, dahil isa pa rin syang single (psst, secret natin to ha — she’s never had a boyfriend since birth), dahil we have been matchmaking for her since time immemorial pero kasi mga type nya tipong robert redford at mel gibson lang naman, dahil naisip nyang gusto rin nyang magkaron ng kiddies na may halong blue blood kahit na alam naman nating lahat ng dugo e pula, dahil determinado syang bumalik sa dati nyang bewang na 23 inches (totoo yan, walang joking), dahil successful sya kapag ang diet nya e after six kasi she can eat after seven and even have midnight snacks, dahil sa dami ng ka-YM nya na pogi at blond at blue eyed na halos lahat dokleng naman dahil sa mga babaero at isang bagay lang ang gusto at alam na natin kung ano yon, dahil sa ang sabi ko sa kanya e just enjoy and dont get serious pero di nya kaya yon e, dahil i love to tease her kasi feeling ko di sya napipikon kahit na kapikon-pikon na minsan, at dahil kilala nya ako sa pagiging kengkay ko, eto ang sa yo —

Naman Elaine! Lintek na, hiritan mo ba naman ako ng ganito sa ating YM:

Elaine MP: hi keng
Elaine MP: dapat magpapa relax ako ng hair kanina 500 pesos lang naman
Elaine MP: kaso di pwede kasi me highlights ako
Elaine MP: i just bought a hair treatment kasi super dry daw hair ko
Kengkay: bakit di pwede magpa relax kung may highlights
Elaine MP: kasi super tapang daw gamot ng highlights magpuputol putol na ang hair ko kapag nilagyan ng gamot ng relax
Elaine MP: dapat mawala muna yung highlights before ma relax so next year pa yun
Kengkay: bakit ka naman pa highlight, ako may natural highlight, yung white hairs ko, hehe
Elaine MP: kasi rebond naman ang mahal 3k
Elaine MP: di ba libre yan highlights ko sa salon de manila

Kung asa telepono lang tayo babaan kita agad e. Sa totoo lang, di kita ma-gets. Ano ba naman yang mag pinagsasabi mo manay? Haircut, haircolor and highlight. Parang pare-pareho lang yan sa akin — gupit at pa-kulay ng buhok. E ang alam ko lang sa pa kulay ng buhok e para itago ang puti or gray hair. Sige, aminin ko, dati nag pa highlight din ako ng buhok. Red pa nga e. Kaya lang dahil virgin ang buhok ko sa mga treatment na yan, naalis agad sya in a few days. Sayang lang yung binayad namin sa hotel room nung kasama ko dahil dun namin ginawa yung pa color ng aming hair. (Kasi ayaw namin maglinis ng aming own bathrooms ano.) Pero ano naman yung kaibahan ng haircolor sa highlight? Tapos dagdagan mo pa ng relax, rebond or rebound ba yon? Ano naman yon? It is like taking off your hair carefully like a wig and laying them down in a lounge so they can languidly stop being hairs for a few minutes and relax under the sun? Eh yung rebond or rebound, I envision your hair dribbling here and there like a basketball because of the storm in Manila?

Ako ba ang alien or ikaw? Ewan ko ba. Siguro kasi single ka at ako e double. Yun lang siguro yon. Ang nakakatawa e, di na ako maka-relate, kaibigan!

Advertisements

3 mga puna »

  1. Naku Keng, hindi ka na nga updated sa mga latest sa mga hair treatments di na lang hot oil. meron pa kamong relax, rebond, hair spa, hena wax, cellophane at marami pang iba. Kaya daming hair salon ang biglang nagsulputan para silang mga langgam sa dami. Eh di ka naman talaga vain pagdating sa hair mo ok na sa iyo short hair para madaling i-maintain.

    Komento ni Elaine — Agosto 9, 2007 @ 4:59 hapon | Sagutin

  2. nyahahaha! ang kukulit nyo. šŸ˜€ korek! dami na nga mga ek-ek sa buhok ngayon. pero hindi masyado kumikita ang mga slon sa akin kasi short din ang hair ko. ms. kengkay, kelan ang huling uwi nyo dito sa pinas? tsaka link kita, pwede?

    Komento ni MARU — Agosto 14, 2007 @ 6:02 umaga | Sagutin

  3. hay, mas masarap talaga magikling buhok ano? iwas sa gastos!! uwi kami next year, malay mo maglink din tayo, hehe!!

    Komento ni kengkay — Agosto 14, 2007 @ 6:11 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: