Kwentong Kengkay

Agosto 10, 2007

O ayan kasi

Filed under: Dito sa Amin,Pasaway — kengkay @ 7:42 umaga

Medyo maganda ang umaga, kasi ambon lang, di ulan. At ang mga bata di makulit. Mabilis ang mga kilos nila at walang kulitan. Imagine, nakatapos ako ng isang chapter ng libro habang naka-upo sa trono!

Edi lakad na kami. Direksyon — kindergarten. Pagkatapos nitong araw na ito, bakasyon na nila. Kulitan kami sa kalye. Habang iniiwasang maka-apak ng sandamukal na ‘naked’ snails sa daanan. Oo, tama ang interpretasyon mo, hubad na suso. Kasi wala na silang bahay na bitbit. Homeless snails baga, haha! Dito lang ako nakakita nyan, akala ko nga nung una e snakes, yiks!

Nakarating kami sa kanto ng walang natapakang hubad na suso. Mabuti na lang kasi naninindig na balahibo ko makita ko pa lang silang gumagapang sa kalye. Pano pa kaya kung dala ko sila sa ilalim ng sapatos ko, awww!

Pindutan blues ang dalawang anak ko sa stop light para makatawid kami sa kalye. Tapos nag green, edi walk na kami. E sa gilid ng mata ko, parang may kumpas ng kumpas, nag-kakakaway at pilit nagpapapansin. Dahan dahan kong inikot ang paningin ko. Tama nga. Yung isang tatay na ang anak e asa kindergarten din. Sa kanya ang unang sasakyan na nahinto dahil nga tatawid kami. Kaway din kaming tatlo kahit na muntik ng magkatisod-tisod.

Di naman kami natisod. Yung mama ang natisod. Kasi akala nya pwede na syang mag-go dahil kumaway na kami sa kanya. E huli na nung na realize nyang wala kaming karapatang mag bigay ng go signal sa kanya. Na di kami ang police. Na dapat e yung signal ng stop light ang bantayan nya. Na sipa na nya ang gas at nakalampas na sya sa stop light. Kitang kita namin nung mag-flash yung camera na nagbigay ng ebidensya. Ang kawawang mama ay na-picturan. Siguradong makikita nya ang hitsura nya in another week from now. Nakasilid sa isang envelope. Mahal yong picture na yon, driving through the red light! Sana e naka smile sya, pampalubag loob!

O ayan kasi. Next time, watch the traffic and dont make kaway-kaway! No socializing in the middle of the road. Sempre kinuwento ko sa asawa ko. Ang sabi naman ng bruho — baka daw andun din kami sa picture. Ang sagot ko naman, okay lang. I am dressed for the occasion!

Advertisements

Mag-iwan ng Puna »

Walang puna.

RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: