Kwentong Kengkay

Agosto 10, 2007

Uy, 6th Anniv Namin

Filed under: Dito sa Amin,Patukso — kengkay @ 12:38 hapon

Parang di kapani-paniwala. Imagine, pang anim na taon na naming mag-asawa ngayon? Kagabi parang meron akong inaantay. May bago kaya? Ano kayang bukas namin? Ngayon ay bukas na. Wala lang. Gumising si hubs. Umikot sa aming tatlong ‘girls’ nya para bigyan kami ng kiss — just the everyday ritual. Pero nung ako na, pilit kong i-open kahit na isang mata ko. Sabi ko ‘I love you’ and to take care. Usually kasi di ko man maramdaman na umalis na pala sya, hehe. Alam ko na lang kapag nag ring na ang telepono, meaning, dapat na kaming gumising. Sya ang aming wake up call.

Teka muna, bago ko malimutan. Binili ako ng hubs ko ng regalo last week. Di na surprise kasi kasama nya ako e. Tinanong pa nga niya ako kung ano ang gusto ko kahit na kunyari lang kasi sya naman ang nag-desisyon. Pandagdag sa collection ko ng Pandora charms. Alam nyo ba kung ano yon? Pwes, basahin yung link.

Tapos kagabi tinanong nya ako, ‘asan na yung binili kong gift sa yo?’ Edi andun na sa ibang collection ko, nakasabit na sa bracelet. Naku, muntik ng magdabog ang asawa ko. Kasi gusto pala nya meron sya iabot sa akin bukas. Pwes, bumili sya ng iba, di ba? Di naman ako demanding, basta another Pandora charm ulit 🙂

Naku, nagpaparinig din yata. Di ko ma-dedma kasi nga anniv namin ano. Kaya kanina, punta ako sa tindahan sa kanto. Binili ko sya ng isang bote ng Tequila Gold. Masaya na sya dun. Tinatamad akong mag drive or maglakad pa kung saan, umuulan e. Sama ko ba?

Uwi ng maaga si hubs ko. Kasi may intimate dinner date kami. Kung intimate bang matatawag yon dahil kasama namin ang dalawang makukulit. Balikan namin ang nakaraan, nuong kami e parehong sexy pa (kasi ngayon sexier na kami e, ehem). Ang date namin e as usual, dun sa restaurant kung saan kami nag-celebrate ng aming kasal, six years earlier.

Advertisements

1 Puna »

  1. […] Gusto ko kumain sa Mexican Restaurant 2. Gusto kong madagdagan yung collection ko ng Pandora charms 3. Gusto kong bumalik ng […]

    Pasa ni berdey ko ngayon « Kwentong Kengkay — Hunyo 9, 2008 @ 5:41 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: