Kwentong Kengkay

Agosto 15, 2007

Si Consuela

Filed under: Ano Nga Ulit Yon?,Duon sa Amin — kengkay @ 6:18 umaga

Eto ang librong ‘Pastures Nouveaux’

Sya ay isang Pinay. TNT maid na saling pusa sa isang librong binabasa ko ngayon, Wendy Holden’s ‘Pastures Nouveaux’. Sa istoryang ito, nagpapaka-kuba sya sa isang super spoiled, super trying hard, super pilit na British actress.

Si Consuela, according to the book have an ‘uncertain grasp of English, is being encouraged to work the longest hours she feel she’s able to, her cooking left something to be desired.’ Sempre kasama na don ang pang-aabuso sa kanya ng kanyang madrastang amo – in words and in deeds. Ang kawawang Consuela, ay napilitang sumama sa countryside kung saan bagong lipat ang kanyang mga amo na dating taga-London. Ang desisyon ay dahil ‘in’ place ang countryside. Bakit kamo napilitan si Consuela na sumama? Hulaan nyo. Kung dahil sa desperada sya ang sagot nyo – tumpak! Kasi nga TNT sya, at kahit na kapiranggot lang ang sweldo nya dun dahil nga TNT lang sya, kapag ikumpara mo naman sa Pinas na baka malaglag lang sya salistahan ng jobless; e mala-milyonarya na rin ang feeling nya. Teka, di pa ako nanga-ngalahati sa libro ha. Am sure mas marami pa akong makikitang patungkol kay Consuela.

Sa totoo lang, dapat ba akong maasar dahil sa image na ito ng Pinay? Op kors not. Proud nga ako kay Consuela. Alam ko, kaya siya nagpapaka-kuba sa pagta-trabaho, kahit na sa mga abusadong amo ay dahil sa kanyang pamilyang naiwan sa Pinas. Sigurado ako, sya ang nutrisyon ng isang buong barrio kung di man ng isang barangay sa Pinas. Laban kayo dun? Isang tao para sa buong barrio? Oh anong lakas ng pag-ibig ang nagtulak sa kanya na iwanan ang lupang sinilangan? Para maging isang alipin ng isang punyemas (excuse me!) walang pusong amo? Para mabuhay na nakatago, mantalang libre syang kumilos sa Pinas? Hirap yata non. Kaya bilib ako kay Consuela. Di ba sila nga ang new heroes natin? Wala tayong karapatang apihin ang mga heroes natin.

E kanino naman ako di bilib? Dun sa mga umaapi kay Consuela. Api na nga sya ng amo nya, api pa rin sya sa ibang parte ng sosyedad. Mali naman yata yon. Kahit pa mag excuse sya at sabihin na ‘tongue in cheek’ ek-ek. Katulad nitong article na ito :

Are you a stinky linky? Or do you smell like a divine divalicious babe?

Dapat bang patulan? Ang sa akin, kayo na ang humusga. Pero sempre, dahil marami nga sa Pinoy ang marunong naman umintindi, at marami rin ang nasasaktan habang nang-iintindi, at dahil nga maraming new heroes na katulad ni Consuela — marami ang di nakapag-pigil sa kanilang damdamin. Naibulalas ang nasa isip nila. Eto, basahin nyo.

still more on la diva loca

abominable snob woman

the devil wears jo malone

mahaderang matapobre sa OFWs

bitter spiteful snob

Nakakatawang nakakalungkot. Pero winner pa rin ang Pinoy sa pagkakaron ng twisted sense of humor. Sa mga ganitong panahon, dito mo makikita kung gaano kakulit ang mga Pinoy. Lulutang at lulutang ang pagiging kengkoy. Pansinin nyo ang mga comments, parang comedy routine. Na kahit na galit at asar na asar na, andun pa rin ang pagiging entertainer natin. May katatawanan pa ring nakikita. Kaya naman ang Pinas, lulutang at lulutang yan sa tawanan. Kundi di man sa kantahan!

Sabi nga ng tatay ko, ‘kahit na mahirap, basta di mawawala ang tawanan, okay na yon.’ Tama si tatay.

P.S. Tenks Maruism , dahil sa yong blog e nabasa ko ang mga kwentuhang ito.

Advertisements

9 mga puna »

  1. […] by kengkay on August 16th, 2007 Nagpag-uusapan na rin naman ang kaamuyan dahil kay manay malu, i-kwento ko na rin itong aking masaklap na karanasan. […]

    Pasa ni Amoy Patis « Kulitan, Kantiyawan, Kwentuhan — Agosto 16, 2007 @ 8:22 hapon | Sagutin

  2. […] Si Consuela […]

    Pasa ni Panawagan: Patalsikin, Boykotin « Kulitan, Kantiyawan, Kwentuhan — Agosto 17, 2007 @ 6:47 umaga | Sagutin

  3. salamat, consuela, sa pag-banggit sa blog ko. malaking consuelo ka sa akin! hehehhe 🙂

    Kengkay: welcome rotonda :-)

    Komento ni Kid Kilatis — Agosto 17, 2007 @ 7:29 umaga | Sagutin

  4. […] Index: Bitter, Spiteful Snob (UPDATED!!) Si Consuela Swine Mentality: UPDATED Fierce and Fabulous Ingrata Still more on “La Diva Loca” More on The […]

    Pasa ni The Malu Fernandez Campaign Index « blog @ AWBHoldings.com — Agosto 18, 2007 @ 12:30 umaga | Sagutin

  5. asteeg! mula nang magsimula ang blog postings tungkol sa lekat na matapobreng ito ay nag-anak na ito ng maraming online movements — sa pinas at abroad — laban kay Malu Fernandez at sa dyaryong kinabibilangan niya.

    Sa katunayan, kapag i-google mo ang Manila Standard ay puro barado yung links nito. Malamang tinitira na ng mga magigiting (at galit na galit) na mga pinoy OFWs na hackers!

    Buti nga! belaaat!!!!!!


    Kengkay: basta Pinoy talaga inapi mo, bahala ka na sa buhay mo kung sino ka man. Bayanihan, galing ano? kaya sali ka na rin sa Pinoy Ako. teka, may sagot na ba ang manila standard at people asia?

    Komento ni taroogs — Agosto 20, 2007 @ 4:19 umaga | Sagutin

  6. dapat pagkasunduan na iboycott ang magazine na yan kung hindi mag apologise or iretract ng baboy na yon ang lahat ng kanyang sinabi.ang politicians na rin dapat mag react sa mga sinabi ng tao (ba yun or hayup? ) na yan dahil panlalait yon sa ating lahat na pilipino.

    Komento ni nabwisit — Agosto 30, 2007 @ 12:05 umaga | Sagutin

  7. May sagot no po ang Manila (sub)Standard Today — sapat na daw yung “apology” kuno ni Divamonya kaya hindi nila tinanggap yung resignation niya. Bakit nga naman nila pakakawalan yung taong naging susi ng pag-sikat ng kanilang diyaryo, di ba?

    Ang tanong, sapat na din ba yung “apology” na ito sa milyon-milyong Pinoy na ininsulto nila?!

    Komento ni taroogs — Setyembre 7, 2007 @ 10:08 umaga | Sagutin

  8. Musta na kaya si Consuela?
    Kengkay: si consuela e asa libro pa rin 😀

    Komento ni jerishoots — Oktubre 1, 2007 @ 7:10 umaga | Sagutin

  9. Are they entitled to receive award being Outstanding Pinoy coz they are paid-workers in media / TV doing a lucrative advocacy for indigents, daw?. Do you think that kind of award given to that people are convincing for the greater pinoy?…… visit http://goo.gl/HNBgn to watch pinoy tv shows

    Komento ni Carli — Nobyembre 24, 2012 @ 2:05 hapon | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: