Kwentong Kengkay

Agosto 15, 2007

Skateboards

Filed under: Dito sa Amin,Pasaway — kengkay @ 4:39 hapon

Eto ang mga Skateboards

Itong asawa ko, oo. Talagang di makapag-pigil. Tagal na nya ring kinukwento sa akin na may sale daw na skateboard dun sa malapit sa opis nya. O e ano naman kaya ngayon. Gusto daw nyang bilhan ang mga bata. Hmm. Teka muna, mga anak ba natin ang tinutukoy nitong mokong? Kasi nga 3 at 5 years old pa lang sila ano. Para bang kahapon lang sila natutong lumakad ng matino e ngayon gusto na nyang paliparin?

Fastforward. Kahapon. Pagbukas ko ng pintuan, aba, may hawak na supot. Edi excited naman ako para sa mga anakis ko. Sabi ko, huy, may dalang surprise si kumag. Dagdag pa ng pakantiyaw na sigaw ng tatay nila na, ‘anong kulay ang gusto nyo?’

Tiling nakakatalsik ng tutuli ang sagot ng mga kuting. Takbuhang-tulakan pababa ng hagdan ang nangyari. Buti kamo’t walang nahulog, nakopo! Kundi makutusan ko itong ama nila e. Nung buksan yung dala nyang bag, muntik ko na kamong makutusan talaga. Skateboards! Tag-isa silang magkapatid. Teka muna, e para bang nung isang buwan lang tinanong nung asawa ko kung okay bang regaluhan sila ng skateboards ah. E di naman sila naging 10 years old nung isang buwan na yon, hmmp!

At sabi nya sale di ba? Bakit di ko naisip na ang sale sa asawa ko e di katulad ng pagkaka-intindi ko ng sale. Kasi, ang mahal ng linstyok na mga skateboards. E ang sale sa akin e ibig sabihin, pwede mong bayaran ng barya! E kung barya ang binayad nya dun sa sale na yon, aba — di wallet ang kailangan nya, kundi bayong!

Pero sige na nga, masaya na ang mga bata. Pati nga ako naki-saya na rin. Atsaka na kami magtu-tuos ng pasaway nilang tatay.

Ready na nga akong ipakita sa kanila ang galing ko sa skateboard. Ipagyabang ang aking experience, baga. Para namang nung bata ako e mga apat ba beses lang akong nag try mag skateboard. Tapos tipong bano bano pa ako. Yung pang apat nga e nabukol na ako kaya ako umayaw. Pero aaminin ko ba? Hindi ano.

Sakay ako sa skateboard. Medyo na-maintain ko ang balance ko. Naks, palakpak naman mga anak ko. Pero ang asawa ko, nagtago na sa kusina. Biglang sya na lang daw ang magtapos nung niluluto ko. Wag lang nyang makita ang circus na ginagawa ko, nyahaha. Aba ang mga anak ko, porke’t di ako nahulog nung unang akyat ko sa skateboard; sigaw ba naman ng, ‘mama, exhibit naman.’ Ipakita ko raw kung papano ko itaas ang mga paa ko. Katulad nung mga extreme sports na kung papano ibato ang skateboards e ganun din nila ibato ang katawan nila. Gusto ba namang gawing bandado ang nanay nila!

Binasa ng asawa ko ang instructions: dapat daw may helmet, dapat daw may mga protection gears, dapat daw mag-ingat sa pagsakay ng skateboard, dapat daw bago gawin ay mag practice muna, dapat daw bantayan ang mga bata kung di pa masyadong marunong.

Binasa ko naman ang guarantee. Two years. Okay, pwede pang isoli đŸ™‚

P.S. Dahil naniniwala ako sa imposible, baka may maligaw dyan na may tips kung papano maging extreme stakeboarders ang mga 3 at 5 years old? Paki-bato naman.

Advertisements

2 mga puna »

  1. kaw naman, hayaan mo na si hubby. excited lang yan at mukhang di na makapaghintay ang mga boys nya na lumaki. teka, puro boys nga ba?

    may duda ako na pagtuntong nung panganay nyo ng 10… mag uuwi na yan ng bagong kotse para sa anak nyo. o di ba? bonggang-bongga si hubby.

    ang galing ng humor mo, mare. salamat at entry mo ang unang nabasa ko ngayong umaga. parang maganda simulain ng araw ko kahit makulimlim dito. keep blogging! love yah!

    Komento ni MARU — Agosto 16, 2007 @ 12:09 umaga | Sagutin

  2. maru — yan nga ang problema kasi GIRLS sila e, hahaha!!!

    Komento ni kengkay — Agosto 16, 2007 @ 5:44 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: