Kwentong Kengkay

Agosto 21, 2007

KFC

Filed under: Dito sa Amin,Palaway,Panlasa — kengkay @ 4:04 umaga

KFCOke. Naglakwatsa kami ng mga inakay ko kahapon. Bakasyon pa rin kasi nila e. Nag-train kami papunta sa siudad kung saan working boy ang tatay nila. At dahil matagal na kong gigil na gigil na mag-KFC, talagang pinaunahan ko na mga bulinggit at inuto-uto:’Ayan, may bagong kainan. KFC. Dyan tayo mag-tanghalian mamaya, okay?’

Buti na lang gaya-gaya na ang KFC sa McDo. Meron na rin silang kid’s set na may kasaling laruang pampadagdag sa kalat sa bahay. Kaya ang sagot ng mga bata ay, ‘mama, ngayon na.’ Whoops, dahan dahan mga anak at sabay baltak sa invisible string. May hawak pa kayong pretzel ano, hmmp.

Ayan, kaya naging biktima ang KFC ng aking unang restawran rebyow. Usapang seryosahan kasi tungkol sa lafangan, di bash. Matapos na maglaway laway ako simula last year dahil finally e nagbukas na rin kayo ng tindahan dito sa parte ng Oy-ro-pa ko. Ilang beses ko ring kinulit asawa ko na kumain kami sa KFC, kaso mo nung mga araw na yon e uso ang bird’s flu. Wiz ko type na maging feder-feder ang beauty ko ano. Kaya nag-antay ako.

Kung alam ko lang na ganya ang lasa, hay. Mas masarap pang mag-antay. Puno ang restawran nung binalikan namin. Ayaw pumasok ng asawa ko kasi daw mag-amoy eau de chicken sya e poging-pogi sya sa suit nya. E ayaw naman naming sa al fresco kumain kasi ang lamig ng hangin ano, brrrr. Baka maging frozen chicken lang si mang colonel.

Pinalayas muna namin si hubs para makalafang ng manok. Sabi ko sa mga anakay, sige, upo na kayo dito, pipila na si nanay. Swerteng nakakuha ng lugar sa bar, kung saan pwede mong inggitin ang mga taong labas kasi sila ang kaharap mo habang kumakain ka. Ayos.

Pumila. Pumili. Nagbayad. Sempre di ganon kadali. Kasi di ko alam kung anong kakainin namin e. Dami ng nakalistang posibilidad. Meron silang zinger, crispies, filet tower burger, zinger tower burger, crispy burger, filet burger, twister, mexican twister, hot wings, buckets, kids’ menu, at kung ano-ano pang eklat. Naman, sempre nag-uwi ako ng menu ng KFC kaya dami kong alam na kakanin dun. Balak ko kasing i-blog para patunay kay Jervin na nagpunta talaga kami dun.

Sa dami ng posibilidad, sempre ang napili ng mga anakay ko e: french fries at hamburger at wag kalimutan yung laruan. Huh, di ba sabi ko asa KFC kami? At ako, sa pagka-lito ko dahil excited mag-manok ulit, sabi ko zinger menu. Ayos. Hawak ko na ang tray pagkatapos akong lakihan ng mata ng tindera kasi pinapalitan ko yung laruan. Aba, di naman nya ako tinanong kung anong gusto ko e, hmmp.

Galing ng presentasyon. Kasi tunay na porselanang plato ang hawak ko. Kahit pa ang bottomless pepsi glass nila ay papel. Papel para siguro di ka magtagal ng ka-re-refill. Mawasak agad maga ikalawang balik mo. Practical na radical, babe. Pagdating ko pa lang sa upuan namin, nag-bangayan na ang mga kids. Ayaw nila ng manok. Ganun? Mabuti at kumain ng french fries, mga dalawang piraso. At biglang nag-ngangawa: asan yung ketchup? Ay, oo nga ano. Eto pamatay, bibilhin mo ang ketchup. Oo, bumili ako ng dalawang kapiranggot na ketchup na sa isang pindot mo ay talsik agad ang kalahati sa damit.

Ayaw nila ng manok. Ako kumain nung manok. Ay, dry na dry, parang di pinainom ng tubig ang chicken. Ayoko ng bumalik sa counter para bumili ng gravy ano. Isusumbong ko sila sa PETA, eheste, basta dun sa kapisanan ng mga ayaw kumain ng manok. Nakita ng anakis ang zinger burger. Yun daw gusto nila. Okey, sabi ko, pero ma-anghang yan. Di bale na daw. Nung makita-kita ko, yung tinapay lang ang kinakain ng mga lintekski. Kaya ang zinger ko, naging dry na manok ulit. Sa totoo lang, yung french fries nila, dry din. Kung pwede lang humingi ng sabaw, kahit na sa langit, hayyyyzzz! Tapos yung juice nila para sa bata e tetra pak.

Ang panalo lang talaga e yung pepsi. Nakadalawa at kalahating balik ako. Ayokong i-take yung risk na matunaw yung papel na baso at mabasa ang saya ko ano. Kung hindi lubos-lubosin ko ang pag-igib ng pepsi nila. Kasi talagang, gutom ang nangyari sa amin sa KFC. Ang mahal pa naman! Ibalik ang pera ko.

Eto ang masasabi ko ngayon sa KFC: Kainang Feder Chika. Pweee, di na ako babalik sa inyo. Ang tukoy ko ay ang branch dito sa amin ha. Dyan sa atin, baka pumasok din kami at mag-hi 🙂 On friendly terms naman kami ni Mr. Colonel e.

Advertisements

2 mga puna »

  1. laos sa KFC dito ate! paguwi mo maghanda ka na ng mga gamot kontra high blood. 😀


    Kengkay: nyahaha, bondat ako sa KFC pag uwi ko dyan.

    Komento ni jojie — Agosto 21, 2007 @ 4:31 umaga | Sagutin

  2. Keng, dito ka na lang kumain sa KFC hindi dry and lahat libre magsawa ka sa catsup at gravy.


    Kengkay: sinabi mo pa. boykot na ko sa KFC dito.

    Komento ni Elaine — Agosto 21, 2007 @ 8:13 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: