Kwentong Kengkay

Agosto 24, 2007

Macapuno

Filed under: Ano Nga Ulit Yon?,Patawa — kengkay @ 9:04 hapon

Dito sa amin. Bumisita ang mga nanay at tatay ko.

Isang araw. Sobrang init. Tagaktak ang pawis. Dami kasing nakain. Sabi ng jowawits ko, ‘hala, para matag-tag ang kinain natin, lakwatsa tayo sa ice cream parlor.’ Yehey naman ang sagot namin. Bilis-bilis na nag-tsinelas. Lakad kami.

Mga sampung minutong nakalipas, nakarating din kami sa ice cream parlor. Ayan. Italian ice cream. Pwede ng pagtiyagan. Hanap ko si mang pablo e, yung dirty ice cream ba na ang sigaw parati sa kanto namin e ‘sorbetes, di lang dalawang itlog, kundi tatlong itlog ang sahog,’ habang nag-iingay yung kanyang kuli-ling. O kaya naman e yung Sorbetero, uy eksyus me, tulo laway ko. *pahid-pahid

Habang ako e nag-day dreaming kay mang pablo at dun sa Sorbetero, ito palang tatay ko, tulo laway din. Sa sobrang dami ng flavor. Nalito sya. E sya na lang ang walang hawak na sorbetes, tinabig ko nga, ‘tay, anong flavor ng ice cream ang gusto mo?’

Pa kool pa daw si tatay ko, ang sabi nya ay ‘macapuno na lang.’ Macapuno! Naghanap si tatay ko ng macapuno sa Oy-ro-pa!

Naks naman. Hagalpak talaga ako ng tawa. Nyahahaha. Sempre di na ko makapag-salita dahil pinipigil kong wag lumobo ilong ko e, oops, eksyus me 🙂 Sakit talaga sa tyan. Ito namang asawa ko, nahawa na rin. Hagalpak din ng tawa. Kahit di nya alam kung bakit halos maghalumpasay na ako sa hagalpak. Pero si nanay ko, tuliro. Di nya na-gets kasi e. E dahil sa humahaba na ang pila sa ice cream-an, paputol-putol kong sinabi kay nanay kung anong patawang ginawa ni tatay, ‘gusto — hihihi – daw — hihiih – ni — hihihhi – tatay —hahaha — ng hihihih — macapuno. Sino naman kaya ang matiyagang magkadkad ng niyog dito?

Ahhhhh, sarap ng feeling nung na-buo ko yung sentence. Pero ang reaction ng nanay ko ang pang grand finale talaga — sya ay na-ihe!

Advertisements

5 mga puna »

  1. salamat sa pagbati …… add kita sa link ko … kulit mo .. wehehe

    Kengkay: eto pang kaway hehe — i link din kita pero hanapin ko muna site mo

    Komento ni Airwind — Agosto 24, 2007 @ 11:30 hapon | Sagutin

  2. hahaha..natawa naman ako sa reaction ng nanay mo

    Kengkay: buti nga napigil ko din e, manahan lang, hehe.

    Komento ni chuvaness — Agosto 25, 2007 @ 7:04 hapon | Sagutin

  3. san naman yun napulot ng ‘tay mo at macapuno ang nasa isip? hmmm..

    Kengkay: masyadong na-excite e. wala namang dalang pang kad-kad ng niyog 🙂

    Komento ni jojie — Agosto 27, 2007 @ 6:29 umaga | Sagutin

  4. […] At meron pa kaming kwento dito nung nagpunta sila ni nanay ko sa Alemanya, eksampol pa rin ng kanyang pagiging comedy king click:macapuno […]

    Pasa ni Tatay « Kwentong Kengkay — Hunyo 15, 2008 @ 6:40 umaga | Sagutin

  5. Kakatuwa naman si Tatay Goniong 🙂 Macapuno, hehehe…

    Komento ni julie — Hunyo 15, 2008 @ 12:33 hapon | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: