Kwentong Kengkay

Agosto 24, 2007

Upo o Tayo?

Filed under: Ano Nga Ulit Yon?,Dito sa Amin — kengkay @ 8:45 hapon

Isang tanong, isang sagot: naka-upo o nakatayo?

Psst, kayong mga jolakis ang tinatanong ko. Pano kayo mag-park sa CR? Upo or tayo?

I-share ko lang ‘tong kwentong barbero na ang bida e dalawang mahal ko sa buhay. Secret na lang kasi baka mabatukan pa ako e. Pero kung pilitin nyo ko…

Kwentuhan ko muna kayo.

Sabi nung ____ ko na pa-sermon at tipong nilakihan na ang mata para talagang peelings ba, ‘ikaw, umupo ka naman kapag umiihi ka. Di ka na nahiya, yung _____ mo pa ang naglilinis ng CR pagkatapos mo.’

Sagot namang super shocked nung _____ ko, ‘ano, papano ko uupo kapag iihi e ganyang naman talaga umihi kaming mga lalaki — nakatayo.’

Sabi ulit nung ____ ko, ‘e bakit si _____, naka-upo kung umihi? Edi ikaw pwede ring masanay na naka-upo. Mas maganda pa at walang talsik-talsik. Di madumi, hmmmp.’

Sagot naman ulit si _____ ko na nanlaki rin ang mata at pati ang tyan sa mga narinig nya,’ ano, pano mo nalamang naka-upo si _____ kapag umiihi? Owws.’ Talagang di sya makapaniwala.

Sabi ko naman na nagbibida, ‘oo naman. Totoo ‘yon. Nakaupo si ____ kapag umiihi ano.’

Talo si ____ ko. Napa-ismid na lang at biglang naging busy sa isang sulok ng bahay.  Ewan ko kung napa-upo rin sya pagkatapos nung tak-takan na yon.

Advertisements

2 mga puna »

  1. ay napapanahon! pinagdedebatehan din namin ito sa bahay kagabi.

    hawsmeyt: di sila pwede umupo pag umiihi sasayad.

    jojie: woooowww! sumasayad?! ang yabang nun ha!

    may foint naman ako diba?

    Kengkay: ako may kilalang sumasayad talaga, nyahahaha.

    Komento ni jojie — Agosto 24, 2007 @ 11:57 hapon | Sagutin

  2. hehehe! ano ba namang sarvey to! hehehe! minsan upo. minsan tayo. i guess, pipti-pipti. ganun.

    Kengkay: basta na-isyut ok na, hehe.

    Komento ni reyna elena — Agosto 25, 2007 @ 8:17 hapon | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: