Kwentong Kengkay

Agosto 24, 2007

Usapang Itlog

Filed under: Dito sa Amin,Pasaway — kengkay @ 5:12 umaga

Ewan ko ba. Porke nakabasag ako ng apat na itlog kahapon at nag celebrate ang mga anak ko, eto at ang unang email na pumasok e tungkol din sa itlog. Bakit naman daw nag royal celebration ang mga anak ko? Ewan ko din. Natuwa sila na ang nanay pala nila e nakakabasag din ng itlog. Sigaw pa nga yung panganay ko dun sa bunso ko, ‘bilis, bilis, sa kusina.’

Kung alam lang nila ang istorya ng ibang itlog na nabasag ko, hmmp *wink! Kasi ang mga lintek na itlog, sa gitna ng lamesa ko pa sila nilagay nyan ha, parang slow motion na nag roll over. Di ko na nasalo. Mas gusto pa nilang magpatiwakal at basagin ang dilaw nila kesa ilublob ko sila sa kumukulong tubig at patigasin ang dilaw nila.

At ano naman daw yung tungkol sa itlog na email? Eto ang malupit, sa Tsina, uso ang fake na itlog. Ano ba naman yan. Pati ba naman itlog, pwede na ring i-fake? As in meron daw kurso kung papano gumawa nito. At binebenta ito sa palengke ha. Kaya lang, ang laman eto:

To create egg white, the instructor – a woman in her 20s – used assorted ingredients such as gelatin, an unknown powder, benzoic acid, coagulating material and even alum, which is normally used for industrial processes.

Ang buong kwento dito.

Kung may balak kayong bumisita sa Tsina, siguraduhing totoong itlog ang hawak nyo. It looks the same, feels the same, tastes the same daw, would it smell the same? *wink*

Advertisements

3 mga puna »

  1. di pa ako nakakita ng itlog ng intsik. so far,sa dinami-dami ng itlog na nahawakan ko…sa awa ng Diyos, genuine naman sila lahat. in fact, dehins sila nababasag kahit medyo nahahampas.

    Kengkay: yan ang tunay na itlog, di nababasag, waaaah!

    Komento ni MARU — Agosto 24, 2007 @ 6:31 umaga | Sagutin

  2. naku po… yoko kumain ng ganyang itlog. mag didilis nalang ako. siguro naman mahirap nang pekeen yun

    Kengkay: tama ka dyan, penge ngang dilis

    Komento ni Raymond Lee Quijano — Agosto 24, 2007 @ 1:45 hapon | Sagutin

  3. ay kabisado ko ang itlog na intsik. πŸ˜‰ masarap siya infairness… teka.. anong itlog ba? πŸ˜†

    Kengkay: depende sa sarap πŸ˜‰

    Komento ni jojie — Agosto 24, 2007 @ 11:54 hapon | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: