Kwentong Kengkay

Agosto 25, 2007

Si Lola

Filed under: Dito sa Amin,Patawa — kengkay @ 8:42 hapon

Imbitado kami sa mga biyenan ko kanina. Barbekyuhan daw. Tagal ng plano yan. Lampas na isang taon. Mabuti naman at natuloy din. Pero nag-lakwatsa muna kaming mag-anak, swimingan ba. Emote muna ako sa aking two-piece, yung bagong pares ng tsinelas ko ba, hehe.

Fast forward. Barbekyuhan time. Ang mga bata tulog pa sa kotse. Ang mga nag-imbita sa barbekyuhan, tulog din. Si lolo nila, asa hardin, tulog. Si lola nila, asa sala, tulog din. Oops. Tanong naming mag-asawa sa isat isa – ngayon ba ang barbekyuhan? Na-alimpungatan si lolo. Natuwa kasi may katulong na sya. Hatak agad nya ang asawa ko para magbuhat at mag-ayos at magsimulang-mag-barbekyu…

Punta naman kami kay lola. Bigay naman sa kanya yung tsokolateng pasalubong namin nung mahimasmasan. Binuksan agad ng mga anak ko na biglang nagising nung naamoy ang pagkaing pang-sira ng ngipin nila.

Ang tanong ni lola: ‘O bakit kayo nandito?’

Sagot ko naman: ‘E di ba may barbekyuhan dito sa inyo ngayon?’

Lola: ‘Bakit di ko alam?’

Ako: ‘Baka di ka imbitado.’

Lola: ‘Hmm.’ Biglang nag-isip. ‘Aba, edi imbitahin ko sarili ko.’

Naman 🙂

Advertisements

3 mga puna »

  1. nyahahaha! nakalimutan ang sarili nya. ang kulit!

    Kengkay: buti pina-alala ko, hane.

    Komento ni MARU — Agosto 26, 2007 @ 12:51 umaga | Sagutin

  2. Great site. Join the PHTopsites.com 😀 Thanks

    Kengkay: tenks, pero insecure pa ko e 🙂

    Komento ni PHTopsites.com — Agosto 26, 2007 @ 7:46 umaga | Sagutin

  3. wahahaha! si lola ang comedy.. pwedeng ampunin?

    Kengkay: pa-ampon ko sa yo kaya lang mag-aral ka muna ng deutsch.

    Komento ni jojie — Agosto 27, 2007 @ 6:31 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: