Kwentong Kengkay

Agosto 26, 2007

Hubo

Filed under: Ano Nga Ulit Yon?,Patawa — kengkay @ 5:16 hapon

Pangalawang araw na naming pamilya na nagtatampisaw sa swimingan. Kasi ngayon na daw ang huling araw na may araw. Ang gulo ba? Yung araw na tukoy ko e yung the SUN baga. At hindi yung the DAY. Kaya minsan hirap ding mag-tagalog e. Pre-preho salita, iba naman ibig sabihin. Katulad ng paalam. Eto sample:

Kuya Eng-eng: ‘O bakit bukas ang pridyider? Nag-paalam ba kayo?’

Neneng: ‘Ay nalimutan namin. Paalam!’

Ano daw yun 🙂 Edi ba sabi ko nga, kakalito. Pero di yon ang usapan natin. Balik tayo sa hubo kasi yan ang title ng blog ko ngayon. Bakit naman daw? Kasi sa ilang beses ba paikot ikot namin dun sa swimingan, kahapon ko lang nalaman na dun sa kabilang dulo ng dagat e andun ang mga tropang hubo. Oo, andun ang FKK (Frei Koerper Kultur) or sa Inglis e nude colony.

Pero ang nakakatawa, may bakod yung kanilang tambayan. Langya naman. Natuturang walang hiya silang mag-hubo, tapos biglang tatabingan? Anong gusto nilang palabasin? Na ayaw nilang ilabas, edi ba nalabas na nga. ‘No kala nila? Na mas walang hiya kaming mga naka-labas ang puson? Na di kami imbierna sa mga pagiging scantily clad namin? Dahil wala kaming paki-alam kung sinong makakita sa mga ka-seksihan namin? Hmmp.

Kung alam lang nila. Hubo din naman ang dating ko kapag kasama ko sa swimingan ang mga junakis ko. Etong alisin nung isa yung tali sa likod nung aking two piece, ayan naging one piece. Pero labas naman yung two piece ko sa taas, nyahaha! Andun din yung hatakin nung mga anakis ko ang bikini ko. May i silip ang wet-paks ko. Andyan din yung habang nagbibihis ka e biglang bubuksan ng mga bubwit ang kurtina dahil nagtataguan-pung sila. Edi taguan pung din yung mga kasu-kasuan ko.  ‘Yon lang naman…

Advertisements

2 mga puna »

  1. ay mag-iinang bold star.. LOLs! aylabyu ate kengks! 😀

    Kengkay: ‘kaw manager namin, hehe. labs u tu.

    Komento ni jojie — Agosto 27, 2007 @ 6:33 umaga | Sagutin

  2. […] mga taong sisilip din sa iyong ka-blagan. E nagkaron ba naman ako ng post na may titulong ‘Hubo‘. Tapos nga may pumasok pang mga salitang muntik na talaga akong mabilaukan. At dahil di ko […]

    Pasa ni Hubong Scandal « kwentong kengkay — Nobyembre 13, 2007 @ 10:16 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: