Kwentong Kengkay

Agosto 28, 2007

Sa-pam

Filed under: Dito sa Amin,Pasaway,Patukso — kengkay @ 4:52 umaga

‘Yoko na talaga ha. Lintek na mga sa-pams yan. Naka-ilang lipat na yata ko ng e-mail accounts e mas mabilis pa silang makapag-send ng welcome sa akin kesa dun sa pa-welcome nung nagbigay sa kin ng account.

Unang email address ko e hotmail. Natabunan ako ng spams na panay may attachment pa kaya natigok yung account ko. Sayang, andun pa naman mga email address nung mga ex-bfs ko. Actually e future bfs ko dapat sila, pero dahil na-disconnect nga ang aming komunikasyon, split ends na kami. Kahit anong sabunut ko sa sarili ko e di ko na mabalik ang nakaraan namin, natigok na ang hotmail ko. Babush na lang.

Nag yahoo naman ako. E dahil pinaghalo ko ang business at personalan sa isang email account. Ako naman ang nag-disconnect. Kakabaliw. Minsang nakipag-flirt ako sa isang akala ko e target future bf ko e yun pala e isang travel agent sa hotel na pinag-aaksayahan ko ng panahon. Ayun, naging ka-boyprenan ko yung may ari ng travel agent. Pero nung nawalan ako ng gana magpaka-alipin sa hotel na yon; nilayasan ko. Hirap talaga ng walang ginagawa e, hehe. Kasabay na rin ng pag-lalayas ko dun sa travel agent nilang ka boypren ko, hmmp.

Nung napadpad naman ako dito sa Oy-ro-pa — may sarili na akong email account. t-online naman sya. Handang handa na sya para maki-connect ako sa mga non-deutsch speaking worlds. Pero inaway naman nung asawa ko dahil ang daming hidden charges. O ayun, nawala ang connect ko sa non-deustch speaking worlds. Muntik na kong mabaliw. Buti na lang may text messages at may telepono. Ayan, asawa ko naman ang nabaliw dahil sa non-hidden charges sa telepon bills, nyaha.

Ngayon ang gamit namin e online na lang, na tsugi ang ‘t’. Okay naman sya pero nung nag upgrade sila nitong mga nakaraang buwan; panay lintsyok na error ang lumalabas. At soooper bagal. Minsang nag delete ako ng isang file, umabot ng isang oras e di pa tapos mag-basa; ano ba yon. Ni-reboot ko nga at nag bukas ako ng bagong account sa yahoo.

Masaya na ko sa yahoo. Kaya lang, eto at napupuno na naman ng kakabanas na spam ang account ko. Oo, nalalaglag nga sya dun sa spam; pero minsan nangangati akong buksan e, lalo pa’t ganito ang title: ‘do you want to see what my husband did to me last night, he is realllyyy crazy!’ — O ayan 😀

Advertisements

7 mga puna »

  1. Spam die!! die!!! hehe.

    Have you tried gmail? gusto mo invite kita.

    Kengkay: tenks pero alam mo 5 emails na ang hawak ko eh, matabunan na ko, hehe

    Komento ni Laarni — Agosto 28, 2007 @ 6:14 umaga | Sagutin

  2. buti sana kung pwede silang ulamin. 😀

    Kengkay: balita ko nga may ibat ibang flavor na daw e, hehe

    Komento ni jojie — Agosto 28, 2007 @ 6:53 umaga | Sagutin

  3. naisara din ang hotmail account ko noon ng dahil sa linsyak na spams. kaya ayun, di ko na tuloy makontak tatay ng daughter ko at hindi na nakapag-sustento sa anak nya. waaaahhh! 😦

    Kengkay: aguy, mas masaklap pala ang kwento mo. pano kung mahagilap mo sya sa forum 😀 anong gawin mo? hmm

    Komento ni MARU — Agosto 28, 2007 @ 11:16 umaga | Sagutin

  4. pa pampam talaga yang mga spam na yan e,, hehehehe

    xiao!

    Kengkay: hay brath, pampampam talaga!

    Komento ni brath — Agosto 28, 2007 @ 5:47 hapon | Sagutin

  5. Hahaha, asar talaga yang mga spam na yan. buti sana kung pede i-ulam eh, di welcome na welcome. 😦 yun email ko nga sa domain ko dinadapuan pa rin. huhuhu. hindi naman ako bumibili nun viag** ewan ko ba at lagi ako pinapadalhan ng offer. 😀

    Kengkay: sarap tawagin ni pareng pacman para ma-pa-spam yang mga yan..

    Komento ni Nika — Agosto 28, 2007 @ 6:07 hapon | Sagutin

  6. hahaha …. makulit talaga yan … try mo gmail. they seperate probable spam from legitimate ones. subok lang 😉

    Komento ni Airwind — Agosto 28, 2007 @ 8:06 hapon | Sagutin

  7. haha.. ^_^ amkulet. ganyan din rason ko kaya nagpalit ako ng account ym.. ewan ko lang ngayon, di pa ata nila ako nahahagilap ulet eh. hahaii.. @_@

    -aguil

    Kengkay: ayan, pagbutihin mo pagtago mo!

    Komento ni aguil — Agosto 29, 2007 @ 10:20 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: