Kwentong Kengkay

Agosto 29, 2007

Maalaala Mo Pa Kaya?

Filed under: Ano Nga Ulit Yon?,Duon sa Amin,Patawa — kengkay @ 3:57 hapon

Laki ng ngisi ko nung mabasa ko ‘tong forwarded email na ‘to. Yehey, may pang blog na ko. Natawa ako. At naalala ko. Yung iba lang naman, kaya may i comment din ako na naka block 😀

Si Nanay ay nasa bahay pag-uwi namin galing sa paaralan; Walang mga bakod at gate ang magkakapit-bahay, kung meron, gumamela lang;10 sentimos o diyes lang ang baon (oo nga, dati may apat singko pang kendi e): singko sa umaga, singko sa hapon (pero ang baon ko mga piso na kasi namamasahe na kami papuntang iskul e);

Merong free ang mga patpat ng ice drop: buko man o munggo (pwede kang magpalit ng ice drop ekwals bote sa mamang magbobote). Mataas ang paggalang sa mga guro at ang tawag sa kanila ay Maestro o Maestra (tawag namin Miss kahit na Misis na sya).

Di binibili ang tubig, pwedeng maki-inom sa di mo kakilala (hmmm, alam ko nagbebenta kami ng ice kasi di lahat ng bahay may pridyider).

Malaking bagay na ang pumunta sa ilog para mag-picnic, o kaya sa tumana (swimming kami sa Manila Bay parati every weekend nung di pa sya reclamation site o kaya tambay sa Luneta);

Grabe na ang kaso pag napatawag ka sa principal’s office o kaya malaking kahihiyan kapag bagsak ka sa exams (di ako maka-relate, masipag ako mag-aral nung grade school e);

Simple lang ang pangarap: makatapos, makapag-asawa, mapagtapos ang mga anak… (oo nga, kala ko dati pag-apak ko ng beinte anyos dapat mag-asawa na ko)
Pwedeng iwan ang sasakyan at ibilin sa hindi mo kakilala; wala namang lock ang mga jeep na Willy’s noon (ay, di ko na kilala ang Willy’s; Sarao na nung sa amin e).

Mayroon kaming mga laruan na gawa namin at hindi binili: trak-trakan (gawa sa rosebowl ang katawan at darigold na maliit ang mga gulong, “sketeng” (scooter) na bearing na maingay ang mga gulong at de-sinkong pako para sa preno; patining na pinitpit na tansan lang na may 2 butas sa gitna para suotan ng sinulid (pwede pang makipag-lagutan) ; sumpak, pilatok, boca-boca, borador, atbp. (at mga larong kalye tulad ng: chinese garter, piko, langit at lupa, pepsi 7-up, patintero)

Di nakikialam ang mga matanda sa mga laro ng mga bata: kasi laro nga iyon.

Maraming usong laro at maraming kasali: laste, gagamba, turumpo, tatsing ng lata, pera namin ay kaha ng Philip Morris, Malboro, Champion (kahon-kahon yon!) (teka eto pa, jolens, peborit ko yan)

May dagta ang dulo ng tinting na hawak mo para makahuli tutubi, nandadakma ka ng palakang tetot, pero ingat ka sa palakang saging dahil sa kulugo; (ahaha — oo nga, ngayon kadiri na)


Butas na ang sakong ng Spartan mong tsinelas – suot mo pa rin; (alala ko, ginugunting ko yung tsinelas ko para mapatid at makabili ng bago o kaya nilulubog ko sa putikan :-D)

Namumugalgal ang pundiya ng kansolsilyo mo kasi nakasalampak ka sa lupa. (at parating may dagta dahil kaluluto ng aloe vera at kung ano pang halaman dyan; at chalk na rin dahil sa piko)

Sa modernong buhay at sa lahat ng kasaganaan sa high technology.. . di ba minsan nangarap ka na rin… mas masaya noong araw! Sana pwedeng maibalik…

Takot tayo ngayon sa buhay. Kasi maraming napapatay, nakikidnap, maraming addict at masasamang loob…
Noon takot lang tayo sa ating mga magulang at mga lolo at lola. Pero ngayon, alam na natin na mahal pala nila tayo kayat ayaw tayong mapahamak o mapariwara.. ..
Na una silang nasasaktan pag pinapalo nila tayo…

Balik tayo sa nakaraan kahit saglit…

Bago magkaroon ng internet, computer, at cellphone. Noong wala pang mga drugs at malls. Bago pa nauso ang counter strike at mga game boys. Tayo noon… Doon …

Tinutukoy ko ang harang taga o tumbang preso kapag maliwanag ang buwan; (oo nga, ginagabi kami sa kalye)

Ang pagtatakip mo ng mata pero nakasilip sa pagitan ng mga daliri pag nanonood ka ng nakakatakot sa “Mga Aninong Gumagalaw” (awss, ang nahuli e yung Gabi ng Lagim na e, peborit ko yon na takutin ako)

Unahan tayong sumagot sa Multiplication Table na kabisado natin, kasi wala namang calculator. (tama nga, tinamad na kong mag-isip nung nakabili na ko ng calculator e)

Pag-akyat natin sa mga puno; pagkakabit ng kulambo; lundagan sa kama ; (ay, natutulog pa nga kami sa tanghalian dun sa mga sanga sanga sa puno ng indian mango o kaya sa puno ng bayabas)

Pagtikwas o pagtitimba sa poso; pingga ang pang-igib ng lalake at may dikin naman ang ulo ng babae;Nginig na tayo pag lumabas na ang yantok-mindoro o buntot-page.Nai-sako ka rin ba (arrgh, oo nga)?

O kaya naglagay ka ba ng karton sa pwet para hindi masakit ang tsinelas o sinturon (nakow, di ako ganyan ka-clever nung araw e, sa takot e di na ko makapag-isip; nginig na ako sa takot kapag nahuli kami ng tatay ko na nagkiki-nood ng telebisyon sa kapitbahay kapag may pasok kinabukasan)?

Pamimili ng bato sa bigas (ay, hate ko yan pero utos ni nanay) ; tinda-tindahan na puro dahon naman (dahon tapos may sauce na galing sa aloe vera); bahay-bahayan na puro kahon (kami nakikibahay dun sa bahay nung aso, hehe); naglako ka ba ng ice-candy o pandesal noong araw (di nga, nagtitinga nga kami ng yelo)? Karera sa takbuhan hanggang maubos ang hininga (gawa pa rin namain to ngayon); pagtawa hanggang sumakit ang tiyan (hanggang ngayon naman e);

Meron pa bang himbabao, kulitis at pongapong (ano yung himbabao at pongapong? alam ko kulitis kasi pag naninilip ka, hehe)? O kaya ang lukaok, susuwi at espada (dito ko rin alam to)? Susmaryosep ang nadidinig mo pag nagpapaligo ng bata…(atsaka, lintek!)

Estigo santo kapag nagmamano (ayan, turuan ko din mga anak ko na magmano). Mapagod sa kakalaro, minsan mapalo; matakot sa “berdugo” at sa “kapre”; Tuwang-tuwa kami pag tinalo ang tinale ni itay kasi may tinola!

Yung crush mo? (nakow, crush-crashan ko naging asawa ng kapatid ko, hehe)

Pag recess: mamimili ka sa garapon ng tinapay – alembong, taeng-kabayo o biscocho (biscocho at masarap din yung sundot kulangot di ba?)?

Pwede ring ang sukli ay kending Vicks (meron pang libreng singsing) o kaya nougat o karamel (e yung marshmallows tawag namin ‘tae ni ana’ kasi ang lambot, parang ebs nung bunsong kapatid namin, hehe);

Kung gusto mo naman – pakumbo o kaya kariba, mas masaya kung inuyat (di ko alam to);

Puriko ang mantika, at mauling na ang mukha at ubos na ang hininga mo sa ihip kasi mahirap magpa-rikit ng apoy (uy oo, kami ang kalan namin kalang bato pa nung bata pa ko e — super ihip talaga kundi walang pagkain).

Madami pa…

Masarap ang kamatis na piniga sa kamay at lumabas sa pagitan ng daliri para sa sawsawan; ang palutong (at chicharong babuy) pag isawsaw sa sukang may siling labuyo; ang duhat kapag inalog sa asin; ang isa-sa ng isubo ang daliri kasi puno na ng kanin (gawa ko pa rin yan ngayon)

Halo-halo: yelo, asukal at gatas lang ang sahog (at ice cream na gatas, tubig, asukal at konting saging lang ang sahog);

Sakang ang lakad mo at nakasaya ka kasi bagong tuli ka; o naghahanap ka ng chalk kasi tinagusan ang palda mo sa eskwelahan (harharhar). Lipstick mo ay papel de hapon (o kaya aschuelas o yung babolgam na kulay pula);

Labaha ang gamit para sa white-side-wall na gupit; Naglululon ka ng banig pagkagising (pati ako iniikot nung mga makukulit kong pinsan pag ligpitan na at tulog mantika pa rin ako); matigas na amirol ang mga punda at kumot (oo, tinutulungan ko lola ko dyan kasi sarap lamutakin nung armirol e); madumi ang manggas ng damit mo kasi doon ka nagpapahid ng sipon, di ba? Pwede rin sa laylayan…(ay, kami may dalang hanky, pa-tot-tot)

May mga program kapag Lunes sa paaralan (kami may flag ceremony at exercises everyday);

May pakiling kang dala kung Biyernes kasi magi-isis ka ng desk (kami pag first friday naka-gala uniporm at may mass sa gym; at may araw na assigned ka na cleaner).

Di ba masaya? Naalala mo pa ba? Wala nang sasaya at gaganda pa sa panahon na yon…Masaya noon at masaya pa rin tayo ngayon habang ina-alaala iyon…

Di ba noon…

Ang mga desisyon ay ginagawa sa awit na “sino ba sa dalawang ito? Ito ba o ito?” Pag ayaw ang resulta di ulitin: “sino ba sa dalawang ito? Ito ba o ito?”…

Awit muna: Penpen de Serapen, de kutsilyo, de almasen. How how the carabao batuten…(huy, alam yan ng mga anak ko kantahin, pati ng asawa ko ha)

Presidente ng klase ay ang pinakamagaling, hindi ang pinaka-mayaman;(ehehehe, oo nga ‘no)

Masaya na tayo basta sama-sama kahit hati-hati sa kokonti; (mas masaya kapag may konting agawan e)

Nauubos ang oras natin sa pagku-kwentuhan, may oras tayo sa isat-isa; (kapag brown-out at gabi, paypayan at chismisan sa kalsada)

Naaasar ka kapag marami kang sunog sa sungka; kapag buro ka sa pitik-bulag o matagal ka ng taya sa holen. (kakapikon naman talaga e)

Yung matatandang kapatid ang pinaka-ayaw natin pero sila ang tinatawag natin pag napapa-trouble tayo. (panganay ako, hmm..)

Di natutulog si Inay, nagbabantay pag may trangkaso tayo; meron tayong skyflakes at Royal sa tabi at pahihigupin ng mainit na Royco. (at sa kainan– masarap ang rufina patis na may kalamansing piniga para pang sawsaw, hmmm)

Kung naaalaala mo ito… nabuhay ka na sa KAPAYAPAAN! (kakamiss talaga ang dati ano?)

Pustahan tayo nakangiti ka pa rin! (ngising-ngisi talaga)
Kung naka-relate ka sa lahat ng nabanggit sa itaas, ibig sabihin lang niyan ay………. …

MATANDA ka na! he he he… pero kung hindi ka maka-relate, padala mo na lang sa akala mo ay kapanahunan nya ito para maalala din niya at mangiti rin siya.

Di ako aamin, kahit na nahalata na. Feeling ko kasi bata pa rin ako e. E ikaw? Naka-relate ka din ba?

Advertisements

5 mga puna »

  1. Haha, tandang-tanda ko pa yun brown-outs. Ang mga nanay namen asa labas chismisan, habagng kaming mga bata nagtataguan, tumbang preso, taguan ng tsinelas, pulis-biktima-kriminal, at saka yun mga takutan sa dilim.

    Kengkay: mas maingay sa kalye kapag brownout di ba? pareng piesta 😀

    Komento ni Nika Catbagan — Agosto 29, 2007 @ 4:57 hapon | Sagutin

  2. salamat sa pag post nito. nakakatuwa alalahanin yan mga yan. Kasama ako dun sa mga taong lumalabas at nakikitsismis pag brownout o di man yun nakikipagtaguan. wehehe …. nakakamiss … nasubukan mo bang maging patutot? o yung mapaupo lang sa base kasi bata ka pa at baka mataya ka agad sa patintero.

    Kengkay: ay, oo, sarap nga kapag brownout sa atin e. taguan, takutan, kainan ng chitcheria — hay, parati akong patutot sa patintero kasi daw ang liit ok, hehe

    Komento ni Airwind — Agosto 30, 2007 @ 12:37 umaga | Sagutin

  3. naalala ko ang kabataan ko..naka-relate ako…kaka-miss

    Kengkay: paguwi ko dyan laro tayo ng patintero, ikaw patutot, hehe

    Komento ni chuvaness — Agosto 30, 2007 @ 6:39 hapon | Sagutin

  4. hahaii,,salamat sa mga pag papa alala mo sa akin ng aking kabataan.nakakamisssss…..sana nga noh maulit yon muli,yong masaya kaming naghahbulan ng aking mga kalaro at pag pagod na ay sabay upo sa may damuhan para magkwentuhan ng kung ano ano,,tandang tandang ko pa na hindi kami tumitigil sa pagkukwentuhan hanggang tawagin ng aming mga nanay…sawa na kasi ako sa buhay na hindi ka an pwedeng maglaro ng larong pang bata,sana nga maulit yun muli…….nakakamissssssssssss……………

    kengkay: kawawa nga ang mga bata ngayon kasi halos karamihan sa kanila hindi na alam yung mga ibang larong pang kalye ano? haysss

    Komento ni jayson padin — Pebrero 6, 2009 @ 9:09 umaga | Sagutin

  5. Yes this is true because being a pornstar is a trend right now in the Philippines. We all love wannabe prostis and we are waiting for more scandals because you cannot just blame? pinay women, pinoy guys are just usually pathetic and maniacs. Pinoys love fucking even though their dicks are just puny. Chinoy rules. Filipino sucks. The lord of mafia has returned…… visit http://goo.gl/HNBgn to watch pinoy tv shows

    Komento ni Marylee — Nobyembre 24, 2012 @ 4:57 hapon | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: