Kwentong Kengkay

Agosto 30, 2007

Mahal

Filed under: Dito sa Amin — kengkay @ 10:15 umaga

Mahal talaga. Porke’t tumaas lang ng from 16% to 19% ang vat dito e nagtaasan na lahat. Kilay ko na lang ang di tumataas kasi di ako marunong; kasi yung palda ko naging mining-mini na rin e 😀

Unang nagtaas ng presyo e ang mga gatas at mantikilya. Kung dati e .85 zents lang sya; naging parang nagka-ginto at umabot sa 1.25 euro. Ano ba naman yon. Kasi naman, kung alam ko lang na ganon kataas at di na maabot ang presyo nya, nag-hoard na ako ng butter at pinalamanan ko na lahat ng tinapay namin. Yung gatas naman mas mahal ng mga .7 zents. Di kami masyadon apektado kasi di na masyadong umiinom ng gatas mga anak ko e, pangluto na lang at pangsabaw sa cereals.

Pero naisip ko rin na bumili ng baka o kambing para makatipid: aside from milk e di na naman kailangang mag-gupit ng damo kasi makakalbo at makakalbo sya dahil sa pag-ngata ng aming baka o kambing. Ang tanong e; sino maglinis ng ebaks? Eh, hindi ako no. At sinong mag-gagatas? Eherm, di rin ako. O, kaya ibang solusyon ang kailangan. Ano naman kaya?

Di pa nga tapos maghanap ng solusyon e eto na naman. Magtataas na rin ang presyo ng keso at ng curd cheese (sorry, di ko alam kung ano tagalog ng curd e, hmm, kesong kurdapya, hehe); as in 52% daw sa curd cheese. Hey man. Nung asa pinas ako di ko alam na kailangan ko pala ang curd cheese na yan; e bakit ko naman sya kakailanganin dito sa Oy-ro-pa. Pwes, i-de-declare ko sa bahay: kakain na lang tayo ng curd cheese kapag may piesta o pasko. Pero ang keso, ay, medyo mahirap mag-babay dyan. Kasi peborit yan ng pamilya. Yung panganay ko nakakaubos ng isang pound ng keso, papak lang. Eto namang asawa ko sa lahat yata ng pagkain nya hinahaluan nya ng keso. Ako naman kailangan ko ng keso sa palaman, pangsahog, pang-toppings etc. Hate nga lang nung bunso ko. So balik naman ako sa tanong ko: baka o kambing?

Ewan ko. Kasi ang gusto nung mga anak ko biik daw 🙂 Oink, oink!

Advertisements

8 mga puna »

  1. sagot: kambing para kasya kahit saan mo siya dalhin :). oy aliw ako dito sa sinulat mo. tungkol naman sa pagtaas ng vat at ng kong ano-anong walang binatbat na nagmahal na rin. ay ewan, suko na ako dito kaya gusto ko nang umuwi sa atin. pagod na ako sa katatrabaho tapos ang nakikinabang ay ang gobyerno lang naman. kita mo nga ang laki ng pundo nila ngayon, tapos ngayon pinagdiskusyunan pa ng mga politiko kong paano at saan ito gastusin. ang mga lintik, instead na i-save ang pera para may pundo sa future HAUSHALTETAT nila. namihasa ang mga lintang ito dahil walang say ang mga tax payers. buwisittt, kahit saang sulok ka nang mundo titira nadoon pa rin yong mga linta, kahit sa malamig na europe.

    di ba kengkay? sori nahayblad tuloy akesh. o siya alis na ako’t baka di lang linta masabi ko. tenks pala for dropping by doon sa kubo-kubuan ko. muahhs

    Kengkay: ay, sorry nahawa ka sa paging hayblad ko, haha. alam mo, tama ka naman e. tapos ito pang si merkel lipad daw ng ilang beses sa jet from berlin to someplace to berlin to someplace and to berlin — sa isang araw lang yan ha. pochas — e bakit kaya di nya ayusin ang hafointments nya para lahat e sa isang liparan lang? tapos talking about saving the environment pa drama nila. hayyzz…

    Komento ni Beng — Agosto 30, 2007 @ 12:08 hapon | Sagutin

  2. Hah. Dito nga sa atin, nun in-approve e-vat, hay…lahat tumaas. pano naman kasi eh pinapasa ng company sa tao lahat. e kung kahit papano shino-shoulder nila yun iba.

    Business nga naman.

    Mabalik sa usapan, kung dito ka mag-aalaga, mas ok ang kambing kasi hayaan mo lang magliwaliw sa damuhan. Yun ebs sabihin mo na lang na dahilan, fertilizer yan. Lol. Tapos pag mejo of age na si kambing, pede na gawa ng babies. Then ibenta mo yun mga babies or palakihin mo muna, then ibenta mo. Mahal kambing dito eh. Sarap kasi i-kaldereta. Hehehe.

    Kengkay: hay, penge munang recipe ng kaldereta

    Komento ni Nika Catbagan — Agosto 30, 2007 @ 3:27 hapon | Sagutin

  3. naku dito samin sa nj tumaas na rin ang vat, hay pasaway talaga,,,

    xiao!

    Kengkay: walang mga magawa no?

    Komento ni brath — Agosto 30, 2007 @ 6:39 hapon | Sagutin

  4. hahahaha …. baka ako kasi mabaho ang kambing. 🙂

    Kengkay: oo nga no *sabay takip ng ilong

    Komento ni Airwind — Agosto 30, 2007 @ 7:53 hapon | Sagutin

  5. uso din pala sa oy-ro-pa ang makunsumi ka sa pagtataas ni presyu.

    Kengkay: kasi naman more than 50 percent ang taas no, hmmp. kumbaga ang butter e almost two hundred pesos ang isa, arrgh!

    Komento ni jojie — Agosto 31, 2007 @ 3:33 umaga | Sagutin

  6. grabe noh?! Nung umuwi ako nag baon na ako ng malalaking shampoo, conditioners, kape, coffee mate, gatas, etc. Nung maubos na at balak ko bumili dito sa Pinas, susme! naduling ako sa presyo…

    Kengkay: ewan ko, taasan ng taasan ako na lang ang di tumaas 😀

    Komento ni Ms. Red — Agosto 31, 2007 @ 9:03 umaga | Sagutin

  7. mas grabe pala dyan, pero cool lang mga tao, cguro dahil winter cla nagtaas ng VAT. Dito nga sa Pinas yong nag add ng 2% vat sa dating 10% isinumpa na as in markado di na nakaulit manalo sa eleksyon.

    Komento ni visitor1 — Hulyo 18, 2008 @ 12:24 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: