Kwentong Kengkay

Agosto 31, 2007

4’11

Filed under: Pasaway,Patawa — kengkay @ 12:47 hapon

Unano na ba yan? Op kors naman, hinde.

E sabi nga ng nung mga anak ko, pagka-uwi nya galing sa kindergarten isang araw, ‘Mama, alam mo hindi ikaw ang pinakamaliit na nanay sa kindergarten!’ Whhaaat? Ibig sabihin e na-mroblema pala sya na baka ako ang pinakamaliit na nanay dun, huh? Pero sabi nga nung anak ko, di daw ako pinakamaliit, yung nanay daw ni Kevin. E kasi naman nanay ni Kevin unano e (hindi naman sa namimintas ako ha, truly lang naman talaga).

Heniway, sa akin naman, wala ang height. Tagal ko ng sinasabi sa mga nanli-liit sa akin, di ko pinangarap na tumaas. Pero pinag-isipan kong magpahatak nung naing-ganyo akong maging flight stewardess. Na ngayong ilang beses na akong labas masok sa eroplano e di ko maintindihan kung bakit kailangang mataas ka, samantalang lahat naman ng costumer mo e naka-upo, hmmp. At kung di ko man maabot yung saksakan ng luggage sa ulunan, e pwede namang gumamit ng upuan o kaya magpa-charming ‘hmm, hi mr. pogi, *sabay ngiti at haplos sa mga armas ni pogi* I know you can help me .’ Ganon ba.

Heniway ulit. Kasi naman ka-chika ko si Maru nung isang araw; tanong ba naman nya e kung pwede ba daw dito ang unano. Hmm? Kasi daw 4’11 lang daw sya. Napaghagikgik ako ng todo, kasi parehong pareho kami ng height. Ibig sabihin, unano din ako. Hindee! Nung kinuwento ko naman sa asawa ko, ang sagot ng bruho, ‘sabihin mo sa kanya, may silya naman dito.’

Oo, matino rin ang sagot ng asawa ko. Ipaliwanag ko raw na ang unang binili nya para sa akin nung dumating ako dito sa Oy-ro-pa e yung maliit na silya na pwede kong hatakin at sampayan kapag may gusto akong abutin. Muntik ko na syang sapakin, kaya lang di ko makita yung silya e. Yun pala kasi inaapakan ko ang sinabing silya. E sempre pano ko sya maabot 😀

Na-alala ko tuloy dun sa unang opis ko. Matino rin mga tao dun tulad ng asawa ko. Lahat kami nagkabit ng business cards namin dun sa likod ng upuan namin kasi maglilipatan ng kwarto. Pag-dating ko sa opisina nung kinaumagahan, may naglagay dun sa card ko ng “4’11” at pinalitan ng 4’9. Hay! Tino talaga ano?

Di pa tapos kwento ko. E dahil nga ako pinakamaliit dun sa opis na yon; everytime na makita nila ako hinahabol nila ako ng pencil dahil gusto nilang tatakan yung katabi kong wall at i-measure kung ano talaga height ko. Mga lintsyok na yon. Sinabi ko na ngang 4’11 ayaw pang maniwala. Dun sa ganung katinong corporate world ako nagsimula, kaya naman hanggang ngayon e ganun pa rin ang measure ko ng mga tao sa corporate world: matino na may sayad, hehe!

Meanwhile, hanapin ko muna ang silya ko at magluluto na ko *wink!

Advertisements

11 mga puna »

  1. OO NGA! hehehe. ako 5 flat. :> I’ve never dreamed of being a tall woman noh. ewwww. Tawag namin ng sister ko jan ay “freak of nature” pag nakakakita kami ng matangkad na babae.

    heto naughty:
    maliit
    masikip
    masarap

    *takbo*

    Kengkay: toink toink!

    Komento ni Laarni — Agosto 31, 2007 @ 1:06 hapon | Sagutin

  2. hahahaha..ang kulit ng anak mo.

    akala kung anong 411…height pala yun. ako, nag attempt din ako na magpatangkad before, may book na lumabas nun puro exercise tapos guaranteed tatangkad ka daw pag ginawa mo..naku inaraw araw ko yun…wa epek! haaaay…wala naman sa height yan kaya keri lang!

    Kengkay: hay, ako din nagbasa basa, pero di pala nakakapatanggad ang magbasa, hehe

    Komento ni chuvaness — Agosto 31, 2007 @ 7:09 hapon | Sagutin

  3. naku ang nanay ko maliit din. sa tatlo sa amin magkakapatid yung gitna lang ata ang nahawa. wala naman yan sa laki o lakit ng katawan nasa PUSO yan … 🙂

    Kengkay: kapuso 😀

    Komento ni Airwind — Agosto 31, 2007 @ 8:06 hapon | Sagutin

  4. hala pasaway naman yang mga ka opis meyt mo, hmp! labs na labs ka talaga ng asawa mo kasi binilhan ka ng silya ,, ang sweet kaya…

    xiao!

    Kengkay: yung silya na yon ang aking trono, arrgh.

    Komento ni brath — Setyembre 1, 2007 @ 1:01 umaga | Sagutin

  5. ay lab yu ate kengks, kahit na 3’11 kapa.. ay! 4’11 pala! 😛

    Kengkay: 4’9 nga daw e, hehe

    Komento ni jojie — Setyembre 1, 2007 @ 2:21 umaga | Sagutin

  6. hi! napadaan lang po and naamuse naman po ako sa post niu. =) abah, ako rin, proud to be 4’11. tanda ko pa nga, grade six ako, proud to be 4’10, mahigit isang dekada na lumipas cmula nun. ankulit naman anak u pu =)

    Kengkay: sige, magtayo tayo ng 4’11 gang, kaya lang mahirap tayo mapansin kasi nga liliit natin e, hehe

    Komento ni mk — Setyembre 1, 2007 @ 2:31 hapon | Sagutin

  7. buti na lang wala akong lapis… este pencil pala para maipangtatak sa height mo. nyaooo

    Kengkay: wheeee… *sabay takbo

    Komento ni Raymond Lee Quijano — Setyembre 1, 2007 @ 3:09 hapon | Sagutin

  8. Magtayo kayo ng ibang bansa para sa mga 411. Presidente niyo si GMA. hehehe…*sabay ilag*

    Kengkay: hahahaha — buti umilag ka kasi nakakapuwing ang maliliit ano 😀

    Komento ni MegaMom — Setyembre 3, 2007 @ 9:01 umaga | Sagutin

  9. nakakaaliw talaga mga post mo. babalik balikan ko tong blog mo. stalk na din kita! hehe!

    Kengkay: i-stalk din kita, nyahah

    Komento ni pazing — Setyembre 6, 2007 @ 5:07 umaga | Sagutin

  10. […] ba pards? At magpaputol ng mahabang pantalon? Naku, yan ang problema ni kengkay kasi maiksi ako e, 4′11 nga di ba? Minsan yung discounted na pantalon ko e mas mahal pa yung paputol sa mananahi. […]

    Pasa ni Buhay Amerika, Buhay Alemanya « — Enero 27, 2008 @ 10:05 umaga | Sagutin

  11. […] 4′11 Between Your […]

    Pasa ni Sa Pagitan ng Iyong mga Hita « — Enero 27, 2008 @ 10:41 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: