Kwentong Kengkay

Setyembre 1, 2007

Si Leonora

Filed under: Paki Lang — kengkay @ 1:41 hapon

Mga kababayan ko, tama bang mangyari ito?

Balitang nakaka-asar, nakakapikon at nakaka-gigil! Nakakaiyak.

Una ko syang nabasa dito. At eto, pakibasa at pakipasa na rin.

somera26_.jpgIsang Pinay na domestic helper, edad 65 anyos, na-hire ng isang pamilya sa Saudi nung 1978; ay stranded ngayon sa Philippine Consulate sa Jeddah. Pagkatapos nyang magpaka-kuba for 18 years sa inakong trabahong sheperdess sa Al-Baha; and weathering unpaid salaries, ice storms and being arrested several times by the police; eto pang makukuha nya?

“I want to go home as I don’t want to die here,” said Leonora Somera, aged 65, in an interview with Arab News yesterday. “My employer still owes me SR63,000 in back wages, but since it seems he cannot afford to pay me that amount, I’m ready to just go home.”

Asked why she did not run away sooner, Somera said that she was scared to do so because of the remoteness of where she lived. “I could have asked the Filipino nurses to help me, but they were too afraid that the police would blame them later for helping me escape,” she said.

But with Somera’s sponsor heading fast toward bankruptcy, the shepherdess felt increasingly desperate at making ends meet.

She finally put out an appeal through the Filipino community that she wanted to be rescued, and a consular team visiting Al-Baha in December 2005 managed to rescue her and bring her to the center for runaway maids at the Philippine Consulate in Jeddah.

Twenty months later, Somera is still waiting to go home. After the consulate helped her file a case with the labor court against her employer to try and get back some of her owed wages, Al-Ghamdi never appeared in court and showed up only once at the consulate in Jeddah.

Ang buong istory dito.

Bakit naman kaya di pa sya pauwiin ng consulate? Bakit kaya kailangan pang andun sya para ayusin ang court issues e andun naman ang Philippine officials para i-represent sya? Matanda na si Leonora. Baka naman pwedeng gawan ng paraan para maayos ang gusot na ito kahit na asa Pilipinas na sya?

Ilagay na lang natin ang sarili natin sa katayuan nya: 18 years na nagpakakuba sa isang trabahong kapironggot ang sweldo at ngayon ay ni walang pamasahe pauwi ng Pinas, nag tiis sa trabahong mga kambing lang ang kasama at kung mayron man ay mga pulis na pinag-dududahan sya, dagdag pa natin ang ice storms na di naman nya kinasanayan sa Pinas. Nagkaron sya ng lakas ng loob na humingi ng tulong, pero ayan at nag-aantay pa rin sya ng resulta after 20 months? I dont know the system, but I know that we should take pity on her and simply have the heart to grant her wish. Parang awa nyo na, pauwiin nyo na si Leonora.

Now, even though Somera is ready to go home without having recovered all of her back pay, Lomondot said that she cannot leave until the labor court issues her permission to do so.

“Please help me go home,” Somera told this reporter yesterday, “I want to see my daughter.”

Sana ay matupad sa madaling panahon ang gusto nya. And that she’d get lucky with the court issues and receive her well earned money plus a bonus.

Leonora, I am praying for you.

Advertisements

15 mga puna »

  1. Thanks for droppin’ by…

    Komento ni mitchteryosa — Setyembre 1, 2007 @ 1:46 hapon | Sagutin

  2. mga ganitong kwento talaga naman umiinit ang ulo ko at parang gusto kong manapak ng tao. sensya na kengs kung ano man ang mababasa mo sa comment ko ha.. pero tangina tlaga yang mga asal hayop na arabo na yan. pagsisilibihan mo ng maayos, tapos ang igaganti sayo eh kakupalan. mga opisyal sa phil embassy ganyan din, mga walang puso. imbes na tumulong sa kapwa pilipino, sila pa ang nagbubugaw sa mga bagong saltang pilipina. madami na ako naririnig na kwento na ganyan sa saudi.

    hindi bale leonora, kung di ka man kayang ipagtanggol at ipaghiganti ng mga kapwa mo pinoy jan sa saudi.. igaganti kita..

    bukas na bukas, pag may hahara hara sa harapan ko at nakitaan ko ng kahit na kapiranggot na kayabangan na arabong taga-saudi, sasapakin ko na agad.

    Kengkay: az, ilan na nasapak mo? bigyan mo ko ng running count, ok 😀

    Komento ni A Z R A E L — Setyembre 1, 2007 @ 5:24 hapon | Sagutin

  3. haha..banas na banas ako nung binasa ko yun entry mo mami keng, eto naman huling hirit ni azrael, ay naku, komedya. natawa tuloy ako..

    YAN ANG TINATAWAG NA BULOK NA SISTEMA! My God! BULOK AS IN BULOK TALAGA. Wala ka talagang aasahan sa gobyerno.

    Mami Leonora, I’ll pray for yah too. Aside from court issues, salary plus a bonus….dapat pati moral damages bayaran!

    Kengkay: oo nga, let’s pray for her and hope that would help her, too

    Komento ni chuvaness — Setyembre 1, 2007 @ 5:40 hapon | Sagutin

  4. bakit ayaw pauwiin? di ba pwedeng abunohan ng Phil Con. yun pamasahe, kung hindi pag-ambagan na lang ng mga OFW (kasali ako!!)
    shushunga-shunga rin naman kase mga tao sa embassy/consul e..
    pati kabayan nilaglaglag…

    Kengkay: uy, salamat sa comment mo. nabuhayan ako ng loob dahil marami pa rin sa atin ang ready na tumulong

    Komento ni fooltildend — Setyembre 2, 2007 @ 10:14 umaga | Sagutin

  5. praying for her too!

    thanks for this entry. i’m sure ang dami pa nating mga kababayang OFW na may ganitong problema. sana naman matulungan sila ng Phil. government/consulate.

    Kengkay: thanks lex. sana ma-alala ng mga taong opisyal na masarap din minsan kapag puso ang gumagana

    Komento ni brokenman — Setyembre 2, 2007 @ 12:19 hapon | Sagutin

  6. […] Si Leonora « Kulitan, Kantiyawan, Kwentuhan […]

    Pasa ni PinoyBlurker » Blog Archive » links for 2007-09-02 — Setyembre 2, 2007 @ 2:19 hapon | Sagutin

  7. […] Si Leonora « Kulitan, Kantiyawan, Kwentuhan […]

    Pasa ni links for 2007-09-02 « PinoyBlogoSphere.com | PhilippineBlogoSphere.com — Setyembre 2, 2007 @ 2:20 hapon | Sagutin

  8. […] Si Leonora « Kulitan, Kantiyawan, Kwentuhan […]

    Pasa ni links for 2007-09-02 « PinoyBlurker @ PinoyBlogoSphere.com — Setyembre 2, 2007 @ 2:20 hapon | Sagutin

  9. nakaw bakit naman ganyan, dapat dyan inaaksyonan kaagad para makauwi na si Leonora, hindi biro yung ganung paghihirap tapos patatagalin pa sita dun tsk tsk,

    xiao!

    Kengkay: tsk, tsk talaga

    Komento ni brath — Setyembre 2, 2007 @ 9:15 hapon | Sagutin

  10. hindi ko talaga maintindihan ang topak ng mga arabo, mga asal hayop. kaya nga lagi akong kakaba-kaba para sa manong ko. hay.. sama ko si leonora sa prayers ko.

    Kengkay: nakow, andun din pala si manong, hmm. salamat, kailangan ni leonora yang prayers mo.

    Komento ni jojie — Setyembre 3, 2007 @ 3:15 umaga | Sagutin

  11. ewan ko ba dito satin. ang laki-laki ng mga pera na nagagastos ng gobyerno para sa kung ano-ano tulad na lang ng walis ting-ting habang nagkakandakuba ang mga pinoy sa pagtratrabaho sa ibang bansa. tapos hindi pa mapauwi yun tao na antagal ng nagsakripisyo. ano hinihintay nila, abutin na dun yun ng kamatayan nia? saka nila iuuwi ng naka-kahon at gagawan ng media hype para makapapel ang mga politiko pagkatapos eh kakalimutan na uli pagkalibing?

    kung nagkataong election period, kow una-unahan yang mga politiko sa pagpapahayag ng pagtulong kay Leonora.

    Kengkay: sana magbago na sila ano?

    Komento ni Nika Catbagan — Setyembre 3, 2007 @ 3:23 hapon | Sagutin

  12. sa edad niya dapat nagpapahinga na siya. minsan ang batas, nakakainis din. siya na nga itong naloko, siya pa ang kailangang magmakaawa makauwi lang sa pamilya niya. 😦

    Kengkay: ganyan din sentimyento ko!

    Komento ni Salve — Setyembre 4, 2007 @ 8:43 umaga | Sagutin

  13. Nakakalungkot talaga ang mga balitang ganito. Nakakaawa nga si Leonora. Sana matulungan sya ng ating gobyerno na makuha ang sweldo nya at makabalik sa ating bansa.

    Kengkay: hi rach, thanks for visiting this other side of me 😀 sana nga makabalik na si leonora!

    Komento ni Rach (Heart of Rachel) — Setyembre 5, 2007 @ 7:47 umaga | Sagutin

  14. nakakalungkot naman ito. 😦 at her age dapat ineenjoy niya na yung time niya with her family, kasama mga anak at apo niya. hindi yung naubos na nga ang buhay niya kakatrabaho, hindi pa niya makasama man lang ang pamilya.

    Komento ni pao — Setyembre 5, 2007 @ 12:09 hapon | Sagutin

  15. Mommy Raq, sayo pala ito hehehe!
    kengkay: ehehe, mitch, naka maskara kasi ako kaya di mo nakilala e 😀

    Komento ni mitchteryosa — Oktubre 17, 2007 @ 12:59 hapon | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: