Kwentong Kengkay

Setyembre 1, 2007

TGIF kayo dyan

Filed under: Tatlong Buhay — kengkay @ 10:49 umaga

Porke’t Biyernes at kasu-suweldo lang, biglang nawala ang ingay sa ere. Am sure, ang mga kakosa sa ere e nag-eenjoy sa mga kainan, inuman at sayawan; kasama ng mga besprends, di masyadong bresprens, ka-opismeyts, kakulitang pinsan, kabeso-beso sa sosyedad.

Hmmp, nang-iiggit ba kayo? Sempre na inggit ako. Kasi dati, wansapanataym, ganyan din ako e. Ang TGIF namin nagsisimula sa Wednesday pa lang. Laban kayo? Dun sa opis ko sa Pasay, gamit pa naming eksyus ang trapik. Kaya sabi namin e tambay muna tayo sa Trellis (nung dating normal pa ang fort boni). Sisig at Cali at kwento, masaya na kami. Kahit pa di naman ako apektado ng trapik at napalayo pa ang pag-ikot ko pauwi ng bahay.

Nung nag-trabaho naman ako sa Makati. Ayos, lakaran lang ang gimik. Kaya naman tuwing tanghali e kahit pawisan, nakisiksik sa mga fastfood sa Greenbelt o kaya Makati Square o kaya Quad. Oo, yung dating normal pa sila. Tapos sa gabi, palipas din ng trapik, tambay naman sa Greenbelt Mcdo. O kaya dun sa bahay kubo na gotohan sa pagitan ng McDo at Greenbelt theater.

Nalipat naman ako sa may Mandaluyong. Hay enjoy ako dun kasi bukas na ang Shangri-la at SM Megamall. Not to mention yung mga tindahan at kainan sa Shaw at Pioneer. Naki-join din ako sa mga news desk sa Pier. At nakipagpatintero sa mga tenwheelers. Pero dahil medyo sosyal yung mga nakahalubilo kong news pipol e ang tambayan namin e balik Mandaluyong. Tapos bigla akong napunta sa Maynila, sa may Taft lang naman. Demoted ako sa kanto, dun sa barbekyuhan ni manang. Pero, akin ang huling halakhak. Mula kay manang ay nabigyan ako ng boss ko ng passport patungong Thailand! Sawasdee kha!

Yun, dun sa opis ko sa Bangkok; mas sosyal ang kainan namin. Kasi sa kalye kami kumakain; sabay ng ihip ng hangin mula sa mga bus at taxi at motorsiko at ingay ng tuktuk. Nyek. Pero oks lang, Thai baht naman ang asa wallet ko. Pero teka, dati e halos pareho lang ang value nun sa pesos e, hmm. Sarap ng TGIF ko dun. Lalo pa nung na-assign ako na umikot sa mga tourist spots ng Thailand. Monday pa lang e TGIF na ako. At mas lalo nung nalipat ako ng assignment sa Pattaya. Dun, everyday TGIF talaga. Kasi nga asa gitna na ako ng tourism area at ihip ng dagat at gud taym ang kasabayan ko. Tsalap-tsalap talaga.

Sempre, ang paraiso may ending rin. Balik Pinas ako at nakahanap ng trabaho sa isang hotel sa may Manila Bay. Ayan, tutok TGIF talaga. Pa-glamor, pa-kyut; kaso nag strike. Appear ang beauty ko sa abs-cbn, hay…di ko ma-take kasi biglang naging selda ang aking glamor life. Walang uwian. TGIF bawat secundo. Time to go. Lipat naman ako dun sa sister company na may resort sa Cavite. Ay, tsalap din buhay dun. Resort nga e. Enjoy trabaho ko kaso mo may nang-gulo sa buhay ko. Alsa balutan at balik Bangkok ako. Resort din pero asa tindahan ako sa Bangkok. Pero kapag naki-join kami sa chikahan sa resort, libre lahat – pagkain, bar hopping, dancing, good time! Yum!!

E may na-offer ng mas maraming Thai baht sa isang hotel naman sa Bangkok. Lipat ulit. Easy to get ako basta adventure ang bigay e. TGIF na naman. Barkadahang gud taym. Kahit saang sulok — sa kalye, sa palengke, sa kanto, sa hotel, sa bar, sa tindahan, sa shopingan, sa apat na sulok ng mga rentang kwarto namin.

Nag ending kasi lipad ako sa Oy-ro-pa. Naging nanay. Ang TGIF ko di na gimik. Kundi grocery shopping. Enjoy din naman ako. Pero nung napaparami ang ka chika ko sa ere, esp sa WP Pinoys, bumalik ang simoy ng dating TGIF ko. Hmmm…*inggit.

Pero di bale, sagad naman ang gimikan ko nung single pa ko. Kuntento na kong itaas ang paa ko sa sopa at manood ng tv kapag Biyernes. Kasi weekend e TGIW naman! Thank God it’s Weekend.

Lakwatsa time. Weeee…sakay kotse at ikot ikot kahit saan mapunta. Boink!

Advertisements

5 mga puna »

  1. mami keng ansarap ng buhay single mo! parang sinulit mo talaga! hehehe

    Kengkay: sulit talaga kaya naman ngayon e family life πŸ™‚

    Komento ni chuvaness — Setyembre 1, 2007 @ 5:28 hapon | Sagutin

  2. Keng,

    mapangpanggap ka talaga Keng, eh kahit naman hindi Friday nasa lakwatsahan ka talaga, kung saan ka mahila kahit monday pa lang eh duon ka, everyday sa iyo friday. Those were the happy single life mo, so young and carefree. I miss that Keng but I am so happy with a new Keng, loving mom and wife.

    Kengkay: thanks for the compliment, pero bakit mo naman ako bi-nisto, hehe!

    Komento ni Elaine — Setyembre 2, 2007 @ 2:38 umaga | Sagutin

  3. ay ate gimekera ka pala. πŸ˜‰

    Kengkay: nuon yon, huhuhu!

    Komento ni jojie — Setyembre 3, 2007 @ 3:13 umaga | Sagutin

  4. lupet! Quad pa ang tambayan..

    Komento ni ikabon — Setyembre 5, 2007 @ 1:21 umaga | Sagutin

  5. ibig sabihin ko pala e wala na sa mapa ang quad. hehehe

    Kengkay: oo nga e, naliligaw na ako sa makati pero at least mas maganda sya ngayon!

    Komento ni ikabon — Setyembre 5, 2007 @ 4:37 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: