Kwentong Kengkay

Setyembre 12, 2007

Ehem

Filed under: Dito sa Amin,Pasaway — kengkay @ 7:03 hapon

Oo naman, gamit ko na ang aking bagong nokbuk. Alam ko na kung pano sya tuklapin. Alam ko na kung asan ang kiliti nya. Alam ko na rin na magiging masaya ako dun sa dating computer ko. Huhu, hirap ng bago, daming dapat matutunan. Lekat kasi, sinabi ko na ngang Inglisin ako e wala, Deutsch pa rin itong nokbuk ko. Kaya ayan, mangapa na naman ako sa dilim.

Ang maganda lang, meron akong crystal eye web cam. Pwedeng pwedeng magpa kyut. Mag-emote. Manakot, nyahaha.

Atsaka pwede ko sya bitbitin kahit saan. Nokbuk nga e. E yun na isang problema din, bantay bata dating ko. Sabi nung bubwit ko, ‘mama, kung gusto magtrabaho, edi dalhin mo nokbuk mo dito.’ Ayun, trabahong walang konsentrasyon kasi halos bawat isang sekundo e, panay ngawaan nila ng Ā ‘MAMA.’

O ayan na, nga, nagsasabunutan ulit. Log off muna kosh at mag re-referee si nanay keng.

Advertisements

3 mga puna »

  1. abah! may webcam na! pa view ka na sa conference ha? šŸ˜†

    Kengkay: kaya nga gymnastics na e, para maka emote, hehe

    Komento ni MARU — Setyembre 12, 2007 @ 10:34 hapon | Sagutin

  2. wow naman, aga ng pasko šŸ™‚ ako din gusto ko ng bago, pero iMac naman. mahal! hehe. kaya lang sa kulit din ng alaga ko, hindi ko rin malalaro. hehe

    Kengkay: hirap talaga ng may alaga, hayyzz

    Komento ni ris — Setyembre 13, 2007 @ 3:06 umaga | Sagutin

  3. sino ba ang cover niyang nokbuk mo ate?

    kengkay: anong cover hanap mo? hehe

    Komento ni jojie — Setyembre 13, 2007 @ 3:42 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: