Kwentong Kengkay

Setyembre 13, 2007

Is rape really a part of the initiation rites?

Filed under: Duon sa Amin,Paki Lang,Pasaway — kengkay @ 7:40 umaga

Ayoko ng ganyan ha. Nanlaki ang pupungas-pungas kong mga sleepy eyes nung nakita ko ang headline na ito:

Miriam reveals rape in frat initiation rites

PASAY CITY, Philippines–Senator Miriam Defensor-Santiago says that alumni of a fraternity and a sorority at the University of the Philippines in Los Baños told her that rape is part of their initiation rites. The alumnae who underwent the same initiation rites told the senator they were given a “cocktail of dangerous drugs” and raped. Video taken by INQUIRER.net reporter Veronica Uy at Santiago’s office on September 10, 2007.

Watch the video here.

What is happening to our youths? Kung di man mapunta sa murder ang initiation rites dahil sa hazing na yan, e meron pa lang sexual violence sa likod ng mga initiation rites na yan. Tama ba naman yun? Maling-mali. Ano bang gusto nyong makuha sa pagiging miyembro ng isang fraternity or sorority talaga hane? Brotherhood, sisterhood; gusto nyo rin makuha pati manhood at maidenhood. Tssk, tsk. Ang sama na ng dating ng mga ganyang samahan sa akin ha. Dapat siguro e i-ban na yang mga kalaswaan at kademonyohan na nagtatago sa pangalan ng mga fraternities at sororities.

Kasi mukhang mas enjoy pa sila na gumawa ng di mabuti para sa brotherhood/sisterhood. Enjoy pa silang yurakan ang dangal ng mga ka-brotherhood/sisterhood nila. Enjoy pa silang putulin ang buhay ng mga brothers/sisters nila. Enjoy pa silang reypin ang mga brothers/sisters nila. Enjoy pa silang ipagmalaki na dumaan at nakayanan nila ang mga initiation rites na nag-yurak sa kanilang pagkatao. At kung itago nyo naman dahil sa kahihiyan o sa shock at kung ano pa mang listahan ng dahilan: enjoy din ba kayong isipin na may mga darating na bagong recruits na daraan din sa ganitong karumaldumal na sitwasyon? Itigil nyo na yan.

Sa bandang huli, kasali nga kayo. Nasa in crowd nga kayo. Brad and sis nga kayo. Pero, kilala nyo pa kaya kung sino kayo?

Advertisements

14 mga puna »

  1. i can tell you that it is for some sororities. a friend of mine back in college was really distraught at that time because her sister was raped by a guy from a brother fraternity during initiation rites. kaya nga napaka-barbaric ng initiation ng mga frats and soros eh. freshman ako nung nalaman ko yan, hindi na ako sumama sa mga ganyan when i found out.

    Kengkay: that is really sad and irritating!

    Komento ni pao — Setyembre 13, 2007 @ 1:16 hapon | Sagutin

  2. dapat talaga i ban na yang mga frats and soros sa pinas, hindi maganda yang ganyan masyado ng below the belt kapag pati rape isinama sa initiation rites nila. tsk tsk.

    xiao!

    Kengkay: naging excuse ang initiation rites para mailabas ang paging barbaric nila

    Komento ni brath — Setyembre 13, 2007 @ 7:32 hapon | Sagutin

  3. Gone are the days na kapag kasama ka sa Frat or Soro ay may maipagmamalaki ka sa lipunan. It’s so sad to think that the people whom these youths are counting on to catch their back are the same persons who are stealing their innocence away.

    Kengkay: who would be proud to be a member now? at kung ipagmalaki man nila, bakit kaya?

    Komento ni bebenibadoodles — Setyembre 14, 2007 @ 1:55 umaga | Sagutin

  4. A law should be passed making the joining of any fraternity or sorority a crime punishable by death.(FIRING SQUAD or ELECTRICUTION)

    Kengkay: they should abolish those frats and soro — and those operating underground should meet those firing squads.

    Komento ni Igor Lee — Setyembre 14, 2007 @ 4:06 umaga | Sagutin

  5. karumal dumal. tsk tsk tsk. sarap pingutin tenga netong mga batang pasimuno neto

    Kengkay: sarap batukan ano?

    Komento ni A Z R A E L — Setyembre 14, 2007 @ 5:10 umaga | Sagutin

  6. susme! i have heard of stories like these before, pero coming from the senadora herself, naniniwala na akong tuluyan. di naman magtatalak iyan kung wala talagang nagsumbong sa kanya at pinatotohanan na may mga rape ngang nangyayari.

    i suppose these involve only their younger leaders and neophytes, at hindi pwedeng lahatin. sana lang yung mga nasa katungkulan, mga maimpluwensyang mga kasapi sa kanila eh tingnan itong mga kabalbalang ito… otherwise, guilty din sila kung mag bibingi-bingihan at bubulag-bulagan sila.

    Kengkay: sigurado ako na maraming cases na ganyan. sabi ko nga, yung mga asa katungkulan, bakit sila nagbibingi-bingihan at nag-duduling-dulingan, hmmp.

    Komento ni jun.anteola — Setyembre 14, 2007 @ 5:20 umaga | Sagutin

  7. mga gago tong mga kabataan na to na nung mga sanggol pa e ayaw padapuan sa lamok ng mga nanay at tatay nila tapos hahayaan lang saktan sila ng mga kung sino sinong tinatawag nilang brod o sis.. pumapayag pa silang yurakan yung pagkatao nila.. pweeee! kayabangan! kalandian!

    ang pagmamahal ng isang kapatid hindi lumalatay sa balat
    .. uto uto!

    Kengkay: uto uto talaga!

    Komento ni Jon Cabron — Setyembre 14, 2007 @ 9:55 umaga | Sagutin

  8. i heard meron ngang ganun back in my college of law days at UP. sororities would link up with fraternities tapos may mga ganung nangyayari and usually daw unconscious yung girl.

    we have the anti-hazing law pero hanggang doon lang…tsk tsk tsk

    i hope our government could really look into these things and do something “seriously” about it. problem kasi yung mga nasa members din ng mga frats eh. 🙂

    Kengkay: the problem is the system inside the institution; may mga ‘matured and supposed to be wise’ members sila na mga kilalang tao, why dont they do something about it, too?

    Komento ni brokenman — Setyembre 14, 2007 @ 10:29 umaga | Sagutin

  9. OMG, dapat isara na ang organizations na iyan.

    Kengkay: i absolutely agree. walang kwentang samahan ang mga ganyan.

    Komento ni Christianne — Setyembre 14, 2007 @ 11:51 umaga | Sagutin

  10. i believe di naman lahat ganyan ang mga frats and soro. may mga groups din na matino ang utak. 😀

    Kengkay: i would like to believe that, too. pero it is not good to hear about murder coz of hazing and initiation rites including rapes.

    Komento ni Banana — Setyembre 14, 2007 @ 12:18 hapon | Sagutin

  11. matagal ko nang pinag-isipan din yan eh. alumni ako ng UP Diliman, and wala akong sinamahang organizations/sororities. siguro naumay na ako agad sa mga ka-batch kong nagpumilit sumali sa mga org at soro. nag-try akong sumapi sa isang rifle and pistol organization, pero (like most of the organizations), sobra ang kanilang hell week and psychological punishment sa mga applicants nila. para pahiyain ako o pahirapan physically para i-accept, it didn’t seem logical to me. it didn’t seem like something na pwede kong ipagmalaki. parang kagaguhan for me na sabihin kong “oo, nagsuot ako ng costume nung pumasok ako nung isang araw” or “oo, kumain ako ng pagkain na hinaluan nila ng plema at kung anu-anong dumi”, walang sense eh. parang walang kwentang achievement.

    Kengkay: right decision, amen to that!

    Komento ni pao — Setyembre 14, 2007 @ 2:56 hapon | Sagutin

  12. It is definitely disheartening to know the depths and lengths that our youth of today would go to in order to belong – or prove their manhood. After all these years, women are still treated like sex objects. Kate Millett’s sexual politics seems to still be so relevant it’s unbelievable! I just hope that the senator does not ride on the back of this issue to re-establish her in politics.

    joy
    Your Love Coach

    Kengkay: hmm, a love coach?

    Komento ni joy — Setyembre 15, 2007 @ 10:08 hapon | Sagutin

  13. Tsk! Minsan talaga ang mga kabataan ngayon hindi muna nag-iisip kung makakaganda o makakasira ba sa kanila ang mga bagay na ginagawa o pinapasukan nila. Dahil na rin siguro sa peer pressure at saka ang maramdaman nila na kabilang sila sa “in” crowd. Dapat sa mga ‘yan pinapalo at pinapaluhod sa asin at munggo! Oops! parang hazing din yun ah! Joke lang po! Pangaralan pala dapat. 🙂

    Kengkay: hanu pa nga ba!

    Komento ni kiko773 — Setyembre 16, 2007 @ 6:32 umaga | Sagutin

  14. naku ok lng yan ganun tlga buhay pero kasalanan nmn nila yan eh.. kya sila n reraped dba? o kya n haze at namamatay… sila rin ang may kasalanan kung walang sasali walang ma aaragabyado… thats all binabati ko pla ang mga tga bulacan.. wahehe

    Komento ni cj — Abril 14, 2009 @ 2:30 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: