Kwentong Kengkay

Setyembre 14, 2007

Handy

Filed under: Akin-Akin,Ano Nga Ulit Yon?,Dito sa Amin — kengkay @ 6:36 hapon

Aba, talaga naman. Dito ko pa sa Inquirer mababasa na ang aking bahay sa Oy-ro-pa e balak ng dagdagan ng tv functions ang cell phones o yung handy (yan tawag dito dyan e, handy).

BERLIN — German anti-monopoly authorities on Friday approved plans by mobile phone operators T-Mobile, O2 and Vodafone to create a joint technical platform to bring television to mobile phones.

The three operators will work to develop broadcasts on the new European norm DVB-H, or Digital Video Broadcasting for Handhelds, the authorities said in a statement.


Akala naman nila e matutuwa ako, hmmp. Ni hindi ko pa nga makapa ang ibat ibang punktionyes nitong bago kong handy e dagdagan na naman nila ako ng isang pagkaliit liit na buttons na mas higit na ikakalilito ko. Ang kailangan ko lang naman e yung maka-chika ako sa asawa ko esp kapag gusto naming magkita sa isang madilim na sulok. Masarap gamiting yung handy kasi iilaw yun, sya na agad ang guide mo para wala kang makapang di kanais-nais habang naglalakad sa isang walang ilaw na kasulok-sulukan.

Ang pangalawang gamit ko sa handy e yung SMS, texting baga sa Pinas. Pero di ako sanay sa lingo ng texters, kasi yung handy ko nalilito: kapag di na nya ma-gets yung halong deutsch, english at tagalog — binabatuhan na nya ako ng parang html codes. E alien language sa akin yan no. Yun tipo bang kabaliw baliw na imbes na tapusin ko yung tatlong salitang na i-pasok ko na e babalik na lang ako sa computer para mag YM or mag PM. Pero minsan, pinagtitiyagaan ko na rin. Libre kasi ang 15 text per month kahit na saang lupalop ng mundo e. Kaya kahit na wrong number, pindot pa rin ako ng text message ko, hehe. Wala lang, sayang kasi na di ko gamitin quota ko e.

O tapos may camera function din tong handy ko. Sempre naman, uso yon. Naki-uso din ako. Kahit na di ko naman nagagamit. Uy, minsan minsan pala nagagamit ko naman sya. Kasi mali ang napindot ko. Kaya ang laman nung camera, mga stolen shots ng mga daliri ko. Kaya walang makaka-angkin sa mga darili ko. Dami kong kuha ng mga ito, maraming ebidensya.

Yun lang. Yung ibang functions: web, games, calculator, dates, etc — di ko na alam yon. Wala akong oras na magpipindut at magkanda-dokleng sa handy ko. Keyboards ang mas kapa ko. Busy kasi ako sa YM, hehe.

Pero maganda ang handy ko ha. Tagal kong pinag-isipan kung alin ang pipiliin ko. Pero ang huling desisyon, e yung libreng 15 na text messages at dahil sa kanya talaga ako unang na-in lab. Isa syang Motorola pero special edition kasi may Swarowski crystal na heart shaped. At sempre, bling bling ang kulay nya, hot peeeenk! Eto sya, dyaraaan:

img_0045.jpg

Nung unang nakuha ko ang handy ko, tawag nga sa kin nung asawa ko e Paris Hilton. Sabi ko naman kung panindigan mo yang Paris na yan, bibili ako nga ng handy na di lang Swarowski crystal ang nakadikit, kundi diyamante. Ayun, tumigil sya. Actually, i-cash ko na lang sana. Kaso mo nagpa-awat agad ang damuho, hahaha!

Advertisements

8 mga puna »

  1. ang tarush ng handy ah, ako nga napag iiwanan ng panahon kasi hanggang ngayon motorola L7 parin ang gamit ko, grabe kuripot ko talaga hay

    xiao!

    Kengkay: kaya yun type ko kasi alam ko mabebenta ko ulit sya sa ebay e, haha

    Komento ni brath — Setyembre 15, 2007 @ 12:24 umaga | Sagutin

  2. nakikiraan lang po…

    cute ng pink…parehas po tau ng handy kaya lang sa akin tattoo nkalagay special edition din po…khit durogdurog na ung akin luv ko pa din…di nmn masyadong nagagamit…hehehe

    Kengkay: sa totoo lang, sa isang linggo e mga dalawang beses ko lang magamit itong handy ko. parang bago pa talaga sya…napaghahalatang ang social life e asa computer ba, hehe

    Komento ni katherine — Setyembre 15, 2007 @ 4:41 umaga | Sagutin

  3. ‘Madeeer! Sinabi mo! If you clingon to these tech stuff at buy ka ever ever, wala kang habol day other than having truckloads of Euro para buy ka ever nang bagong stuff. Honestly, bobita din ang lola mo when it comes to this one. I just upgraded my phone – yon bang tipong lalagyan mo pa sya nang bentisingko sa gilid taz da-dayal ka na? – to a Nokia 5300 – PUCHA! date lang di ko alam hagilapin kung saan ko pipindutin para mag-appear!

    Eye also have an itim-na-berry na halos 100 pounds ang bigat at talagang natatawa na ako sa itsura. I mean, i get hundreds of emails sa itim-na-berry at alam mo ba? eh lahat naman nun eh puro palakihin-patigasin-at-paubusning emails.

    ano pa ba ilalagay nila sa cellfon? operating room???

    Kengkay: ahahaha, reyna ka talaga. simple gurl lang kasi ako, kaya simple mind, ano daw yun!

    Komento ni reyna elena — Setyembre 15, 2007 @ 10:25 umaga | Sagutin

  4. mami yun 1st ever fone ko na mamahalin…motorola din…v3i

    yung very first ever na HANDY ko is 3310..haha

    pero mas like ko yan kase kikay ng color…FINK! hahaha

    Kengkay: feeenk talaga. actually mas type ko talaga yung mga gray or black lang, para di pansinin — pero dahil may crystals naman sya, fwede na rin, hehe

    Komento ni chuvaness — Setyembre 15, 2007 @ 3:18 hapon | Sagutin

  5. Uy pareho tayo ng phone, black nga lang sa akin. Totoo bang magiging available na diyan ang iphone ngayong september?

    Kengkay: nakow, alam mo, sa tingin ko nga baka may mga special edition na nyan e. kumbaga yung mga kamag anakan nung mga engineers na gumawa, am sure ginagamit na yon ngayon, hehe

    Komento ni kiko773 — Setyembre 16, 2007 @ 6:37 umaga | Sagutin

  6. ate kengks, motorola din unit ko ngayon medyo oldies na model nga lang. E398

    pwede bang bakbakin yang mga swarovskis na yan? πŸ˜€

    Kengkay: hayaan mo, kapag di ko sya nabenta sa ebay, bakbakin ko sya para sa yo. teka, meron pa akong 3 pirasong crystals, gusto mo, hmm. hanapin ko sa baul ko.

    Komento ni jojie — Setyembre 16, 2007 @ 7:59 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: