Kwentong Kengkay

Setyembre 18, 2007

Dear Monica

Filed under: Paki Lang,Pasaway — kengkay @ 11:36 umaga

Meron akong natanggap na maka-bagbag damdaming email ngayon-ngayon lang. Medyo nag duda pa nga ako nung nakita ko yung titel na ginamit nya sa padala nyang email: ‘very urgent, please (from monica)’ o di ba? Akala mo talagang magkakilala kami. E dahil akala ko nga kakilala ko sya kahit na ang lakas ng kutob ko na isa lang syang naliligaw ng landas; na-curious ako. Hmm, kahit na takot takot ako sa mga virus ng mga spam mails, pinagbigyan ko with matching urgency e click ko agad yung email nya. Sempre, di naman ako na disappoint, eto ang laman ng kadramahan ni Monica dear:

Von: “monica johnson” <c01_monica@hotmail.com>
An: c01_monica@hotmail.com
Betreff: Very Urgent Please. (From Monica)
Datum: Tue, 18 Sep 2007 11:20:28 +0000

MONICA JOHNSON
101 LIBERTE 4
DAKAR SENEGAL

Hello My Dear,

Good day and Compliments,

My name is Miss Monica Johnson. from Sierra-Leone, the daughter of Dr. Jerry Johnson .Former Personal Assistance to the present Minister for Mines and Natural Resources in-charge of the diamond production sales in my country Sierra-Leone.

Unfortunately some months ago before the peace pact in my country, my father and his colleagues were killed by rebel group of Mr. Dunga Sankibo during an inspection visit to the rich diamond mining area in the village of Izumba, where the rebels laid an ambush and open fire on the convoy killing my father and some of his colleagues who where on their way to the diamond mining zone.

After the death of my father,his brothers has taken everything that my late father left behind from me and my mother.Fortunately,they have not been able to see the documents of the sum of $6.3 Million USD which my late father deposited outside of our country before his death.For my safety,my mother has adviced that i leave the country and i am now in Senegal,so that i will be able to find a reliable foreigner who can assist us because most of our family friends turned to be spies to my father’s brothers.

Immediately i get your reply,i will furnish you with all about me and all other things that you may need to know about the fund to be invested. Please,if How i contacted you is not okay with you,do not hesitate to tell me and provide another address where i will be contacting you.

Expecting to hear from you soon.

Yours Faithfully,
Monica.

Eto naman ang sagot ko, my dear Monica:

To whom it may concern: (kasi di ko alam kung si Monica ka nga o alien ka ba)

Unang-una, I am not your dear. At kung ako ang masusunod, malabong maging mag-dear tayo.

Nung di ko pa natatanggap ang email mo e very good day talaga ako. Pero ngayon, medyo gusto kong magwala. At compliments talaga sa yo itong kumukulo kong mood. Kung alam ko lang kung sino ka at asan ka ngayon, sinugod na kita ng umaapoy na pana. Peks man.

E ano ngayon kung sino man ang tatay mo? Di ko siya kilala at wala rin akong balak kilalanin gaya ng sinabi ko sa yo. Kung babatuhan mo ako ng diyamante, ok, sasaluhin ko. Sayang din ang grasya. Pero kilala mo din ba ang tatay ko? Kung di mo sya kilala, it’s your loss not mine.

Kawawa naman pala nangyari sa buhay mo, yun e kung ikaw nga talaga ito. Kasi kung story telling time lang ito. Mas kawawa kang lintek ka.

Wow, ang yaman nyo pala. Milyones dolyares. Ang tanong ko, bakit mga foreigners ang dapat tumulong sa inyo? Ganyan ba ka-sama ang mga kaibigan nyo at ipinagkanulo kayo ng ganun? Aba, ang malas nga naman. Kasi ako, kahit wala akong pera, madaming akong kaibigan; mga totoong kaibigan. Kahit na mag-bastusan kami, okay lang, kasi kasali yun sa tuksuhan namin. Kasi harapan kami kung mag-bangayan. Nakow, maghanap ka ng tunay na kaibigan; ng tunay na tao. Pero dapat maging tunay na kaibigan ka rin, maging tunay na tao.

Eto ang bilis ng sagot ko sa yo. Dali, ipadala mo na ang diyamante, eheste ang contact details. Pramis, kapag tutoong tao ka, tutulungan talaga kita. Pero kapag nadiskubre ko na ikaw e apo sa tuhod nung mga panahon pa ni kopong-kopong na mga manlilinlang; at nangongolekta ng milyones sa mga taong nag-maganda at tumulong sa yo. Humanda ka talaga. Pramis din yan. Sige, gamitin mo lang itong email ko basta wag ka na manggulo sa ibang mundo. Basta wag lang virus ipadala mo. Ready akong mag sakripisyo dahil ako e walang walang ibibigay sa yo. Kundi sa oras na pinag-aaksayahan ko.

Expecting to hear from you,

Kengkay

Advertisements

4 mga puna »

  1. ahahaha, humihirit na naman ang mga 419s. kow, meron ako dati lagi binabasa na forum na bine-bait ang mga iyan at pinaglalaruan. Ang saya basahin na meron mga scammer na nag-fall sa tricks na ginagawa ng baiters na ito. eto yun link. Hehehe. 🙂

    Kengkay: aha, basahin ko tong link.

    Komento ni Nika Catbagan — Setyembre 19, 2007 @ 4:55 umaga | Sagutin

  2. ahahaha, humihirit na naman ang mga 419s. kow, meron ako dati lagi binabasa na forum na bine-bait ang mga iyan at pinaglalaruan. Ang saya basahin na meron mga scammer na nag-fall sa tricks na ginagawa ng baiters na ito. hahaha, hindi ko na ilagay dito ang link at kakainin ng akismet. 😀

    Kengkay: uy, wanna read that, hehe

    Komento ni Nika Catbagan — Setyembre 19, 2007 @ 4:56 umaga | Sagutin

  3. Nyay. Scam.

    Kengkay: oo nga, beware!

    Komento ni Mithi — Setyembre 19, 2007 @ 8:33 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: