Kwentong Kengkay

Setyembre 21, 2007

Oktoberfest

Filed under: Dito sa Amin,Palaway — kengkay @ 7:46 hapon

(Photo from Yahoo Deutschland Nachrichten)

Simula na bukas ang sikat na eksyus para lalong magpakalango, magpakalasing, mag-party dito sa Alemanya: ang Oktoberfest. Take note, letter k at hindi letter c ha.

Tama kayo, September pa lang Oktoberfest na? Ako din di ko maintindihan kung bakit e. Pero ganon daw pala talaga yon. Pagpasok pa lang ng Oktober e sinisumulan na nila ang beer party at peryahan sa Munich. Oo naman, may mga rides at shows din; di lang beer at pretzels.

At ngayong taon na ito e ang 174th year na ng Oktoberfest celebration in September 😀 Actually, eto explanation nila:

Why is Oktoberfest called „Oktober”-fest when it actually begins in September?

The historical background: the first Oktoberfest was held in the year 1810 in honor of the Bavarian Crown Prince Ludwig’s marriage to Princess Therese von Sachsen-Hildburghausen. The festivities began on October 12, 1810 and ended on October 17th with a horse race. In the following years, the celebrations were repeated and, later, the festival was prolonged and moved forward into September.

By moving the festivities up, it allowed for better weather conditions. Because the September nights were warmer, the visitors were able to enjoy the gardens outside the tents and the stroll over “die Wiesen” or the fields much longer without feeling chilly. Historically, the last Oktoberfest weekend was in October and this tradition continues into present times.

At take note, kapag Oktoberfest, isang klase lang ng laki ng beer glass ang lumalabas, ang tawag dito e ang Maß or isang litro. Ang bibilib ka sa mga waitresses at waiters dito kasi sabay sabay na 8-12 glasses ng beers ang hawak hawak nila per serving ha. As in dapat talagang fit ka kapag gusto mong kumita; kasi di pwede papatay-patay dito. Kailangan mabilis at alisto. Meron ngang mga waitresses at waiters sa Oktoberfest na nag te-take ng leave sa kanilang real jobs para lang mag serve sa Oktoberfest kasi daw ang laki talaga ng kita. Sa tip pa lang daw e masayang masaya na ang bulsa nila.

E bakit naman hindi? E kasi naman ang isang litro ng beer e almost 8 euro na daw ngayong taon na ito. Wow, ginto na talaga sya. Kasi sikat talaga itong Oktoberfest e. Ginagaya na sa ibang mundo. Kung gusto mong pumunta kapag Oktoberfest, dapat maaga ka mag book ng hotel. E kahit nga camping areas puno, kahit nga damuhan at park benches e tulugan na rin ano. Pero dapat rin madami kang datung, kasi biglang taasan ang presyo. Imagine, beer pa lang e 8 euro na. Aba, sa ganyang presyo e makakabili ka na ng isang case ng beer ano.

Kaya naman ang mga tao sa Munich e asa bakasyon daw kapag Oktoberfest na. I cant blame them.

Ilang beses na rin kaming nakarating sa Munich. Di nga lang natatapat ng Oktoberfest. Pero gusto kong ma experience man lang kahit isang beses ang Oktoberfest. Itong asawa ko ang promise nya sa akin e kapag malalaki na raw ang mga bata. Kasi nga naman maraming tao, tapos inuman, tapos siksikan talaga. Maraming krimeng nangyayari din: pick pockets, sabunutan, suntukan, at kung ano pang drama ng violence kapag may alcohol na sumama.

Kaya antay na lang ang beauty ko. Basta kapag malaki na ang mga bata. Gusto ko lang talaga ma experience ang peryahan sa Munich.

Read here for more.

Advertisements

8 mga puna »

  1. mami keng..ilove it! kwentong kengkay..tgalog chenes..nyahahhaha

    Komento ni chuvaness — Setyembre 21, 2007 @ 7:58 hapon | Sagutin

  2. ate kengks hindi ako masyadong mahilig sa beer kaya walang appeal sa akin ang october fest chevarloo na iyan.. kung naging gin bulag o mga pipitsuging brandy na lasang plastik baka go ako sa fest fest na iyan. hihihihi…
    Kengkay: nakow, lapad pala ang type mo 😀

    Komento ni jojie — Setyembre 22, 2007 @ 1:47 umaga | Sagutin

  3. Dito sa amin parang araw-araw oktoberfest, lasinggero kasi mga irish mapababae o lalake man. 🙂
    Kengkay: ay, alam ko yan, hahaha

    Komento ni Kiko Matsing — Setyembre 22, 2007 @ 9:11 umaga | Sagutin

  4. mga senglot… lusob na sa Germany!!!!
    Kengkay: oo nga 😀

    Komento ni selvo — Setyembre 22, 2007 @ 10:52 umaga | Sagutin

  5. ay uu dito hanggang november eh oktoberfest pa rin niyahaha! kaya sabi ng isang aleman na guest namin ang saya niya kase super tagal ng oktoberfest mula setyembre hanggang nobyembre. eh dito sa hotel, magbayad ka lang ng entrance unlimitted na beer mo wahehehe..
    Kengkay: wow, apaw talaga dyan

    Komento ni Banana — Setyembre 22, 2007 @ 6:04 hapon | Sagutin

  6. […] you’re planning to go to Germany for the Oktoberfest, I really think you have to be very cautious not to drink too much. This goes to any drinking event […]

    Pasa ni Effects of Alcohol | Pinoy United Blog-o-Loco — Setyembre 23, 2007 @ 10:03 umaga | Sagutin

  7. […] to go to Germany (where the best beer in the world is as my German colleague always say) for the Oktoberfest, I really think you have to be very cautious not to drink too much. This is true to any drinking […]

    Pasa ni Effects of Alcohol | Pinoy United Magazine — Abril 14, 2008 @ 9:42 umaga | Sagutin

  8. Hmmm, being half pinoy, is nice. .but EVERY pinoy treats me different. . :((( in negative? way mostly. . Just dont feel like a pinoy. . :(….. visit http://goo.gl/HNBgn to watch pinoy tv shows

    Komento ni Kam — Nobyembre 24, 2012 @ 3:14 hapon | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: