Kwentong Kengkay

Setyembre 22, 2007

Gusto nyong silipin?

Filed under: Akin-Akin,Aruuuhh — kengkay @ 11:26 umaga

….Kung ano ang laman ng bag ko?

Pagkatapos ng ilang buwan e napilitan na naman akong linisin ang aking mommy bag.

Kasi naman bigat na bigat na ako. Maliban pa sa inaabot ako ng isang oras na hanapin yung dapat hanapin. Minsan e humahaba na ang pila sa bus o kaya sa ice cream shop dahil di ko makita ang wallet ko. E kaninang naglakwatsa at mega shopping kami ng mga anak ko, inabot na naman ako ng ilang minuto para lang makakuha ng barya, this time: sa bus at sa ice cream shop. Kasama na rin yung paghahalukay ko sa bag kapag nag kring-kring ang handy phone ko; lahat ng tawag di ko inaabot. O kaya naman, talagang di ko naririnig. Kakahiya na talaga. Kaya ngayon binuhos ko ang laman ng bag ko pagkadating namin sa bahay, at eto ang laman nya:

5 opened tissue packs
2 resibo ng restaurant (yung isa nung isang taon pa talaga)
1 pack wipe na nung 1998 ko pa binili sa Bangkok pero until now e di ko matapon-tapon, hehe
4 sanitary pads
1 pink stuff toy
1 used t-shirt
1 used jeans
1 pair of clean socks
1 wallet with loads of cards (credit, bank, health, discount, membership, driver’s licence, etc)
2 lollipops
1 pack of gummi bear
1 pack crumpled tissues and basura ek-eks
1 Barbie dress
1 Barbie backpack
2 brochures
4 used theater tickets
1 used bus ticket
4 ballpens
1 memopad
1 mini kiddie book
1 bonbon box
1 pair of kiddie sunglasses
1 heart shaped-hair clip
1 kiddie necklace
1 heart-shaped key chain
1 newspaper clipping
1 five euro bill
2 tags
1 candy container
1 box of plaster

and not in photo, yung aking digicam.

Hanep, kaya naman pala kapag dumudukot ako e parang gubat yung nakakapa ko e. Sempre tinapon ang dapat itapon, tinabi ang dapat itabi, nilabhan ang dapat labhan. Ang resulta? Halos kalahati e bumalik ulit sa bag ko. Wala lang, just in case biglang kailanganin…

Advertisements

17 mga puna »

  1. nyahahhaa

    na inspire ako…mapicturan nga din ang laman ng bag ko…waaaaaaahhh…

    gaano kaya kalaki bag mo maim keng? kasya lahat yan?
    Kengkay: ay, pinag-kakasya kapag di na kasya. sige picturan mo din! pasilip.

    Komento ni chuvaness — Setyembre 22, 2007 @ 2:31 hapon | Sagutin

  2. ahmmmm curious lang po.. mommy bag po ba talaga yan or hand carry bag na may limit na 10kilos? hehehehe iba na ang girl scout! dapat laging handa 😉
    Kengkay: dapat may weight limit din ang mommy bags ano, hehe

    Komento ni JeanGrey — Setyembre 22, 2007 @ 4:14 hapon | Sagutin

  3. wow…mega mom…ingat bka susunod ahas n madukot mo;))
    Kengkay: am sure, one of these days, kanina nga lang e nanghuhuli ng palaka ang mga anak ko e, nyayyy!

    Komento ni katherine — Setyembre 22, 2007 @ 4:21 hapon | Sagutin

  4. maleta yata yang bag mo sis kengks, ang dami ng laman minsan nga din papakita ko sa inyo laman ng bag ko hahaha laki ng pagkakaiba nun dahil kakarampot lang ang laman ng bAG KO hehehehe

    xiao!
    Kengkay: sige nga non-pinay girl, show us!

    Komento ni brath — Setyembre 23, 2007 @ 1:09 umaga | Sagutin

  5. mahilig din ako sa mega bags ate kengks yung tipong pwede na akong mangidnap at ilagay mismo sa bad ko, may nagtanong nga sa akin dati kung mag-out-of-town ako. e manonood lang naman ako ng sine nun. 😆
    Kengkay: ako dipindi, minsan super mega bag; minsan super mini bags. pero kapag kasama ko mga kids, aparador bags, nyahaha

    Komento ni jojie — Setyembre 23, 2007 @ 1:28 umaga | Sagutin

  6. hmmmm i was half expecting na may ganitong items sa bag mo kinky:

    2 pairs of undies na mga ex bfs mo from 5 and 4 years ago respectively
    1 box of condoms na open
    1 dildo na medyo malutong na sa pagdaan ng mga taon

    pero mukhang wala e…. it means wholesome ka…. tsk tsk tsk
    Kengkay: napansin mo ba, mommy bag, nga yan e. iba yung laman ng whoarrrr bag ko 😀

    Komento ni selvo — Setyembre 23, 2007 @ 1:58 umaga | Sagutin

  7. whoa!ang daming laman! bag ba talaga yan? he he he
    Kengkay: maleta ng ina 😀

    Komento ni brokenman — Setyembre 23, 2007 @ 6:35 umaga | Sagutin

  8. OT: pssst keng tag kita. sorry lols

    http://azrael666.wordpress.com/2007/09/23/tagged-desktop-free-view/
    Kengkay: hayan na po 😀

    Komento ni A Z R A E L — Setyembre 23, 2007 @ 8:35 umaga | Sagutin

  9. hmmmm buti walang hippopotamus sa loob nyan sa sobrang dami ng laman..
    Kengkay: hi dyon, am sure sa sunod na buwan baka may baby hippo na rin, hehe

    Komento ni Jon Cabron — Setyembre 23, 2007 @ 10:11 umaga | Sagutin

  10. di ko na binasa yung text. tiningnan ko na lang yung pic. saan galing mga yan? sa aparador? hahaha! bitbit mo yata buong aparador mo eh.
    Kengkay: alam mo ba, isang bag pa lang yan. i have three bags na pinagpa-palit palit ko at lahat yon parating may stay in na laman, hehe

    Komento ni MARU — Setyembre 23, 2007 @ 11:19 umaga | Sagutin

  11. […] jojitah, joyjoy, kengkay (kelan lang pinasilip nya ang mommy bag nya… LOL ngayon pasilip naman ate ng desktop h…), Kiko, […]

    Pasa ni Pasilip naman… ng desktop mo =P « Letters From The Soul — Setyembre 23, 2007 @ 3:46 hapon | Sagutin

  12. um. ang bigat siguro ng bag mo? hehehehe.
    Kengkay: parang hallow blocks ang laman kamo

    Komento ni pao — Setyembre 23, 2007 @ 10:15 hapon | Sagutin

  13. nakaka-relate ako ate kengks! hehe
    ako may grandfather clock, kotse, ACNE crate of explosives (parang sa cartoons! hehe)
    Kengkay: hanep, na insecure naman ang bag ko sa yo!

    Komento ni ris — Setyembre 23, 2007 @ 11:45 hapon | Sagutin

  14. hehe. naloka ko sa mga comments nila.
    maleta nga yata yan dala mo ate keng. haha
    Kengkay: sige na nga, maleta, hmmp 😀

    Komento ni pazing — Setyembre 24, 2007 @ 7:00 umaga | Sagutin

  15. Ako rin nakaka-relate! Mga nanay talaga tayo! Ang pagkakaiba, sa ‘kin yung gummy bears half-eaten, yung lollipops nalawayan na, saka may kasamang langgam kapag dinukot… yak! Kelangan siguro me spritzer akong Baygon ang laman imbes na cologne, kundi baka ipis na ang susunod kong mabunot.
    Yung reader mong si Ris, short ba ‘yan for teroRISta? hehehe… loko lang 🙂
    Kengkay: ay, wala pa naman langgam pero daming bato at lupa nung winagwag ko sya. wag ka magulo, pinapasali ko si ris sa PMN, dun kayo mag tuos, hehe

    Komento ni MegaMom — Setyembre 24, 2007 @ 9:04 umaga | Sagutin

  16. megamom im sorry pero talo ako dun sa mga langgam na yun! hehehe
    Kengkay: huh! 🙂

    Komento ni ris — Setyembre 26, 2007 @ 1:27 umaga | Sagutin

  17. […] jojitah, joyjoy, kengkay (kelan lang pinasilip nya ang mommy bag nya… LOL ngayon pasilip naman ate ng desktop h…), Kiko, […]

    Pasa ni Pasilip naman… ng desktop mo =P UPDATED | Letters From The Soul — Marso 21, 2008 @ 10:15 hapon | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: