Kwentong Kengkay

Setyembre 26, 2007

Big Bikes

Filed under: Akin-Akin,Aruuuhh,Dito sa Amin — kengkay @ 7:09 umaga

Nung isang Sabado, habang nag-gagala kami nung mga anak ko e akala ko nahihibang ako. Kasi sunod sunod na old timer na sasakyan ang nakikita kong gumagala sa kalye. Halos magkanda-dokleng ako sa kapapanood. Ang ga-ganda ng mga well maintained na old timers talaga. Halungkat ako sa mommy bag ko sa aking camera. Pero, uggh, nakalimutan ko pala. Sayang!

Pero sa tingin ko, siguradong may meeting place ng mga oldies cars na malapit lang sa amin. Hinila ko ang asawa ko. Sabi ko hanapin nating kung nasaan yung mga old timers. Pa cool pa asawa ko nung sinabi nyang, ‘alam ko kung saan.’ Hmmp. Pa-hard to get pa talaga. Pero buti na lang at nakagala kami, a dahil dyan e show and tell time.

img_0100.JPG

Ayan, isang Harley Davidson na pula. I cant resist it. E kunsintidora naman yung may-ari. Sabi nya, ‘sige upo ka at kodakan kita.’

img_0102.JPG

At sempre di naman papahuli ang mga little kengkays kaya eto, posing din sila sa isang BMW bike with sidecar.

img_0104.JPG

Eto pa si bulinggit ko, kahit na hindi nya abot ang manibela e feeling din…

img_0109.JPG

Pa-kyut pa ko e samantalang itong mountain bike nga na regalo sa akin nung asawa ko e almost two years ko nang di nauupuan, hmmp. Pero malay natin, kapag naging old timer sya, am sure magpa-kodak din ako na naka-upo sa kanya, nyahaha.

Advertisements

12 mga puna »

  1. Wow! Vintage Harley!! 🙂

    Komento ni Kiko Matsing — Setyembre 26, 2007 @ 8:57 umaga | Sagutin

  2. Ang cute ng mga anak mo kengks! Mana sa mommy!
    Kengkay: sinabi mo pa 😀

    Komento ni Kiko Matsing — Setyembre 26, 2007 @ 8:59 umaga | Sagutin

  3. asteeg… milyon-milyon na malamang ang halaga ng mga vintage big bikes na yan…. pwera sa mountain bike. hehehehe 🙂
    Kengkay: antay ka lang, kapag naging vintage ang mountain bike ko, hehe

    Komento ni taroogs — Setyembre 26, 2007 @ 9:23 umaga | Sagutin

  4. haha. ipadala mo na lang sakin mountain bike mo para naman maupuan sya. lol 🙂
    Kengkay: naku, mas mahal pa ang shipping. kodakan ko na lang sya para sa yo, hehe

    Komento ni TRISH — Setyembre 26, 2007 @ 2:14 hapon | Sagutin

  5. wow, ang gaganda. parang naalala ko nung bata ako may mga ganyang itsura din na oldsmobiles na nakaparada sa fort santiago. nyahehehehe. astig ng mga motor, pare.
    Kengkay: sana meron din akong ganyan, hayyy

    Komento ni pao — Setyembre 26, 2007 @ 3:41 hapon | Sagutin

  6. ang kyut naman ng chikiting mo sis kengks hehehe ang tarush blonde ang buhok, tinalo pa ang jet black kong hair lols

    xiao!
    Kengkay: ay, ang gusto pa ngang kulay nung bunso ko e orange na buhok daw, hmp!

    Komento ni brath — Setyembre 26, 2007 @ 3:46 hapon | Sagutin

  7. Kenks, that is soooo cool. At least kahit papano, three wheelers di ako matutumba dyan (as opposed to not liking the idea of being controlled by machines).

    Asteg kayo o?
    Kengkay: sarap ng feeling kahit na emote lang upo namin dun

    Komento ni K — Setyembre 26, 2007 @ 8:41 hapon | Sagutin

  8. mahilig ka din pala sa mga luma. meron din akong lumang sasakyan pero di pa vintage eh. nakatago sa garage. i was hoping perhaps in a few years time it will. pero sabi ng wife ko pa scrap na lang kaya bye bye rover na. he he he
    Kengkay: uy, malay mo naman 😀

    Komento ni blogOloco — Setyembre 26, 2007 @ 10:06 hapon | Sagutin

  9. Ang ganda nga nyan ate kengks. Nung nagpunta ako sa Japan grabe nakakita ako dun ng mga nag gagalang mga vintage! Ang sarap ng feeling kasi akala mo nasa lumang panahon ako. Cutee cutee little chikitings! Mom’s best talaga!
    Kengkay: ang ganda talaga ng old timers ano? tapos they can freely drive around with them pa, hayyy. sempre mas maganda kids ko, hehe

    Komento ni Ambo — Setyembre 27, 2007 @ 6:50 umaga | Sagutin

  10. Xempre san pa ba magmamana mga yan? e di sa daddy nila. Lols. *peace*
    Kengkay: halika nga dito at makurot ka 😉

    Komento ni Ambo — Setyembre 29, 2007 @ 2:54 hapon | Sagutin

  11. Hi Kengkay,
    It has been a long time that I have not visited your blog. Nasakyan mo na ba yung MTB na regalo sa iyo ng husband mo? Have a nice day!
    kengkay: rino, naku, ako din tagal ko ring di nabisita yung blog mo e gustong gusto ko pa naman yung tema mo. yung tungkol sa kinukulit sa akin ng hubby ko na mountain biking, heheh. wala pa rin, tulog pa rin yung bisikleta sa garahe namin

    Komento ni rino — Enero 23, 2008 @ 9:07 umaga | Sagutin

  12. […] ko tuloy ang aking bike. tagal ko na ring hindi nagbibisikleta. lalo pa at sa bundok na kami nakatira. tipong ang bilis […]

    Pasa ni magbisikleta tayo, may libreng t-shirt pa « Kwentong Kengkay — Pebrero 28, 2012 @ 7:02 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: