Kwentong Kengkay

Setyembre 27, 2007

Tabo

Filed under: Dito sa Amin,Duon sa Amin — kengkay @ 6:45 hapon

Itong asawa ko, kabang-kaba na talaga sya. Ilang beses na nyang inuulit sa akin ang mga katagang: ‘siguro dapat ng matuto ang mga anak natin na maglinis ng pwet nila na hindi gumagamit ng tabo.’

Ay oo, meron kaming tabo sa bahay namin dito sa Oy-ro-pa. Kasi naman Pinay ako ano. Di ko maalis sa sarili ko ang di gumamit ng tabo. Hinahanap-hanap sya ng mga wet-paks ko. Hindi tapos ang pag-upo sa trono hanggat walang tabong puno ng tubig na dadaloy sa mga kamay ko. E sempre, dahil sanay ako sa ganyang klase ng paglinis; pati sa mga anak ko, ganyan din ang gawa ko.

Kaya naman ako ang tawag nila kapag tapos na silang mag concentrate sa trono. ‘Mama, fertig!’ (finish) Dala-dala ko ang tabo at may sabon ang isang kamay ko para linisin sila. Ganun ang drama naming mag-iina. Kaso mo, itong asawa ko, balisang-balisa na sya. Paano daw kung wala ako sa tabi nung mga anak ko? Saan sila hahanap ng tabo?

Tinawanan ko lang ang asawa ko. Kasi kung talagang kailangan nilang maglabas ng sama ng loob at wala kami sa bahay; sempre ok na sa kanila yung wet ones. Pero pagdating sa bahay, hugas agad ng wetpaks. Ganun lang yun. Adjustable naman mga maliliit nilang pwet e.

Kaso eto, nung pumasok sa kindergarten itong bulinggit ko ang una nya tanong,’ mama, may tabo ba sa kindergarten? Papano yan kung e-ebs ako?’ Nakow, talagang natawa ako. Ang sabi ko sa kanya, apat na oras lang naman ang kindergarten e. Kung gusto nyang mag-concentrate; upo muna sya bago pumasok o kaya antayin nya pagkatapos ng kindergarten. Ngiti lang ang sukli sa akin ng anak ko; para bang gusto lang nya akong inisin ng konti. Buti na lang at right answer si nanay kengkay.

Heniway, nung unang binitbit ko naman si hubby ko sa Pinas; shocking boogie rin sya. Kasi kahit na super mansyon na yung bahay na tinirhan namin sa Tagaytay; tabo pa rin ang sumalubong sa kanya dun. Nyahaha. Tabo sa hugas ng wetpaks at tabo sa liguan. Hirap kasi ng tubig e. Buti kamo di sya nag-igib, hehe!

Ayun, natuto rin sya magtabo. Kaya lang, hubo talaga sya kapag mag concentrate sya kasi di pa sya marunong ng tamang pag-gamit ng tabo. Kahit na ang tsinelas nya nababasa talaga πŸ˜€ At wa naman ako type na hugasan sya ano, hmmp!

Ngayon medyo marunong na ang mga anak ko mag punas; pero mas gusto talaga nila ang refreshing feeling ng tinabo. Kaya lang kapag asa bathtub sila, ang unang sigaw nila, ‘mama, asan na yung tabo.‘ Ayun, ligong buhos na rin sila. Pati ligong Pinoy e na-arbor din nila sa mga pinsan nila sa Pinas, hehe!

Advertisements

12 mga puna »

  1. mas malilinis kasi ang mga wet paks natin kapag gagamit tayo ng tabo ano? kami din naka tabo e hehehehe

    xiao!
    Kengkay: tumpak!

    Komento ni brath — Setyembre 27, 2007 @ 7:36 hapon | Sagutin

  2. yun ang di ko masakyan sa iiang mga puti — yung paglinis ng pwet na gamit ay tissue lang (at wala nang hugas-hugas pa!)… di ba may naiiwang mga latak yun na naka-kunyapit pa din sa balat? hehehehe… tabo at sabon pa din da best! πŸ™‚
    kengkay: yikeeeees, true ka dyan, hehe

    Komento ni taroogs — Setyembre 28, 2007 @ 7:09 umaga | Sagutin

  3. Gayahin ko si Chuvaness, Tabo =Pinoy πŸ™‚
    Kengkay: kiko = matsing, hehe

    Komento ni Kiko Matsing — Setyembre 28, 2007 @ 8:56 umaga | Sagutin

  4. oo nga ate kenkgs mas ok tabo buti asawa ko sanay sa tabo….
    kengkay: pag nakasanayan mo na, tabo all the way

    Komento ni katherine — Setyembre 28, 2007 @ 9:53 umaga | Sagutin

  5. nothing beats tabo. kahit nga may shower na minsan, hinahanap hanap pa rin tabo eh.

    pero meron mas praktikal na paraan sa paghuhugas ng pwet at ng ari… BIDET πŸ˜€
    Kengkay: yung bidet ginagawang hugasan ng kamay ng mga kids ko, nyahahaa

    Komento ni A Z R A E L — Setyembre 28, 2007 @ 11:52 umaga | Sagutin

  6. Mahal ko ang tabo.
    Kengkay: i heart tabo, too. pareho tayo.

    Komento ni Laarni — Setyembre 28, 2007 @ 12:58 hapon | Sagutin

  7. meron namang shower sa puwet ate kenks di ba palagay mo sa banyo niyo lols.. pero wala pa rin tatalo sa tabo na sa tuwing maliligo eh tatalon talon ka pa lalo na sa umaga at walang heater sa probinsiya hahaha!
    kengkay: wala kaming shower para sa pwet e, kasi nga itong asawa ko e talagang nag sho shower sya kapag maglilinis ng pwet, hehe.

    Komento ni Banana — Setyembre 28, 2007 @ 7:39 hapon | Sagutin

  8. tabo expert din ako… kung mangingibang bansa ako magdadala ako ng mga 5tabo. πŸ˜† madami na para may reserba, mahirap na baka ginto pala ang tabo sa pupuntahan ko. πŸ˜‰
    kengkay: tama yan, kami daling masira ng tabo e. pag uwi namin dyan, mag hoard ako ng tabo πŸ˜€

    Komento ni jojie — Setyembre 29, 2007 @ 12:10 umaga | Sagutin

  9. josko po ang tabo ay isang bagay na we take for granted. namimiss natin kung halimbawa ay nasa hotel ka’t walang nakikitang tabo… kaya di ako gumagamit ng baso sa rooms ng hotel lalo na kung may ka-share ako sa room baka in one way or the other naging tabo na rin ang baso. nggiiiiiiiihaaaaah!!!!
    Kengkay: nyayyy, tama ka dun! pero kung di naman pinoy kasama mo, wawa naman, hehehe.

    Komento ni selvo — Setyembre 30, 2007 @ 12:44 umaga | Sagutin

  10. Hay naku gaya ng sabi mo, pag gumagamit si hubby ng tabo e sawsaw itlog nun! hahahahaha. ang itlog! este ang tabo pala. lols
    Kengkay: pano mo nalaman, hehe

    Komento ni Ambo — Oktubre 1, 2007 @ 2:31 hapon | Sagutin

  11. fresh na fresh kasi talaga ang feeling pag ginamitan ng tubig at sabon kaysa punasan lang ng papel. ahahahahah.

    nung dati nasira ung banyo dito, inabot ng buwan bago sya nagawa. tas problemado si bebe kung pano maliligo. sabi ko, anu natutunan mo sa pinas…kumuha ka ng timba at magtabo ka…and we live happily ever after. πŸ˜€
    kengkay: si kengkoy ko naman marunong magtabo pero hindi niya alam the proper way, kasi hubot hubad sya dahil basang basa pati paa nya, ahahaha

    Komento ni eyna — Disyembre 7, 2007 @ 10:00 umaga | Sagutin

  12. […] sa kindergarten, tapos eto naman yung kaba ni kengkoy dahil sa sanay nga kaming gumamit ng tabo at eto naman yung isa pang summarized version ng appeal ng tabo sa amin At dahil malakas nga ang appeal ng […]

    Pasa ni Ma-appeal ang tabo « Kwentong Kengkay — Abril 15, 2008 @ 7:08 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: