Kwentong Kengkay

Oktubre 1, 2007

Mr. Pogi

Filed under: Ano Nga Ulit Yon?,Aruuuhh — kengkay @ 8:07 umaga

Itago na lang natin sya sa pangalang Mr. Pogi. Una ko syang nakilala dun sa part time job ko sa isang women’s magazine sa Pinas, mga early 90’s yon. Isa syang photographer. Karay-karay namin ang isa’t isa sa bawat beat na ibato sa amin nung aming editor; nagkasundo kami kasi dahil artistic sya, ibig sabihin, may konting katok sa ulo. E dahil naman writer na pilit ako, mas malaki ang katok ng ulo ko. Ayun, nagkatukan kami ng ulo 😀

Masaya sya kasama, at maraming kwento; at ang importante dun, Mr. Pogi nga sya di ba? Na-alala ko pa nung maglalakad kami sa Escolta para lang makahanap ng istorya. Kung saan saang pasikot sikot ng Maynila kami nagkanda-ligaw ligaw, kung saang panig ng Kalookan nagpa-sikot-sikot; ginagabi kami para mag cover ng mga night life sa Quezon Avenue. Na-alala ko pa may kasama kaming isang girlalu naman na acount executive nung magazine, na parating nanghihiram ng lipstik ko, ayy! Threesome kami sa kalye, ginagabi, inuumaga; ulan, baha at araw man. Masipag kami. Mga nagsisimula kasi eh.

At ngayon, pagkaraan ng more than ten years e nagkahanapan ulit kami. Di ko na alam kung asan na si girlash; pero si Mr. Pogi, nadiskubre ko ulit nung nag-google ako ng pangalan nya nung isang taon. Dahil sikat na ang lintek at bidang bida talaga. Ang tagal nya rin ako sinagot, yun pala e yung email na andun sa site e di na nya halos ginagamit. At ang loko, di raw ako sikat kasi di daw nya nagoogle pangalan ko. Hmmp, sabi ko sa kanya e sikat ang pangalan ko kasi nakasama ako sa mga nagoyo dun sa isang scam sa eBay. Ang problema, aleman ang usapan kaya di nya ma getching, hehe.

Sempre nung nagka emaylan, nagkapalitan agad ng cell numbers; tawag agad si Mr. Pogi kay Kengkay. Aba, may datung, para namang ang layo ko sa Pinas, di ba? E kaya naman pala, e kasama sa mga pinoys na umalis ng bansang Pinas para ikakalakal ang kanilang skills. Edi batuhan na kami ng emails, ng text messages, pero andun pa rin yung special flavor ng asaran namin.

E nung isang linggo, hinanap ako ng mokong. May ipa-edit sya sa akin. Edi sabi ko naman, sige lang, ibato mo. Hayun, talagang di na mapipigilan ang pagiging mas sikat ni Mr. Pogi; imagine, daming interviews sa kanya. Nung binabasa ko at ini-edit yung mga sagot nya, dun ko na realize na dami ko na palang di alam sa kanya. Unang una, milyonaryo na pala ang ang mokong. Nakow, talagang Mr. Poging-pogi na sya. E kasi ba naman sagutan ba naman ng real figures yung tanong kung magkano ang kita nya. Sempre, highlighted ko agad yon. Sabi ko, erase yun. Edit ko agad sa mga emote about ‘I have enough to enjoy a luxurious life’. Sabi ko kung gusto nyang dumami ang uutang sa kanya, unahin muna nya ako. Wag magbigay ng figures sa salary for a to be published article. Kaya eto ako, antay ng pamasko sa kanya, ehem!

Pero ang mas maganda dun, nagkaron ako ng topic para sa blog ko, sya nga, si Mr. Pogi! Para mas maganda, i-share ko yung kulitan namin sa email:

kengkay:
eto tapos na. pero check out some notes i’ve added esp on the salary. manoy, you need to delete those things, baka mas dumami ang uutang sa yo ano. ako muna pagbigyan mo, nyahahah- walanghiya ka, milyonaryo ka na pala e suggest ko lang — mag ipon ka at wag sayangin ang datung sa mga anakis mo, itigil mo na yang panay panganay esp kung tama ang sinabi mo about the photog business sa pinas. habang milyonaryo ka e mag ipon ka na para kung balik ka pinas, kahit wala kang trabaho e maganda buhay mo. so, antay na lang ako nga pamasko ko, hehehe, mr milyonaryo.

Mr. Pogi:
Maraming salamt po. Kayu po yata ang dapat tanghalin na bagong bayani. Tama ka ka nag dadalawang isip din nga ako na sagutin yung tanong niya about sa ka datungabn ng bida. alam mo ba na kahit ganun yung pera na kinikita ng bida ay kapus pa rin aketch? di ko mawari, masyadong gastadora ang napili kong sex partner.

Kengkay:
pocha, sex partner ka dyan 😀 tigilan mo muna yang kaka-karengkeng. bidang diva, hehe. mag ipon ka na ng lakas, at ng makarami ka ng milyon…

Mr. Pogi:
oo nga poocha 4 na panganay ko tapos on the way pa itong isa eh. ggrrrrrr .

Kengkay:
on the way ka dyan, on the way out ka na. hanep, ipaputol mo muna yang **** mo, nyahahaha

Mr. Pogi:
oo nga eh, kaso maraming naghahangad niyan. maraming magungulila!

Kengkay:
lintek ka, at least milyonaryo ka, nyahahaha

Mr. Pogi:
wala nga eh, nasasaid….gusto ng mga nanay nila eh, sustento de pataranta

Kengkay:
mabibilang pa ba sa mga daliri mo ang mga panganay mo? ilan ba naging jowa; mo at ilan naging anak mo na? at sino naman yang sex partner mo na yan dyan sa —-? bagong panganay na naman ba yung buntis? hay, pwede ko bang i blog yang buhay mo na yan? kwento mo naman sa akin at ng maging bida ka sa blog ko, hehehe. bigyan mo ako ng magandang topic, nyhahah

Mr. Pogi:
TADO, baka ma-eskandalo yung buhay ng bagong bayani tatlo lang yung panganay ko . blog blog ka diyan!

Kengkay:
humanda ka, i-blog talaga kita, sempre di ko sabihin ang name mo, itago kita sa pangalang ‘mr pogi from bataan’ nyahahahaha

Mr. Pogi:
heheheh koloks kaaaaaa. nakita ko yung taglog blog mo! dami mong DADA doon. nasa ugat mo talaga ang pag sulat. isa kang henya. buti na lang may ganyan ano, kundi na mabuburyung ka dyan sa bahay. nakikita ko yung family site mo. diba nag koment ako doon. bakit dito sa noypi version wala naan? mag join ka sa multiply.com dami ding noypi doon. mahusay ka talaga walang kupas ang lola!mabuhay!

Kengkay:
balikan mo yung blog ko later, baka bukas, andun si mr pogi from bataan, nyhaha

Mr. Pogi:
HEHEH KOLOKS KA! CGE

Ayan, edi bumigay din sya, pa hard to get pa e alam ko namang easy to get talaga sya! Tenks, Mr. Pogi. Wag naman sana dumami ang panganay mo kapag may nakakilala sa yo sa pamamagitan ng magbabasa sa blog ko 😀

Advertisements

5 mga puna »

  1. ummm, mahusay ka talaga! kakaiba. natatandaan mo pa nag mga lumipas?!
    salamat dito, pero ako lang yata ang nagbasa.
    nag hahanap pala ako ng makakasama na sa buhay. na magiging partner ko for life.
    kung may nakakabasa nito…ako po ay nananawagan! 🙂
    salamat keng!
    Kengkay: ginawa mo talagang pen pal section tong blog ko ha. hanap ka dyan, pwede ba ipunin mo muna milyon mo, hmmp.

    Komento ni ako to — Oktubre 1, 2007 @ 11:45 umaga | Sagutin

  2. ay nice post. 1st time to visit your blog. heard about u kse from mama maru, azrael, etc. sabihin mo kay mr. pogi, apply ako. hahaha. joke. ayoko sa pogi eh. habulin ng babae. maraming kaagaw. eh selfish pa naman ako. hehehe. dun na lang ako sa hindi panget, pero matalino at may sense of humor. hahaha.
    Kengkay: ayan, na disappoint tuloy si mr pogi, hehehe. salamat sa dalaw!

    Komento ni antuken — Oktubre 1, 2007 @ 12:40 hapon | Sagutin

  3. sabi ko na kasi kay keng eh, wag mr. pogi yung title ng bida.
    ayan may aplikante pero iba ang hanap..waaaaaaaa…
    Kengkay: hanep, umasa ka pa, hehe!

    Komento ni ako to — Oktubre 2, 2007 @ 8:21 umaga | Sagutin

  4. Umm, ewan ko ba bakit nandito na naman ako sa pahina na 2 ang nag basa parang sayang yung effort noh!
    Musta na maam KENG?
    NAKAKITA NAKO NG BABAENG MAMAHALIN KO t pede kong ibuhos ang lakasna matagal ng nakatago 🙂
    hhmmmm..sige sa sususnod na lang!

    akoparin,

    kengkay: am sure wala ka ng lakas, hahahaha. nakakita ka na ULIT ng babaeng mamahalin mo? pang ilan na yan? am sure panganay na naman ang labas nyan. mabuti na lang milyonaryo ka na 😀

    Komento ni Mr. PANGET — Mayo 7, 2008 @ 8:33 umaga | Sagutin

  5. Clap,clap,clap. Proud to be pinoy!!!!. Mabuhay? ang Fil-am……. visit http://goo.gl/HNBgn to watch pinoy tv shows

    Komento ni Helga — Nobyembre 25, 2012 @ 12:40 hapon | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: