Kwentong Kengkay

Oktubre 8, 2007

Hakafagud

Filed under: Akin-Akin,Dito sa Amin,Pasaway — kengkay @ 11:25 umaga

Pagod si ako.

Imbes na matinong Sabado at Linggo sa bahay e naki-gymnastiks seminar ako. Lecture at 9 am, gising na ako ng 7:30 am. Hindi sanay si Kengkay. Muntik na kong makatulog, mahahalata pa naman dahil nagmalaki ako at sa mismong harap ako umupo. Buti na lang meron akong imaginary toothpicks na nilagay sa mga pilik mata ko, ayos — kunyari di tulog pero sa totoo lang, humihilik na ako 😀

Kasi naman, tungkol sa anatomy ang pinag-usapan. Naman…yung mga kasama ko nga na mga bagong graduate pa lang sa high school e di na nga makasunod sa mga pinag-sasabi nung lecturer, ako pa kayang pinay na limited ang knowledge kung anong chika nila sa tungkol sa mga kasu-kasuan nila sa alemanya? Ay, muntik na akong mag walk out. Pag usapan ba naman yung tungkol sa mga buto-buto at mga bulalo ng katawan… E kilala ko lang yong mga yon sa hapag kainan ano. Nag-isip ako kung pano ako makatakas. Kaya lang kung tatakas ako, bitbit ko dapat yung dalawang taong kasabay ko, kasi nakisakay nga lang ako…hay hirap ng buhay!

So wala akong magawa. Kahit ikot na pwet ko, nagkunwari na lang ako. Buti na lang may games portion yung seminar. Kaya lang, na-over din naman. Yung mga kasu-kasuan ko na akala ko e walang muscles e biglang nabuhay. As in, aray ko…. sino ba nagsabing dapat akong magpa-api ng ganito? Gusto ko lang naman mag-alay ng aking libreng serbisyo ah. Ayoko na talaga. Pero dahil naka higa ako sa sahig at yung instructor e naka-tayo; ang hirap pumuslit! Kaya behave ulit si kengkay.

Biniro ko ang insctructor sabi ko: ‘Gusto ko ng mag lunch ng isang bandehadong french fries at higanteng steak.’ Aba, ang sagot ba naman e dapat daw I should work for it,’ arrgh!

Heniway, pagkatapos ng lunch ng french fries at steak — balik naman sa classroom. Sempre busog, mas lalo inantok si kengkay. Arrgh, ang hirap! Nabuhay na lang ako nung game time ulit. Ayun, nagkabukol bukol si kengkay. Untog, bunggo, untog, bunggo. Para akong lasheng sa kabusugan. Black and blue talaga ang drama ko. Muntik na nga akong maiyak sa sakit e, parang gusto kong sumigaw ng isusumbong ko kayo sa nanay ko, ahuhuu… Kaya lang wa-appeal yon kasi di naman nila maintindihan..

Umuwi akong bugbog sarado. Ako kasi pinakamaliit tapos wala pa sa kundisyon. At dami ko pang nakain, hanu ba yun. Pramis, bukas, gaganti ako.

Kinabukasan, as expected, nabuhay ang mga muscles ko. As in pumipiyok sila bawat galaw ko. Pero kailangang mag good morning sunshine ulit dahil second and last day na. Nagdala ako ng isang galong tubig para pampagising; bawat sipsep sa bote e buhay si kengkay. Minsan e parang gusto kong buhusan sarili ko para magising, hmp.  Ang aga nga binigay yung certificates eh. Kasali pangalan ko. Di nila halatang wiz ko na intindihan ang lecture; kung alam lang nila, sigurado wala akong certificate, hahaha.

So ayan, nag games ulit. Bigay na bigay. Untugan at bungguan blues ulit. Buti kamo di ako nadadapa ano. Hmmp! Pero masaya ha. Para kaming mga baboy na nakakawala sa kural. Masarap talaga maglaro. Kaya lang si kengkay, di na talaga kaya. Pati nga tumawa e pumipiyok din ako sa sakit. At meron akong souvenir, isang malaking bukol, heheehe!

Advertisements

2 mga puna »

  1. wow, napaka-sporty naman. sana ipinakita mo ang iyong ala-jawo damoves para balyahan galore. 😀 oras na para maligo ng omega pain killer. 😀
    kengkay: wa dito omega pain killer e. wa din ako jawo moves kasi kasing liit ako ni weng-weng, waaahhhh. aktwali, 4’11 ako, hehe

    Komento ni Meeya — Oktubre 8, 2007 @ 5:00 hapon | Sagutin

  2. Di nila halatang wiz ko na intindihan ang lecture; kung alam lang nila, sigurado wala akong certificate, hahaha.

    Ate Kenks, unfair! unfair! Kailangan matawagan ang lecturer na yan para isumbong kita. JOKES.
    kengkay: hala, tawagan mo, tingnan natin kung magkaintindihan kayo, hehehe

    Komento ni K — Oktubre 9, 2007 @ 6:25 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: