Kwentong Kengkay

Oktubre 12, 2007

Tsuu-tsuu Tren

Filed under: Dito sa Amin,Hmmp,Kwentong Bulilit,Palaway — kengkay @ 6:11 hapon

train-set-008.JPG

Eto ang toys for the big boys talaga, ang Maerklin H0 model train set ng aking labiduds. Natanggap nya ang mga naunang assortment nito mula kay Santa Klaus nung sya ay nasa elementary school pa lang. Ayon sa kanya e mga ilang linggo daw na di sya pwedeng pumasok sa loob ng kanilang sala — kaya naman pala, dahil si tatay nya e nauna ng naglaro nitong model train set na ito.

Heniway, sa bawat paskong sumunod e nadagdagan ang collection nya ng model train set. Hanggang sa kailanganin na nyang angkinin ang buong basement nila para lang ma-buo ang kanyang creation. Sempre nung umalis na sya sa bahay nila e ligpit din ang nangyari sa kanyang treasured collection. Hanggang sa magka-interes ang aming dalawang bulilit sa mga kwento nya tungkol sa model train set na ito nung 2003.

Hayun, naghalungkat sa mga baul baul nya. At nakagawa ng paraan na makapaglaro ulit ng tsuu-tsuu tren si labs ko. Kahit ako naengganyong tumunganga kapag ikot ng ikot ang mga trains e. Parang isda ba sa aquarium, ahaha. Pero sempre, ikaw ang may control. May ibat ibang klaseng tren: may usok, walang usok, para sa mga pasahero, para sa mga cargo, etc. Pwede mong istap or go; pwedeng bumaba mga pasahero, pwedeng mag-sakay ng mga baboy, at kung ano-ano pang pwede. May simbahan pa nga sya na may tunog talaga ang kampanilya, at yung windmills, sempre gumagalaw sya dahil sa tubig; isama na natin ang mga ibat ibang klase ng tao na pwedeng ilagak rin dito — may jologs, elitista, ehehe, (di lang ako makatiis humirit) at kung ano ano pang pwede. Ang maganda nito, pwede kang bumili ng mga model din ng totoong bahay o building o simbahan o historical places. Andaming possibilities talaga.

Kaya naman hanggang ngayon e under construction pa rin sya. Gusto pang gawan ng kweba at ng ilog at ng kung ano-anong pang pagkakagastosan. Sa totoo lang, priceless na itong collection ni labs ha; ang mokong, nagrereklamo na ang mahal daw ng mga bagong labas na pang dagdag sa collection nya. Pero bili pa rin ng bili, ang eksyus nya ngayon, para daw sa mga bata. Am syur, para sa mga batang isip kanyo.

Ayan, share ko ang aming munting train station community sa isang sulok ng aming bahay…

train-set-014.JPG train-set-013.JPG train-set-012.JPG train-set-011.JPG

train-set-010.JPG train-set-007.JPG train-set-009.JPG

Di pa sya tapos talaga; at di ko alam kung matatapos man sya. Balak ng asawa kong palakihin pa itong train station nya e. At dami pang lista kung anong kulang; para namang ilang kahon pa ng Maerklin H0 ang nakatambak sa storeroom namin na di pa nya nahahalungkat ano. Oh well, basta ba yan lang nilalaro nya eh okay lang sa akin.

Kung sino gusto magkilaro, taas ang kamay 😀

Advertisements

8 mga puna »

  1. This was one of my dreams when I was a KID. A miniature TRAIN station and moving cars. Since I am from Bicol and we were very poor, masaya na ako nun sa mga gawang kahoy-kahoy na laruan. When I was growing up, nakatikim na din ako ng otto na de-battery, nakakatuwa. Minsan ang mga kalaro kung bata nun mga gumagalaw na robot na may ilaw pa. Kahit buong araw akong umiyak sa nanay ko para bilhan ako nun, di pwede, pambili nga ng pagkain kulang pa.

    How lucky your kids to have these toys, I’m sure when they grow up, they have something to talk about too.
    kengkay: ako naman i wished for a walking doll, pero wala rin. kahit anong tantrums ko. nagkaron naman ako ng little sister, pwede na rin, hehe

    Komento ni K — Oktubre 12, 2007 @ 6:46 hapon | Sagutin

  2. And true, this is a toy for BIG Boys too. I actually like the idea of having a train above my bed yung may riles at umiikot ikot sya habang ikaw ay nakatingala.
    kengkay: hm, may shopping malls dito who’s got those trains circling their kiddie corners…nakakasakit ng leeg talaga kapag andun kami…pero attraction talaga nila yon, and i cant blame them, kasi safer from the hands of the makukulit di ba?

    Komento ni K — Oktubre 12, 2007 @ 6:48 hapon | Sagutin

  3. Trains have a special thing about them. Lots of little kids want to become train engineers or drivers over here. If they only knew how many ‘fatalities’ happen each day. But toy trains are different of course. They’re so much more fun!

    joy
    Your Love Coach
    kengkay: you are right, toy trains are safer 😀

    Komento ni joy — Oktubre 12, 2007 @ 9:27 hapon | Sagutin

  4. Ako po, nakataas ang kamay! (kita mo ba?) Ganda naman ng laruan niyo! Maiinggit tiyak ang waswit ko, My son is really into trains, pero hanggang Made in China lang kaya namin, kaya nagkanda-recall-recall tuloy yung ibang trains niya!
    kengkay: ganun, may recall din ba yung trains? buti na lang made in germany itong amin, hehe…sige, punta ka rito at laro tayo 😀

    Komento ni MegaMom — Oktubre 12, 2007 @ 11:01 hapon | Sagutin

  5. speaking of train! kakasakay ko lang ng path train kanina papuntang new york! wushuuuuuuuuu heheh

    xiao!
    kengkay: wow, nagshopping ka? sarap naman!

    Komento ni brath — Oktubre 13, 2007 @ 12:25 umaga | Sagutin

  6. Hallo kengkay, kinatuwa ko ng malaki ang iyong pag dalaw sa aking e kweba:)

    Dito ka rin pala sa De? Taga dito ako sa gilid gilid ng Munich btw.Ikaw? Naaliw ako sa pag babasa ng iyong archives doon din sa kabila mong ebahay. Flohmarkt,N laws subjects are pretty much similar sa aking karananasan,hehe

    Pleased to meet you kengkay!:)

    Happy weekend!
    kengkay: hi, masarap maki-usyoso sa ibang kweba, hehehe. andito ako malapit kay jose rizal, mga 25 kms from heidelberg kami. pleased to meet you too…

    Komento ni cheh — Oktubre 13, 2007 @ 5:58 umaga | Sagutin

  7. my nephew loves trains also. ang collection nya ay ang thomas and friends. ang nakakatawa pa, yung tatay din nya ang excited bumuo ng mga train sets ng anak nya. minsan nga feeling ko mas excited pa sya kesa sa anak nya. toys for the big boys talaga.
    kengkay: tama ka dyan, sempre mas excited din asawa ko with the model trains kesa sa two girls ko, hehe

    Komento ni antuken — Oktubre 13, 2007 @ 10:22 umaga | Sagutin

  8. coolness. naalala ko nun college nun gumagawa kami ng prototypes ng cell towers, aliw tingnan yun mga miniatures na ganyan….
    kengkay: ang ganda nila pagmasdan talaga ano?

    Komento ni chuvaness — Oktubre 13, 2007 @ 8:24 hapon | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: