Kwentong Kengkay

Oktubre 14, 2007

Nanay Kengkay

Filed under: Kwentong Bulilit,Kwentong Nanay — kengkay @ 10:41 umaga

Galing kay Banana, na mula sa blog ni Maru. Ito ang nanay sarvey. Ako naman ang taya ngayon.

Planado ba nung una kang mabutis? Sabi nung doktor wala daw pag-asa mabuntis si labs ko, so walang plano, e di ka daw pwede di ba. Kaya surprise, nakadalawa pa kamo ang di daw makakabuong mama.
Kasal ba kayo? Op kors not, hmp. 😀
Anong masasabi mo? Sarap ng feeling. Excited. Naisip ko ang mga kadramahan, mawalan din kaya ako ng malay sa gitna ng madla? Feeling ko e I am a real woman, chuva, hehe.
Naisipan mo bang magpalaglag? Op kors not ulit, hanu ba tong nanay sarvey na to, next question plis.
Ilang taon ka nun? 32
Pano mo nalamang jontis ka? Kasi di na kasya ang wardrobe ko. Ang dating seksing si kengkay e naging parang suman, as in pigil hininga kundi pupuslit ang mga bilbil na yun pala e bebi na.
Kanino mo unang chinismaks? Ke labiduds sempre, andito na kasi ako nun sa Oyropa e.
Tinanong nyo ba agad kung girl or boy? Sempre naman, atat na atat yata tong asawa ko. Pero wala kaming pinag-sabihan, secret yon hanggang sa lumabas na lang ang sanggol.

Kelan ang takdang kapanganakan? Ay, oo. Sabi ng OB, si MC December 24, 2001 – arrgh…
Nagkaron ka ba ng morning sickness? Konti lang, actually si labs ko ang nagka-morning sickness, ehehehe.
Anong pinaglihian mo? Sarap na sarap ako sa nectarines, kasi walang manggang hilaw at bagoong e, huhuh…
img_0309.jpeg
Saan ka naimbyerna? Ang flawless kong skin e naging dry pa sa kamoteng nilagang nabilad sa araw, hayyzzz.
Anong unang anak mo? Babae
Ninais mo bang sana e ibang kanyang kasarian? Ay hindi, basta healthy at kamukha nung tatay; remember, wa daw karapatang makabuo si labs ko sabi ng doktor nya di ba 😀
Gano kalaki ka lumobo nung buntis ka? Tiyan ko lang ang lumobo, mga 7 kilos ang nadagdag sa akin. Akala ko nga tatangkad din ako e, umasa pa si kengkay, hehe.

May baby shower ka ba? Ay oo, nag-pumilit akong umuwi ng Pinas kahit na buntis na ako e. Ayun, merong bebi shower kasabay ng isang shower party nung aking prend. Masaya sya ha, di nga lang masaya magbiyahe mag-isa kapag buntis. Definitely not recommended.
Surpresa ba ito? Pipti-pipti, kasi nagparinig ako at kasi nagparinig sila, hehe.
Masarap ba ang pagbubuntis mo? Ay oo naman, spoiled ako sa asawa ko at sa mga in laws ko, okay lang. Pero ang mahirap e yung cravings ko sa pinoy food; biglang natutong magluto ang kengkay. Nasunog ang linya ng telepono everytime na magluluto ako dahil kausap ko si nanay ko, sya ang aking human recipe. Tapos mga few weeks before the due date e breech position si MC, mabuti na lang at bumaligtad posisyon nya nung araw ng kapanganakan nya.
Saan ka nanganak? Sa isang hospital sa Heidelberg
g_klinik.gif
Gano katagal kang nag-labor? Mga anim na oras, masakit pero dahil si labs at ako e nag attend ng gymnastiks class for preggy, e may mga natutunan naman kaming massahe na nakatulong talaga nung mga oras na iyon.
Sinong nagsugod sa yo sa hospital? My labs, na kahit na halos walang naka park sa kotse e nabunggo pa rin nya yung poste sa panic nya, ahahah.
May audience ka ba nung nanganak ka? Andun yung nurse cum midwife at sempre si labs. Sya nga unang nakahawak sa baby e, hmp 🙂
Natural o C-section? Normal, super ire ang nangyari. Mabuti na lang at pagka-ire ko ng dalawang beses e umapir agad si MC. Atsaka kasi I had one session of acupuncture na ang result e maging relax yung muscles ko at mapabilis ang labas ng sanggol.
Nag-droga ka ba para mawala ang sakit?
Nakatulong nga sabi yung gymnastic classes for preggy at yung acupuncture. Recommended yan sa mga may balak 😉
Gano kabigat ang sanggol? 2.6 kilos
Kelan sya pinanganak? December 10, 2001, napa-aga ng dalawang linggo.
Anong pangalan nya? MC
Ilang taon na sya ngayon? Limang taon na ang nakalipas, my baby is now a little ledy 😀
mimi-teeth-082.JPG

Advertisements

6 mga puna »

  1. mabuhay ang mga nanay..cute talaga ng mga anak mo..tisay at tisoy.
    kengkay: mana di ba? teka, babae mga anak ko, huh 🙂

    Komento ni gasti — Oktubre 15, 2007 @ 1:44 umaga | Sagutin

  2. ang tarush ng pinaglihian na prutas…nectarines. talagang imported! ayan, imported din na baby ang lumabas. Ang ganda-ganda ng dyunakis mo mommy kengkay.
    kengkay: sa totoo lang, suha at duhat talaga ang hanap ko e, kaso mo naman wah dito – huhuhu

    Komento ni MARU — Oktubre 15, 2007 @ 12:48 hapon | Sagutin

  3. kamukha mo kenks hehehe konting bilad lang sa araw yan kengkay na ang hitsura pramis… pero sabi mo di ba mas mahilig ka nung nabuntis ka…. mahilig sa ano nga ba yun kengks?
    kengkay: sa nectarines 😀 ayayay…

    Komento ni S3lv0 — Oktubre 15, 2007 @ 3:32 hapon | Sagutin

  4. MAMI KENGKAY hangkyuut ng bebyi mo…sobra! Manang mana sa yo. Hehe
    kengkay: dahil dyan ikaskas ko yung credit card ko para sa yo, ehehe

    Komento ni chuvaness — Oktubre 15, 2007 @ 11:51 hapon | Sagutin

  5. nag tatagalog ba yan sis kengkay? pwedeng ta-artiz a 😀
    kengkay: marunong sila ng mga tagalog words

    Komento ni joanjoyce — Oktubre 16, 2007 @ 1:12 umaga | Sagutin

  6. ok nman c myrtle at first,unti-unti parng OA,halta nman sa tv,crush nya c alec pero hndi cya pinansin,at kay kit nman cya lumalapit,at ang guy take advantage kaagad…kita kaya sa mga moves……… visit http://goo.gl/HNBgn to watch pinoy tv shows

    Komento ni Mozell — Nobyembre 25, 2012 @ 1:23 hapon | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: