Kwentong Kengkay

Oktubre 16, 2007

Tsalap, Tsalap

Filed under: Duon sa Amin,Kaibigan,Panlasa — kengkay @ 2:36 hapon


pattiesvertical_large.JPGEwan ko ba kung bakit ako biglang natakam kahapon, mantalang ang sabi lang naman sa kin ni selvi sa YM e ‘hi cutiepie’. Aba ang biglang sagot ko sa kanya e ‘hi chicken pie’. Biglang napunta sa pagkain ang kulitan namin.

Ayun, dun na nagsimula ang pagkatakam ko. Sa mga pagkaing matagal ko ng di natitikman pero ang lasa nya e nakasiksik sa aking palate. Ayan, palate, biglang ang lalim ng inglis ni Kengkay. Sana tama ang paggamit ko dun sa salita. Imagine, kahit na sa panaginip e naglilista ako ng mga peborit fud ko.

At dahil sa pie ang pinagsimulan, ang una sa listahan ko e ang Jamaican Patties. Di ba pie din yun? Empanadang galing sa Jamaica. Tsalap, tsalap. Tulo na laway ko. Iba pa yung drooling dun ha. Parang bigla kong naamoy ang patties na yan. Parang gusto kong mag taksi, chenes, taksi daw; magpakatutooo ka Kengkay! Mag-bus sa EDSA at bumaba sa may kanto ng Nikko Hotel at takbuhin ang papuntang QUAD Theater.

Dun ako pumipila sa may corner store nila sa malapit sa Quad Theater. Tambay dun sa isang sulok para ngat-ngatin ang aking mainit-init pang Jamaican Patties. Yummm. Hmmmm… Pinabalik-balikan. Pero teka, (ito actually ang gumising sa akin) wala na nga palang Quad ngayon di ba? E saan na ngayon ang tindahan ng Jamaican Patties? Waaahhhh. Medyo nagpanic ako. Tipong kahit na alas dos ng madaling araw e gusto kong mag surf sa internet para lang makahanap kahit na recipe na lang. Ipapaluto ko sa asawa ko, e sempre naman.

O kaya naman nung nagkaron ako ng oras, nag surf agad ako. Hayy, anong saya ko nung nalaman kong di lang pala panaginip yung Jamaican Patties na yan. Kasi daming recipes kong naharbat e. Katulad nito, eto; at kung ayaw nyo naman magluto pwede ring ready to bake ito.

Kung na try nyo nang magluto ng patties, paki-kalabit naman ako. At kung pwede e batuhan nyo rin ako, malapit lang bahay namin, pramis 😀 Nganga agad ako.

Pero eto ang dahilan at napalundag ako sa saya. Nung nalaman kong meron pa pala nun sa Pinas, ang Royal Carribean.

mall.jpg

Ayan, uwing-uwi na tuloy si Kengkay. Todo empake na… Yuhooo!

Advertisements

2 mga puna »

  1. mami kenksa uuwi ka na ng pinas? sama ako !

    xiao!
    kengkay: sige brath, daanan kita dyan sa merika sa pebrero. antay ka lang sa gate nyo at tingin ka sa taas para makita ka agad ng magic walis ko, ahaha

    Komento ni brath — Oktubre 17, 2007 @ 3:26 umaga | Sagutin

  2. Daming Jamaican patties dito, pero wala nang Quad, hahaha…. at heto: ngala-ngala ang tagalog ng palate. hehehe…di ko matanggal sa isip ko tuloy kung ano yung i-stuck sa ngala-ngala mo
    kengkay: tenks for the iksplanayshun, megamom, pano na ang aking tagalog kung wala ka 😀

    Komento ni MegaMom — Oktubre 17, 2007 @ 6:10 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: