Kwentong Kengkay

Oktubre 17, 2007

Ako din…

Filed under: Aruuuhh,Kaibigan — kengkay @ 6:52 umaga

Teka muna, meron din akong awards. At dahil ang turo sa akin ng nanay at tatay ko, lumingon daw sa pinanggalingan. Huh, layo yata pero kahit na, yun na yun…

Yung una galing kay DEFPOTEC

Sabi nya:

walang SGV na nag audit nito or lutuan na nangyari dito… walang DTI walang ZTE.. basta choice ko to..

best nanay blog..grammy_thumbnail.jpeg

Tapos sumunod naman as ‘humor’ awardee (actually seryus ako sa mga blags ko ha, hehehe) galing kay chuvaness:

….si MAMI KENGKAY at kung di dahil sayo MAMI KENGKAY, di ko maki-click ang logo ng WordPress Pinoy Group at kung di dahil dun di ako magiging member ng WordPress Pinoy Forum at hindi ko sana nakilala ang ilan sa mga ino-nominate ko para sa BLOGGING STAR AWARD NA YAN. blogstar.jpegKayo ang dahilan kung baket naging makulay ang bloglife ko.

At eto pang isa, Nice Matters Award from jeangr3y :

Ate Kengkay – another great woman for me! kung bakit? pakibasa na lang ang mga blogs nila… and for sure dun nyo malalaman kung bakit ko nasasabi ang mga to…niceaward.jpeg . Hindi po ito paid per post ha… lahat ng sinabi ko galing yan sa puso ko…. yan yung mga nasesense ko.

Heto pang isang medyo ibang klaseng award naman:

mimi-teeth-033.JPGTsokolate galing sa aking biyenan. Kasi ganun nya ako ka-labs e. Ganyan yan ka-sweet, minsan mag doorbell, may bitbit na kung anong pagkain na alam nyang peborit ko, ehehehe. Sana kayo may ganyan ding award 🙂

At ang pinakamatinding award:

kengkay-002.JPGAng tanim na orchid na bigay sa akin ni Kengkoy (asawa ni Kengkay) dahil nagpa-uto akong magpakabaldado dahil sa kanya, hmp. Wak ko na sabihin na nagpaka-alipin sya sa akin nang isang buong araw. Buti kamo di pa ako nagyayang mag-shopping, hehehe.

At ang na-chuva, chenes, chika lalu award na talagang nagulantang si Kengkay:

Sa sobrang drama ko kay Kengkoy, biglang nag open sya ng isang bagong credit card account sa akin, yohooo…Panalo talaga si Kengkay…I-kaskas ko na agad. Yan ang award na tinatakbo talaga, ahaha!

Salamat ng maraming-marami sa mga natanggap kong awards. Salat na salat ko (feel na feel, ano ba kayo) ang inyong pagiging number one sa puso ko. Errm, basta number kayong lahat 😀 I am feeling generous enough to share all these awards with you, dear readers. Kaya lang ubos na yung pralines at yung orchids e mas bagay sa windows namin; pero pramis, yung credit card, ipang-gimik natin, ahahah. Basta punta kayo dito 😀

Pahabol: Nung una kala ko pwede kong magtago sa isang sulok dito sa aking tagalog blag; wala lang, gusto ko lang kwentuhan sarili ko. Pero dahil super saya dito, nakitambay na rin ako. At yun ay dahil sa inyong lahat; kaya lagot talaga kayo sa mga anak ko, hahahaha…

Advertisements

9 mga puna »

  1. sagot mo ate kengks ang pamasahe? 😆 congats ate kengks.. 😉

    Komento ni jojie — Oktubre 17, 2007 @ 7:20 umaga | Sagutin

  2. Congrats Keng! You deserve it, you are a great mom and wife!!! I am so happy for you.
    kengkay: happy din ako for me, tenks elaine dear!

    Komento ni Elaine — Oktubre 17, 2007 @ 10:26 umaga | Sagutin

  3. keng! u deserve all the awards! pag gumawa ako ng sarili kong awards body, sigurado nominee ka agad! ang tanong anung category.. lol. congrats ulit! 😀
    kengkay: ang category, perfect mommy body, ahahaha – tenks ha

    Komento ni A Z R A E L — Oktubre 17, 2007 @ 10:48 umaga | Sagutin

  4. pag uwi mo dito sa pinas…dapat makaskas natin yang credit card mo. 😀
    kengkay: pramis yan, maru. may utang ka ding sine sa akin, ha, hehehe

    Komento ni MARU — Oktubre 17, 2007 @ 12:02 hapon | Sagutin

  5. pag yumaman ako, puntahan kita jan. pero mukang mejo matagal pa yun kaya pag pumunta ka na lang dito, tsaka natin gamitin ang credit card mo. hehe. may pramis pa akong movie sa yo, remember? saogt ko movie mo, kaw sagot sa bogchi. hehehe.
    kengkay: ay oo nga, libre mo ko sa sinehan..sana may magandang palabas pag uwi namin dyan.. excited na kow.. pramis, kain tayo ng jamaican patties na sandamukmok, ahaha

    Komento ni antuken — Oktubre 17, 2007 @ 4:27 hapon | Sagutin

  6. Wow dahil jan Mommy Kengks na din ang itatawag ko sayo hehehe. Congratulations! Deserving naman talaga eh. Finally online na blog ko mommy kengks. Hayzzzz kakapagod. 😉
    kengkay: online ka dyan, i tried to comment wiz ako maka-chika ano… may problema ba ulit?

    Komento ni Ambo — Oktubre 17, 2007 @ 4:57 hapon | Sagutin

  7. Kenks, you’re getting popular that’s why. Congratulations.
    kengkay: K, nag blush naman ako 😀 tenks ha. pogi ng site mo 😀

    Komento ni K — Oktubre 17, 2007 @ 7:23 hapon | Sagutin

  8. mami kengks! mami kengks! congrats!

    xiao!
    kengkay: brath, brath – tenks 😀

    Komento ni brath — Oktubre 17, 2007 @ 7:34 hapon | Sagutin

  9. Congratulations Kengks! Tsk! Ambangis ng mga awards mo! Lalong lalo na yung kinakaskas sa mga shopping malls! Haha! 🙂
    kengkay: bilib ka na, eherm

    Komento ni Kiko Matsing — Oktubre 18, 2007 @ 11:00 hapon | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: