Kwentong Kengkay

Oktubre 18, 2007

Tunay na Jologs

Anong sinabi ng mga umaamin na jologs sila dito?

Eto ang tunay na jologs, ehehehe….019.JPG

At eto pa. 020.JPG

At plis lang, di sa akin nag mana yang mga anak ko ha. Sa ama nila. Kasi kung tayo sa kape o sa kakao tayo nagsasawsaw ng pandesal, sila naman dito (di ko alam kung lahat sila, at least itong pamilya ng asawa ko) sa tsaa. Kung ano-ano lilulublob ng asawa ko sa tsaa nya basta cookies: kahit may tsokolate, may niyog, may asukal, may mani, hetsetera. Yucks! Di nga ako nakatiis, makatapos ng isang taong pagpapanggap ko e nagsawsaw din ako ng toast na pinahiran ng deri krim sa kakao ko, eheheeh!

Sabi nung asawa ko kadiri daw kasi may lumulutang na taba dun sa kakao ko, e sa kanya mas kadiri kasi kung ano-anong lumulutang sa tsaa nya; dipindi sa flavor ng cookies, hmp.

Kaya ang resulta, ang mga bulilit namin – anything goes. Tsaa o kakao, sawsaw din sila. Cookies man o toast na may palamang deri krim o minsan kahit nga may keso e. Sarap daw talaga e 😀

Isang hirit pa:

018.JPG Nakita nyo yan, bilog-bilog na tinapay. Punta kami ng mga bata sa bekeri kanina. Naku, ang bunso ko nakita agad yan. Tinuro dun sa tindera, ‘Ich will bola, bola!’ (Gusto ko ng bola-bola.) Haneps, akala naman nya maintindihan sya nung tindera. Muntik na ngang di kami pansinin nung tindera kasi biglang na mental block ako. Biglang nalimutan ko kung ano tawag dun sa bola-bolang yun sa Aleman, ahahaha… Sobrang natawa kasi ako e. Sempre, ginawa ko, tinuro ko na lang. Pero I cant resist saying, ‘bola-bola’ habang tinuturo ko ang mga bolang iyan 😀

Heka lang dun sa tips tungkol sa ATMs and credit cards ha. Madugong research ginagawa ko, kinarir ko e 😀 Bukas, pramis!

Advertisements

10 mga puna »

  1. I don’t think that’s being jologs – that’s being a PINOY eh diba?
    kengkay: tumpak ka rin dyan, K

    Komento ni K — Oktubre 18, 2007 @ 9:23 hapon | Sagutin

  2. bwahah! ang kukyut!
    kengkay: gawa ka na kasi e 😀

    Komento ni Jon Cabron — Oktubre 18, 2007 @ 11:42 hapon | Sagutin

  3. mas jologs ako jan. i used to mix one bar of Cloud 9 sa coffee. nyehe.
    kengkay: anong lasa nun? parang swissmiss yata, lagyan ko kaya ng chocolate ang tsaa ko, hehe

    Komento ni jp — Oktubre 19, 2007 @ 1:52 umaga | Sagutin

  4. ako naman, paborito ko yung saging na pinapatakan ng maggi seasoning! hehehe… the jologs will rule the earth 🙂
    kengkay: hmm, masubukan nga yan

    Komento ni taroogs — Oktubre 19, 2007 @ 2:45 umaga | Sagutin

  5. ang kyuttttttttttttttttttttt!
    kengkay: ehem 🙂

    Komento ni A Z R A E L — Oktubre 19, 2007 @ 4:18 umaga | Sagutin

  6. OC tawag jan sister hinuhugasan muna bago kainin wahehehehe..
    kengkay: ganun ba yun 😀

    Komento ni joanjoyce — Oktubre 19, 2007 @ 4:55 umaga | Sagutin

  7. pinoy na pinoy mga junakis mo kengkay… mula sa tabo, sawsaw sa kape at bola-bola… baka naman may arinola kayo sa ilalim ng kama… nyehehehe,
    kengkay: pssst selvi dear, secret lang to ha, meron kaming arinola pero wala sa ilalim ng kama kundi sa tabing kama, hahaha

    Komento ni Selvo — Oktubre 19, 2007 @ 12:10 hapon | Sagutin

  8. such cute little ones!!!!!
    kengkay: 😀

    Komento ni antuken — Oktubre 19, 2007 @ 12:30 hapon | Sagutin

  9. ok lang kahit na jologs. ang cute naman nila! 🙂
    kengkay: masarap maging jologs kapag kyut

    Komento ni alphasensei — Oktubre 19, 2007 @ 2:09 hapon | Sagutin

  10. hahahaha

    ate keng ganyan ako nung bata pa ako… sawsaw kape ang pandesal hahahaha…

    proud ako maging jologs!
    kengkay: bakit, ngayon di ka nag nagsasawsaw, hehe

    Komento ni Bluepanjeet — Oktubre 19, 2007 @ 11:54 hapon | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: