Kwentong Kengkay

Oktubre 19, 2007

Mga Lintek na Manyaaakkkk

Filed under: Dito sa Amin,Hmmp,Kwentong Bulilit,Kwentong Nanay,Pasaway — kengkay @ 6:07 hapon

Ewan ko ba kung bakit daming nagkalat na manyak ngayon. Itigil nyo na, pwede ba, hmp. At kung di nyo man mapigil, sana mahuli kayo at ang unang gawin sa inyo e putulin yang mga etits nyo ng walang anesthesia.

Di ko mapigil ang tulo ng luha ko habang sinusulat ko itong post na ito. Dito ko na lang ilabas, nahiya ako kasi baka di usong maki-iyak dito sa Oyropa. Pero di ko talaga mapigil luha ko e. Bakit naman kaya ganito ang drama ni Kengkay ngayon? Itanong nyo kay tintin. Sya kasi yung kumalabit sa akin sa YM kanina habang emote na emote si Kengkay e. Salamat talaga tintin ha.

Pero kung pilitin nyo ko, ikwento ko sa inyo. Sige na pilitin nyo ako. Ayan, medyo natawa na si Kengkay sa ka-kornihan nya. Hirap ng mag-isa lang sa bahay e, ikaw na rin ang aalo sa sarili mo.

Balik tayo sa mga manyakis sa mundo.

Kahapon mga bandang alas onse ng umaga, sa isang paaralan na malapit dito sa amin. Isang anim na taong batang babae ang nagekyus sa klase para pumunta sa toilet at mag jingle. Pagbukas nya ng toilet, ano ang tumambad sa kanya? Isang lalaking may maskara sa mukha. Haneeeep. Talagang nag prepare ang manyak na ito, may baong maskara!

Maraming version na ang kwento. May nagsabing nakahubad na daw ang lalaki at sinabihan din yung bata na mag-hubad; kaya lang may pumasok daw na isang batang babae rin. Na nung nakita nung manyak e tinabig ito; at biglang nagtatakbo.

Itong version na ito ang unang narinig ko nung hinatid ko ang mga bata sa kindergarten. Sempre na-shock ako. Kasi parang sa mga balita mo lang yan naririnig. Parang malayong mangyari yan dito sa aming baryo. Pero nung narinig ko kung sino yung batang babaeng unang nakaharap ng lintek na manyak na yon, naiyak sa galit si Kengkay. Biglang umuwi. Ang kaso mo madadaan ko yung eskwelahan kung saan nangyari ang insidente. Naku, lalong nang-gitgit si ako. Kasi dito mag-aaral ang panganay kong anak next year.

At dahil, parang anak-anakan ko dito sa Alemanya yung batang muntik ng ma-sexually molested. Yung batang yon e isa sa mga best friends nitong panganay kong anak. Kapitbahay namin. Isa sa mga parating kumakatok sa bahay, at nakikitelebabad sa anak ko. Isa sa mga nakikipila sa ice cream at sa french fries at sa newly baked cookies. Ah basta, mula nung maliit sya at ngayong nawalan ng dalawang ipen sa harapan, e kilala ko na sya. Nakakasakit ng ulo, arrgh.

Gusto kong tawagan ang nanay nya, pero anong naman sasabihin ko? Sorry sa mga nangyari? Di yata sapat yon. Atsaka mabuti nga at walang nangyari di ba? Tinawagan ko si Kengkoy. Kinuwento ko habang hagulgul na naman beauty ko. Sabi nya puntahan ko daw. Sabi ko atsaka na kapag ready na ako. E baka cool lang yung nanay nung bata tapos ito namang si Kengkay overacting. Masyado kasi akong affected kapag tungkol sa mga bulilit ang topic e. Samantalang dati e pinagtatawanan ko yung mga umiiyak sa sinehan, hayy…

Ang narinig ko, hindi nahuli yung lintek na manyakis. Kahit na ang bilis mag respond ng mga pulis. Pero kumusta kaya yung bata? Nung sinundo ko sa kindergarten ang mga little kengkays e nakita ko syang nakasakay sa kotse ng nanay nya at super laki ng ngiti at kaway kaway pa sya sa akin. Hmm, teka muna, parang namilikmata ako. Pero am happy na happy sya.

Ngayong gabi, tinulak ko ang asawa ko na puntahan yung kapitbahay namin para lang itanong kung okay na yung bata. Nakausap nya ang nanay. Ang version e ito: nagpunta mag-isa sa toilet para juminggle. Pagbukas ng pinto sa toilet e may mamang nakamaskara sa harap nya. Hindi sya nakasigaw. Pero dahil may narinig atang kung ano yung mama, e biglang nagtatakbo palabas. Yun lang. At wala ng iba.

Kung ano ang effect nun sa bata, di natin alam. Kasi busy pa rin sa laro. At happy girl pa rin sya. Baka sa panaginip lumabas daw. O kaya e kapag medyo malaki na sya e dun sya magkaron ng trauma. Hindi natin alam. Sana lang, I hope and pray, na ang pagiging bata nya e magamit nya para malimutan ang masamang panaginip na ito.

Hindi ko alam kung papano iku-kwento sa mga bata ito. Pero dapat kong ikwento para alam nila ang dapat nilang gawin… Yung eskwelahan, kasi dito walang security guards at hindi closed ang gates e. Tapos hindi rin naka-lock yung main entrances nila.

Kaya ang ginawa nila, and implemented na since today: Buddy system. Na kapag may pupunta ng toilet during class hours, dala-dalawa. Tapos lahat ng class rooms e may naka assigned na pito (whistle) na dadalhin ng mag-buddy sa toilet. Isa ang maiiwan sa labas, at nakabukas ang pinto. Sinabihan din ang mga bata na sumigaw ng malakas kapag may na-engkwentong strangers or mga manyak na aliens.

Itong aking anak-anakan, kasama ng ka-grupo nyang naglalakad araw-araw; ay may nakasabit ng necklace na kapag binatak mo e puputok. Pang agaw attention, just in case. Aside pa dun sa in big groups na sila magsasabay-sabay ngayon.

Ewan ko ba. Tapos narinig ko pa yung nangyari sa Glorietta. (I pray for those affected and their families. Have faith.)

Nakakasakit talaga ng ulo di ba? Pero I still believe that the world is a beautiful place.

Advertisements

19 mga puna »

  1. waaaaah! grabe naman yan ate kengks. 😦 buti nalang talaga at hindi natuluyang mapagsamantalahan ang bata. 😦 mamatay na ang mga manyak na yan!
    kengkay: pao, grabe talaga… imbierna to the nth degree

    Komento ni pao — Oktubre 19, 2007 @ 6:28 hapon | Sagutin

  2. kengkay, sis, hug kita. isa sa pinaka-worst fears ko ang child molesters at pedophiles. nung isang araw lang may nahuli silang lalaki na vinideotape yung pagmomolestya niya sa isang 2 year old na bata. umiiyak ako sa harap ng tv. 😦

    sana hindi naman ma-trauma yung bata sa nangyari. kung ano man yung nakatakot sa manyak para tumakbo, nagpapasalamat ako.

    babae rin ang anak ko kaya malaking-malaki ang takot ko para sa kanya. paano nga kaya natin sila matuturuan na protektahan nila ang kanilang mga sarili sa mga hayup na ganito?
    kengkay: salamat sa hug, feel na feel ko talaga, pramis. it helped a lot, meeya. did you hear about that pedopilya na nahuli sa bangkok? boys naman ang type nung lintek na yon…hayup talaga ano, hmp

    Komento ni Meeya — Oktubre 19, 2007 @ 6:30 hapon | Sagutin

  3. kawa naman yung bata, alam mo mami kengks feeling ko dala dala parin nung bata yung nangyari e. patawa tawa lang yun pero baka deep inside may takot pa rin isya diba? hay

    xiao!
    kengkay: the little girl is now here with us, playing with my daughters… normal sa labas, pero sa loob, i dont really know

    Komento ni brath — Oktubre 19, 2007 @ 6:41 hapon | Sagutin

  4. wahaat? Grabeh! mga walanghiyaaaaa! mami, alam mo ako, may experience ako sa mga manyakis na yan…mga 3 years ago sa loob ng bus, nakatulog kase ako tapos dun mismo sya sa tabi ko nag ano…ganun…sariling sikap…hayooop…sobrang traumatic, yung kaba ko ilang days yata bago napawi. Kaya takot ako tumabi sa lalakeng naka shorts sa bus. Haha

    buti na lang the kid is alright pero medyo mahirap makalimutan yung ganun…ako nga, tanda ko pa din yung mga kalokohan ko nun kindergarten ako eh.

    Ingat kayo jan! 🙂
    kengkay: hanu ba yun sa loob ng bus? wala man lang nakakita at binatukan yung manyak na yun…ingat ka din dyan

    Komento ni chuvaness — Oktubre 19, 2007 @ 7:53 hapon | Sagutin

  5. Hayy, grabe talaga ngayon ang dami ng manyak… Kawawa naman ang mga bata, kasi nga dahil sa bata eh sinasamantalahan. Marami na din akong experience sa mga ganyang tao at nakakatrauma talaga, kaya hanggang ngayong tumanda na ako takot pa din ako pag may naka-encounter ako na mukhang manyak. Sana lang di maapektuhan yung bata sa nangyari. Pray ko na mahuli yung panget na yun! 😉
    kengkay: ang nakakatakot, minsan kung sino yung hindi mukhang manyak e yun pa kamo ang lintek na manyak, ingat lang, misyel…

    Komento ni Misyel — Oktubre 19, 2007 @ 11:12 hapon | Sagutin

  6. bwaka ng ina mga yan, hindi pa putulan ng utin ng matigil… im sorry ate keng, there are 3 things that make me “swear” Child abuse, terrorist attacks and discrimination… If i will have a daughter, I will be more happy to enroll her in a Martial Arts class… sa yagballs agad ang sipa ng di na makapangrape ang mga lintek!!!!!!
    kengkay: alam mo, my girls tried judo classes, kaya ayaw nila kasi ang wild daw nung mga kasama nilang boys…though my husband and i are thinking we can encourage them a little later, again. they simply need this self defense for whatever purposes..

    Komento ni Bluepanjeet — Oktubre 19, 2007 @ 11:58 hapon | Sagutin

  7. Dapat patuwadin ang mga manyakis at pasukan ng langka (jackfruit) ang tumbong.
    kengkay: at putulin yung kanila, hmp

    Komento ni Gerry — Oktubre 20, 2007 @ 12:27 umaga | Sagutin

  8. susumpain ko yang mga pedophiles na yan…. may their peckers rot and fall on the floor while theyre taking a pee, and may a stone as big as mount rushmore block their bladder so that they will suffer from peeing..

    -the badbreath…
    kengkay: sana ganyan lang kabilis at magkatotoo ano. yung badbreath pa lang matakot na sila sa yo 😀

    Komento ni defpotec — Oktubre 20, 2007 @ 12:30 umaga | Sagutin

  9. Tama ka, kengks, Yung psychological stability ng bata ang mahalaga. pero palagay ko nagulat lang ‘yon at natakot ng konti. kaya maraming child molestations na nagtatagumpay eh kasi children are naturally trusting. Hindi sila kasing cautious natin. And they don’t have a clue what kind of harm ang magagawa ng mga putanginang manyakis na yan.
    kengkay: kaya nga we try to behave as normal as possible with her; walang big changes dahil kids would know agad if there’s something wrong. i really hope she’s not deeply affected

    Komento ni ella — Oktubre 20, 2007 @ 4:33 umaga | Sagutin

  10. There are many sick men (and women) out there. If there is a pedophile where you live, and you are not aware of it, it’s possible that this one has not been caught yet. Because as far as I know, generally the law dictates that known pedophiles, once released back into the community, should make their presence known to his neighbours. I think schools should also make sure that the kids are aware of what’s proper and what’s not and what they should do in case something like that incident confronts them. Maybe you could enrol your kids in a self-defense class for young people 😀

    So how are you feeling now? I hope you’re much better. By the way, I got the CD’s!!! Yay. Thank you so much and I shall return them to you next week before the start of my show.

    By the way, you’ve been tagged! Please go to Norwich Daily Photo to see the rules posted today, 20 October.

    Ingat,
    joy
    Your Love Coach

    kengkay: i feel better but still in shock, still cant believe such things could happen.. am glad you have the CDs, take your time. wag kang magmadali, am sure you are busy preparing for your show. am doing your tag, tenks!

    Komento ni joy — Oktubre 20, 2007 @ 9:46 umaga | Sagutin

  11. you reminded me of something… dito sa estados unidos, marami nang website ang ibinabalandra ang mga mukha nang mga child molesters. pucha, nong tiningnan ko, in fairness… (aaa.. sori ha? hhehehe) ang gagwapo nang mga tarantado eh ako tong naghahanap na molestyahin, eh bat mga bata pa? di ako payag na tanggalin ang mga itets nya ateng – chugi! CHUGGGIIIIII!!!!!
    kengkay: am sure, bakit kaya alam ko ng ganyan agad ang reaction mo, hehe humunos dili ka..

    Komento ni reyna elena — Oktubre 20, 2007 @ 10:54 umaga | Sagutin

  12. mula sa isang tatay ng pitong taong gulang na babae… putarages na balita nga to!
    lagi nating turuan ang mga bata na wag kakausap lalo na sasama sa mga hindi kakilala at laging maging alerto at matalino sa lahat ng pagkakataon..

    sana nga walang masamang epekto dun sa bata yung muntik ng mangyari, pero mukhang dapat pa rin patignan sa espesyalista yung bata.. tama ka baka kse sa ibang panahon matrigger yung trauma nya’
    kengkay: slowly but surely daw sabi nung nanay e… dahan dahan muna nilang sinusubaybayan ang bata. kasi masama din namang biglang mag change ang turing nung mga tao sa kanya di ba? kaya okay muna daw to continue as if nothing happened, although they are talking about it with the girl, pero within the family, which is a good thing, too

    Komento ni Jon Cabron — Oktubre 20, 2007 @ 1:17 hapon | Sagutin

  13. manyak di naman ako! di lang halata! lol!
    kengkay: yung mga hindi halata ang dapat iwasan.. kaya mag-ingat sila sa yo 🙂

    Komento ni eNocH — Oktubre 20, 2007 @ 2:53 hapon | Sagutin

  14. Definitely merong effect yun sa bata but i hope it will eventually subside when she grow up. Tama yung ginawa ni Papa kengkoy, at least pinakita nyo ang support nyo sa iyong friend. Malaking bagay yun. kahit di ka nakapagsalita at shock ka, she will understand. Ang importante, nakita nya ang inyong concern. It really matter a lot. I know they will appreciate you both.
    kengkay: thanks, lav, you are right about that. that girl’s mom visited us yesterday, too.

    Komento ni Lavern — Oktubre 20, 2007 @ 4:53 hapon | Sagutin

  15. […] Chuckie, dahil nais kong makita ang isang “see one, do one, teach one” ng isang ama. 2. Kengkay, na kailan lamang ay nagbibigay ng kaniyang sentimyento hinggil sa mga […]

    Pasa ni See One. Do One. Teach One. | Isagani Rx, MA — Oktubre 20, 2007 @ 9:19 hapon | Sagutin

  16. @ eNocH
    [quote] manyak di naman ako! di lang halata! lol! [/quote]
    watta gei..

    Komento ni Jon Cabron — Oktubre 21, 2007 @ 1:21 hapon | Sagutin

  17. ate kengk…you’re welcome…salamat din sa pakikinig…..and pagshe share….glad you were there too…..

    worried din ako para dun sa bata…malaking impact yun sa kanya e…sana magawan ng paraan to turn that traumatic event into something else para hindi nya dala dala hanggang paglaki nya…..

    i’ve had my share of traumatic experiences (yes, me manyakis din!), and these experiences left a big impact on me because I was not the type na nagsasalita about it….kaya til now dala dala ko pa rin…

    Kelangan mailabas whatever napi-feel nung bata…I’m no psychologist…but I feel that being able to express her frustrations and fears will be a very big help….kahit sa pagdrawing, painting, writing…..if she can’t talk, or anything basta makakapag-express sya.

    This I learned. Never suppress what you feel. In my case, if ganun, I might just explode na lang bigla….
    kengkay: hi tin, now you know people would also be there to listen to you 😀 tama ka, you need to express in whatever way you deem comfortable for you. that little girl stayed the whole day with us to play with my daughters yesterday, nothing extraordinary, they played make believe, staged a ballet recital for us, painted, watched tv, munched a lot, just like nothing happened. sabi nga nung hubby ko she might have kicked that experience out, pero we would never know di ba?

    Komento ni kristinesendy — Oktubre 21, 2007 @ 2:51 hapon | Sagutin

  18. […] sa Dubai Nadapa ako sa mismong wordpress.com at may nakapagbigay sa akin ng pansin na temang manyak na naman… Rape in Dubai from Here, There and Everywhere. Ganito na ba talagang […]

    Pasa ni Mga Manyak sa Dubai « — Nobyembre 2, 2007 @ 9:03 hapon | Sagutin

  19. oi
    bat nmn bawal ang manyak
    pede un
    paki mu
    bakla ka siguro
    peste ka lang
    wla cguro sayung
    masisilip
    inggit k lng

    kengkay:
    ai
    bakit hindi pagbawalan
    ang kamanyakan
    kung mga batang inosente
    ang pakikialaman
    may paki ako
    dahil nanay ako
    bakla man o tomboy
    walang karapatang
    lurayin ng manyak na yan
    kung ikaw walang paki
    kawawa naman
    ang mga inosenteng
    nakapaligid sa yo
    huwag sana
    kitang masilip na pagala gala
    kundi titirisin kitang
    parang kuto
    inggit ako
    kung papano ka
    nagkaron ng lakas ng loob
    na ipagtanggol
    ang mga manyak na yan
    tao ka ba o isang hayup
    na katulad nila?

    Komento ni michael — Enero 16, 2008 @ 9:39 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: