Kwentong Kengkay

Oktubre 22, 2007

Pasilip ng Iyong 8s

Filed under: Kaibigan,Tinag-a — kengkay @ 7:01 umaga

Ayan, na tag na naman si kengkay. Siguro nagawa ko na tong tag na to ng ilang beses, pero dahil parating iba ang thema ng mga binabato sa akin kahit na 8 randoms facts; sipag ko namang sumagot πŸ˜€ Kaya eto ulit… dahil si Pinoy Love Coach ang nag-tag sa akin…

These are the rules:

1. Link to your tagger and post these rules.
2. List eight (8) random facts about yourself.
3. Tag eight people at the end of your post and list their names (linking to them).
4. Let them know they’ve been tagged by leaving them a comment on their blogs.

Eto ang mga walong bagay na kumukutitap sa akin, mga bagay tungkol sa Pinas at sa pagiging Pinay:

1. Lumipas ang ilang minuto bago pumasok sa isip ko na ang tagalog sa eight o otso o acht e walo. Hmp, kaya naman gumawa na talaga ako ng blog na tagalog e πŸ˜€ Ayaw kong malimutan ang ating wika.

2. Malinamnam pa rin sa isip ko ang lutong at anghang ng chicharon; ang makatulo-laway na amoy at lasa ng barbecue sa kanto; at ang pulang hotdog (yan ang tawag nung mga anak ko sa pinoy hotdogs). Gusto ko ng tokneneng na may sawsaw na maanghang na suka. Yummmm…

3. Miss na miss ko na ang lasa ng Cali, sago at gulaman, buko juice at green mango πŸ˜€

4. Ipinagmamalaki ko ang mga tourist spots sa Pinas sa lahat ng makasalubong ko πŸ˜€ At dahan dahan kong iniikot ang pamilya ko sa buong Pinas…sabay sa hakbang ng aming naka tsinelas na mga paa.

5. Tuwing umaga pagkagising ay tunog Pinoy ang humaharana sa aming bahay; at sempre, musikang pinoy din ang naghehele sa aking mga anak sa pagtulog.

6. Ang aking wedding gown nung kinasal ako dito sa Alemanya ay proudly Philippine-made. Binili ko sya sa Rustan’s, dun sa may mismong Filipiniana corner nila. Ang ganda ganda ko, sabi nung asawa ko, hehe. At ang wedding attire nung aking asawa nung nag wedding weddingan kami sa Pinas ay barong tagalog, at sempre gwapo si Kengkoy. Kahit dito sinusuot nya ang barong tagalog na yon…at sempre, iba suot nya, sikat sya πŸ˜€

7. Dati kaming nakatira sa isang totoong bahay kubo sa gitna ng siyudad ng Pasay. May silong, may banggerahan; may hardin na puno ng punong saging, manga, santol, kaimito, may kangkungan atbp. Ang lutuan namin sa kusina ay gawa sa bato, meron syang paminggalan, walang palamigan.

8. Ang nais ko e makitang maginhawa ang Pilipinas; hindi dahil sa balak naming sa Pinas tumigil, kundi dahil mahal kong lubos lubos ang aking lupang sinilangan. Ako ang bagong Rizal, ang hindi lumingon sa pinanggalingan ay siguradong naliligaw ng landas πŸ˜€

So now I am tagging: YOU who’s reading this post right now, boooh πŸ™‚ Paki-kalabit ako kung tapos nyo na, okay? Salamat…

Advertisements

5 mga puna »

  1. wow, filipiniana pala ang tema ng iyong wedding, ate kengks. hehehe.
    kengkay: actually, yung damit ko lang filipiniana at sempre, si ako πŸ˜€ yung iba, oyropa na sya. pero mas lutang ang pinay, sempre, eherm.

    Komento ni pao — Oktubre 23, 2007 @ 7:05 hapon | Sagutin

  2. Wonderful! So does this mean your little angels are trilingual at the very least? πŸ˜€ Thanks for doing tag. Much appreciated. And thanks so much for sharing yourself. You want anything from Manila? I’m going home this December. πŸ™‚

    joy
    Your Love Coach
    kengkay: hi joy, the kids speak deutsch, bla-bla in english and make kulit in tagalog πŸ˜€ dont start asking me what i want from pinas now, ahahaha. na-shy ako bigla πŸ™‚ pero thanks for asking…

    Komento ni joy — Oktubre 23, 2007 @ 9:47 hapon | Sagutin

  3. […] katotohanan naman daw tungkol kay Kengkay. Nung isang araw ang magic eight naman ang sinigaw ko, ngayon bawas lang ng […]

    Pasa ni Pito-pito « — Oktubre 26, 2007 @ 7:19 hapon | Sagutin

  4. […] pero eto kasi yung dating sagot ko sa random eight ko. […]

    Pasa ni at kapag may darating na bisita? « Kwentong Kengkay — Nobyembre 15, 2008 @ 8:28 umaga | Sagutin

  5. grabe sis, madalas ka na pala ma-tag….hehehe…peace! πŸ˜€

    Komento ni Snow — Nobyembre 17, 2008 @ 5:08 hapon | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: