Kwentong Kengkay

Oktubre 26, 2007

Pito-pito

Filed under: Ano Nga Ulit Yon?,Kaibigan,Tinag-a — kengkay @ 7:19 hapon

Ayan, kasi kung saan-saang sulok napapadpad si Kengkay, na-tag tuloy ulit. Ang salarin naman ngayon e si kotsengkuba.

(Actually na tag din ako ni K, pero iba yung version nya ng pito-pito. Naglilista pa ako e. Pramis, gagawin ko yon.)

May sikreto siya, eto bulong ko sa inyo:

After 79 days of blogging (18 from wordpress.com and 2 months on this site) I got finally infected with this highly contagious viral encapsulated idea with built-in feedback loop, called meme.

Ayan, kaya alam nyo na kung sino ang ililista sa sunod na tag ha, ahahaha! Keep him busy, mga alagad πŸ˜€

Pitong katotohanan naman daw tungkol kay Kengkay. Nung isang araw ang magic eight naman ang sinigaw ko, ngayon bawas lang ng isa.

Okay! Redi, set, go:

1. Nung heyskul ako sabi ko gusto kong maging isang Electronics Communications Engineer. Mapua pa talaga ang target ko. Nyek, nung testingan na, nangamote ako. Tanggal ang Electronics at Engineer sa kurso ko, naging Communications na lang sa pamamagitan ng pagsusulat. Malay ko bang ganon talaga ako ka-bobski sa matematiks, hmp!

2. Late 90s lang ako nagsimulang talagang kumain ng gulay. Dati kahit na piping-pipi na ng nanay ko ang kamatis o sibuyas o yung kahit na yung mga maninipis na karots sa pansit e talagang tatanggalin ko yan pa-isa-isa. Hahalungkatin ko talaga sila at itatabi. Hindi sila madadapuan ng aking mga labi. Pero nung naligaw ako sa Bangkok at napaupo sa mga karinderiya sa bangketa; at lalo na nung lumipad ako dito sa Oyropa at meron kaming sariling gulayan — masarap pala sila. Gulay, gulay, gulay — sila ay makulay πŸ˜€

3. Dati ang galing kong tumula, pa-inglis-inglis pa ako; ngayon eto na lang naiwan sa akin:

Ako’y tutula, mahabang-mahaba
Ako’y uupo, tapos na po πŸ˜€

Ayan, sarap ilabas. Ilang araw ng paulit-ulit sa tenga ko yan. Salamat sa pagkakataon.

4. Gusto kong panoorin concert nina Sting, Rod Stewart, Phil Collins, Bon Jovi, at kung ano pang singers at band na mapadpad dito sa Alemanya. Kaya lang itong si Kengkoy takot iwan ang mga bubwit namin mag-isa, kahit na sa mga lolo at lola nila o kaya e sa kanyang kapatid. Pramis nya saka na raw, kapag malaki na mga bata. Nakow, si Rod Stewart wala ng totoong ngipin nun… Balik na lang ako kay Regine V at Aiza Seguerra.

5. I love Chicken Soup for the Soul Books. Meron akong sandamukal na koleksyones nito. Paulit-ulit ko silang binabasa at paulit-ulit din akong nakikitawa, nakiki-iyak at nakiki-feeling.. lahat halos nung books ko na ito e binili ko sa mga second hands bookstores o kaya sa amazon marketplace, second hand din sempre.

6. Pinakamasap na tambayan ko, kapag ako ay nag-iisa, ay second hand bookstores. Kahit na magdamagin ako sa isang sulok, happy ako.

7. Almost 20 years akong nagtiyagang magsulat sa aking Dear Diary, araw-araw yon. Natigil lang sya dahil natagpuan ko ang blogging. Masayang malungkot πŸ˜€ 😦

O ayan, ang aking pito-pito! I tag ko nga si jeangr3y, kath, maru, at def

Advertisements

16 mga puna »

  1. sama ako sa iyo sa pagtambay sa secondhand bookstores, ha? like ko rin yan eh. πŸ™‚ uy alam mo ba napanood ko na ng live si bon jovi sa pinas, nagka-stampede pa nga, haha! pstt, yung asawa ko grad ng ECE sa Mapua, ang yabang nun palibhasa magaling siya sa math. hmp!
    kengkay: ehehe, tambay tayo, sige. buti ka pa napanood mo si bon jovi, waaah. huy, talaga ang asawa mo e ECE at Mapua pa.. idol na kita πŸ˜€

    Komento ni Meeya — Oktubre 26, 2007 @ 7:32 hapon | Sagutin

  2. apir tayo kengs! nangangamote din ako pagdating jan sa bilangan na yan kaya pagiging Sirachotic na lang aking pinagkaabalahan. Tutal yan naman talaga aking natural,hehehe

    Pers impresyon ko doon sa sexy pic nakita ko doon sa kabila mong e-haus,sabi ko siguro ito vegetarian,nyahaha Bago ka lang pala nakain ng gulay.lol

    lamig na noh?!hanu ba yan? nangangatug mga panga ko! sarap sumigaw ibalik nyo ako sa pilipinas!!!!
    kengkay: apir talaga tayo cheh! buti kamo asawa ko nakahilera sa mga mahilig sa numero, hehe. kaya siya taya kapag tax payment na, nyahaha. huh, akala ko gulay girl ako? ganun lang hitsura ko kasi naman more than 2 years akong nag breastfeed ano :), wag mo na itanong ngayon, hehe

    Komento ni cheh — Oktubre 26, 2007 @ 8:30 hapon | Sagutin

  3. mami kengks! parehas tayong hinahalukay ang pansit wag lang makin ang mga gulay nyahahahhaa

    xiao!
    kengkay: natawa ako nung nabasa ko to, akala ko sa lahi lang namin ganyan, hahaha

    Komento ni brath — Oktubre 26, 2007 @ 11:02 hapon | Sagutin

  4. ate kengks pasyalan ko din ang bookstore. πŸ™‚

    teka.. bakit hindi din ako kasali dito?! amp! buti na lang.. πŸ˜†
    kengkay: sarap talaga tumambay sa bookstore di ba? kaya ka di nakasali kasi dun ka sa isang version mata-tag, ahaha…

    Komento ni jojie — Oktubre 27, 2007 @ 3:45 umaga | Sagutin

  5. ako, hate ko rin ang gulay. pamula bata ako hanggang siguro mga 2 years ago eh ang gulay lang na kinakain ko e kalabasa, munggo, patani, paayap at carrots. anything green I HATE. the only green thing i eat ata eh manggang hilaw. hehe. nang makilala ko si boyf ko, unti-unti na ko natututo kumain ng gulay. iniisip ko na rin kse ang future ko. pano na pag nag-bebi ako, san ako kukuha ng sustansya na kakailanganin nya.

    i love spending time at bookstores also. mapa-second hand bookstore o yung regular lang. nasabi ko na nga minsan na pwede ako ikulong sa page one ng 25 years (basta may food supply). i love reading!
    kengkay: ano ang paayap? di ko yata alam yon, huh. ako ngayon labs ko na ang green green grass, hehe. alam mo, tama ka, nagsimula talaga akong manginain ng gulay nung nabuntis si ako. tama ka sa ginagawa mo πŸ˜€ alam mo kung bakit mas gusto ko ang second hand bookstores? kasi mas type ko yung amoy nung lumang libro at parang may history lalo kapag pinagpasa-pasahan na yung libro ba…minsan may nakaipit pang pictures o resibo o kung ano pang anik anik nung dating may-ari ba.

    Komento ni antuken — Oktubre 27, 2007 @ 3:45 umaga | Sagutin

  6. ako tambay rin ng mga bookstore.. nakikisilip lang ng mga libro.. mahirap talaga pag walang pambili.. nakakafrustrate lang kasi yung ibang libro naka plastik.. puro yung likuran lang tuloy ang nababasa ko..

    πŸ˜‰

    isa akong ECE student.. he he he.. malayo ang communications field dito kung ang communications lang ang pagbabasehan mo.. πŸ˜‰
    kengkay: kaya nga mas masarap sa second hand bookstores, kasi lahat ng libro bukas na. atsaka mas mura, pwede pang tumawad, ehehe. uy, ECE ka, idol din πŸ˜€

    Komento ni kingdaddyrich — Oktubre 27, 2007 @ 5:17 umaga | Sagutin

  7. pareho tyo kengks ang tumambay sa mga bookstores yan din kase libangan ko e, db sarap mag basa? love ko din ang gulay.. nagutom bigla ako tuloy.. πŸ™‚
    kengkay: sarap talaga mag-basa, at sarap talaga ng gulay, mabuti na lang na diskubre ako sya. pero radish di ko pa rin matake, ugh.

    Komento ni dhez — Oktubre 27, 2007 @ 5:21 umaga | Sagutin

  8. pagdating sa pagtambay sa bookstore eh pareho tayo. pag napupunta ako ng manila, powerbooks ang peborit ko puntahan para sumalampak sa isang sulok dun. buti na lang talaga at pwede makibasa ng libre dun. hirap din kasi ng walang pambili eh.

    salamat sa tag, keng. pero utang lang muna kasi mag iisip pa ang iyong lingkod ng mga pito-pito tungkol sa sarili.
    kengkay: alam mo di ako sanay umupo dun sa mga sosyal na bookstores na yon, baka may dumating na waitress at kailangang mag order ng kape. takot akong madumihan yung librong hawak ko. kaya nga second hand bookstores kasi pwede sumalampak sa sahig at di mo na kailangang ingatan ng todo ang paghawak sa mga libro.

    Komento ni MARU — Oktubre 27, 2007 @ 7:16 umaga | Sagutin

  9. sabi naman kase sa kanta “ang gulay masarap pala kapag sinabawan na sya” LOL πŸ˜€

    ‘yung classmate ko ng college ayaw din ng gulay, minsan naggawa kami ng burger-burgeran nagulat ako at biglang nagpanic iluwa yung kinakain. nun pala nalasahan ang pipino. LOL!

    sa mga libro, mas gusto ko basahin ang mga bob ong books kase narerelax ang ulo ko sa pag-ingles. nanalo ako ng twisted travels ni jessica zafra ayun di ko parin nababasa. nung college ako ang kinahumalingan ko e si luwalhati bautista. dami kong books nun kaso nawala sa mga linsyak na manghihiram.

    try mo din yung mga books ni albom, mga 5 people you meet in heaven tsaka one more day.
    kengkay: huy, tenks for the tips. ang meron ako e yung pugad baboy series, hehe. hanapin ko nga rin si bob ong, marami din akong jessica zafra pero asa hiraman na lahat at si luwalhati bautista, arrgh, i love her books. isa pa lang ang nabasa ko kay albom yung 5 people…; dami ko ring collection nung kay patricia cornwell, james patterson, david baldacci, etc pero yung collection ko kay stephen king na benta ko na sa eBay, hehe…

    Komento ni kotsengkuba — Oktubre 27, 2007 @ 8:15 umaga | Sagutin

  10. Anak ka ng pitong kuba, di ka kumakain ng gulay? Ang gulay ay tama para sa mga bata, kapag tulad ng edad natin ngayon, “caesar salad na lang”. pero peborit kong gulay ay “kangkong”. kahit toyo at datu puti lang ang lasa ayos na!

    Diba yung pito-pito gulay yun? O gamit ng albularyo?
    kengkay: ay, napagalitan ako ni K, hehe. nuon pa po yun, ngayon kumakain na ako ng damo πŸ˜€ teka muna, nung maliit pa ako peborit ko rin yung adobong kangkong. yun lang ang talagang gulay na nakapasok sa lalamunan ko, ehehe.. fave ko ang caesar’s salad pero masarap sya sa pinas talaga. tama ka, yung pito pito e mga herbs na pinasikat ni ernie baron πŸ˜€

    Komento ni K — Oktubre 27, 2007 @ 9:36 umaga | Sagutin

  11. parehas tau ate kengks pero ako till now di pa rin kumakain ng gulay at hinahalukay ko rin ang pagkain ko,,,ay kumakain pala ako ng laing….waaaaaaa na tag ako…salamat
    kengkay: buti ka kumakain ng laing, subukan ko nga yan pag uwi ko ng pinas. pagkatapos mong pahirin ang luha e i post mo agad sagot mo ha, hehe

    Komento ni katherine — Oktubre 27, 2007 @ 10:05 umaga | Sagutin

  12. mahilig din ako sa secondhand books, kahit di na malutong ay the same pa rin naman ang laman at karamihan naman sa binebenta ng 2nd hand books ngayon ang gaganda pa ng itsura at di hamak na mas mura. ako naman kumakain ng gulay, kaso di ko pa masyado gets ang hilaw na gulay. masyado kasing pang working lass ang taste ko. yan ang pinakamatagal kong masakyan sa mga gusto ng jowa ko pero unti-unti ko rin namang nagugustuhan
    kengkay: huy, saan ka nakakakuha ng second hand books na malutong pa? dati sa national bookstore cubao, dun ako parati nakakabili ng hardbound for less than 100 pesoses. bulong mo naman sa akin, plis. ako naman e feel ko ang hilaw na gulay, at yung may dip sempre. salad, yan ang unang natutunan kong namnamin.

    Komento ni S3lv0 — Oktubre 27, 2007 @ 11:45 umaga | Sagutin

  13. kengkay, paayap = para syang sitao pero mas green at maigsi lang sya. i love the smell of old books rin. kaya nung estudyante pa lang ako eh gustong-gusto ko tumambay sa library.
    kengkay: siya ba yung bitswelas na tawag? yung kasama sa chop suey? teka, sagutin mo ko; kasing galing mo ba si kuya mo mag-luto o mas magaling ka πŸ˜€ sa UST merong rare books section, yung lumang lumang libro an tipong wala ng nagbabasa ng mga ilang libong taon na nakaraan. paminsan-minsan nung college ako e naghahanap ako ng libro na meron dun para lang tumambay dun, kaya lang di ako makatagal esp kung mag-isa ako. kasi andun sya sa ibang panig ng building na walang ibang tao kundi ikaw lang talaga e, nyayyyy…

    Komento ni antuken — Oktubre 28, 2007 @ 2:46 hapon | Sagutin

  14. […] ni Kengkay: i-tsika ko raw ang kahit ano tungkol sa sarili basta may koneksyon sa siete, seven, o […]

    Pasa ni Siete Chuva Chenes | M A R U I S M — Oktubre 30, 2007 @ 7:36 umaga | Sagutin

  15. bukan mo din basahin mga nakakatuwang power books ni matthew andrews kengks. lalo na yung “follow your heart” heart warming din at inspiring.
    kengkay: sige, hanapin ko nga yang si andrews…bukas punta ako ng bookstore. tenks sa tip.

    Komento ni sawn — Oktubre 31, 2007 @ 12:43 hapon | Sagutin

  16. crush ko si bon jovi heheheh… pag malaki na ang mga little kengkays, baka sina rod stewart at bon jovi nga ay uugod-ugod na heheheh…
    kengkay: uy crush ko rin si bon jovi lalo na yung napunta sya sa ally mcbeal ,ahahaha

    Komento ni Rhapsody — Enero 21, 2008 @ 3:55 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: