Kwentong Kengkay

Oktubre 29, 2007

Do u want to know 7 secrets?

Filed under: Ano Nga Ulit Yon?,Kaibigan,Tinag-a — kengkay @ 3:30 hapon

Sikret to ha pero pwede nyong basahin. Galing ang tag na ito kay K. Tanong nya sa akin kung sino ba daw ang pitong bloggers who, despite and others all, continue to inspire me, who gives me joy with a cherry on top.

Mahirap pag-isipan itong tag na ito, bumibisita kasi ako sa mga ibat ibang blogs depende sa mood ko, depende sa nakikita ko, depende sa oras ko, depende sa mga anak at asawa ko at depende sa naaamoy ko πŸ˜€ Pero mahirap man, if there’s a will, there’s a way, de vah? Itong listahan ko ngayon ay dahil sa feel ko lang sya, dahil siya ang nangunguna sa mga kumikili sa aking utak sa mga ilang araw nanakaraan, at dahil gusto ko ng ilabas itong secret na ito, chuva…

1. Dahil ako ay isang nanay at dahil ako ay isang tunay na Pinay, araw-araw kong binibisita itong kapamilya at kapusong blog na ito. Utang ko sa mga nanay na andito ang pagkakaron ko ng lakas ng loob na mag-blog. Dahil nung una kong mabasa ito ay bigla kong naramdaman na di pala ako nag-iisa. At ang maganda pa ron, pwede ko rin silang kwentuhan. Balitaktan. Paliran ng kuro-kuro. Dami kong natutunan, dami kong nakilala. Naging mas masaya ang mundo ko dahil sa pagka-diskubre ko sa blog na ito.

2. Hindi ko alam kung pano bumulaga itong blog na ito sa akin. Basta na lang bumulagta sya sa harap ko. At napansin kong nakakabaliw ang mga chika nya na tungkol sa Pinas, tungkol sa samut saring may katuturan, tungkol sa listahang may pasaring ‘bato-bato sa langit, tamaan wag magalit’ ; kahit na mga ilang araw ko ring pinag-isipa kung ano talaga ang kanyang kasarian. Ito ang blog na parating may ngiti sa aking mga labi kapag natatapik ko sya.

3. May pagka-loyalista rin ako, ng konti lang naman. Okay, sobrang loyalista ko. Itong blog na ito di ko pwedeng di bisitahin sa isang araw. Kasi sya ang unang kumalabit sa akin dito sa wordpress. Akala ko mag-iisa ang beauty ko dito, yun pala dalawa kaming beauties dito. Bilib ako sa kanyang mga hirit, tumba parati ako sa mga sex sense of humor nya. Hindi nya ikinahihiya ang kanyang pagkababae. Ah basta. Bilib ako sa kanya.

4. Sabi ko di ba loyalista ako? Isang blog na ito ang daan din ako ng daan. Kasi tinulungan nya ako sa pagkutingting ng isang bagay na talagang di ko kayang gawin dahil ako ay isang techno bobski-beauty. Kahit na hindi kami magkakilala, andun sya to lend a helping hand. At success naman ang pagtitiyaga nya sa akin. Ang tagal nga bago ko ulit nahanap yung blog nya, kasi nung oras na yon e di rin ako marunong gumawa ng blogroll (toink!). Ngayong natagpuan ko na ulit sya, wala akong sawang maki-daan at maki-chika sa blog nya. Kahit pa ngayon ko lang sya nakikilala ng pa-konti-konti. Basta ang alam ko, he got me with his help. At malaman ang blog nya, may tugtugan pa πŸ˜€

5. Ewan ko ba dito sa lalaking ito, parang may magnet na kailangang bisitahin ko sya araw-araw. Para bang kapag di ko sya bisitahin e mawawala sya sa deretsong landas, samantalagang matagal na namang sa liko-likong landas na ang napili nya, hehe. Wala lang, kasi may emphaty akong nakukuha sa mga nilalabas nyang mga himutok. Parang ako ba yung naglalabas ng landi, ang nagbabasag ng plato dahil sa init ng ulo, ang tumatalak dahil sa ka eng-engan ng mundo. Tapos gustong gusto ko rin yung may kinalaman sya sa musika, kahit na di ako marunong i-angat ang mga ito πŸ˜€

6. Dito ako sa blog na ito medyo gulat na gulat. Kasi hindi ko akalain na ganun sya kalalim, na ganun sya kagaling, na pwede syang maging ordinaryong proud tatay at loving husband. Meron syang matatag na paniniwala, at he’s married to his bestfriend. Na isa pala syang totoong tao, na pwede mo syang maging kalapat-palad, kaututong-dila, ka-kalabitan, kakulitan — kahit na nung dati e parang di mo sya ma-abot. Dahil sa kanya ay talagang nag-iba ang tingin ko sa mga taong asa puting tabing. O baka naman iba lang talaga sya? Kahit na ano pa man sya, idol ko talaga sya.

7. Eto naman ang isang blog na nuon ko pa pasulpot-sulpot na dinaraanan. Basta lang minsan e pagkita ko, sya na naman yung na-click ko. Pero dahil nga dun sa isang blog ko e walang blogroll, hindi ko sya mahagilap minsan. Pero sa pamamagitan nitong wordpress e finally, na-i-link ko na rin sya. Hayyzz, sarap ng pakiramdam na pwede kong bisitahin ang mga kwento nya habang wala sya sa Pinas, at pwede akong maki-relate sa mga programa nyang may kinalaman sa isang eskwelang pareho naming naging galawan.

Arrgh, ang hirap nitong tag na ito. Talagang pinag-isip ako. Ang listahan ng mga susunod na dapat mag-isip ay sina: Joy, Jojie, Chuckster, Ambo at Brath!

Advertisements

16 mga puna »

  1. tagalog chenes at its finest! hahaha. nakakaaliw ka mag entry ng tagalog mami. ay yung number 6 mami, i agree. kaya pagnakita ko yan sa personal, magpapa autograph talaga ako. hahaha
    kengkay: alam mo ngayon medyo mas madali na magtagalog. am proud of myself, hehe. about number 6, maghuminahos ka πŸ˜€ pero ako din, di lang autoraph, piktur, piktur!

    Komento ni chuvaness — Oktubre 29, 2007 @ 7:00 hapon | Sagutin

  2. Sila yung taong nagbibibay aliw sa pag bo-blog mo kaya kung wala sila, wala ka ring meme na ganito.

    Buti na lang…
    kengkay: sinabi mo K, kung wala sila, wala rin akong masasabi! kaya tenk yu tu ol πŸ˜€

    Komento ni K — Oktubre 29, 2007 @ 8:26 hapon | Sagutin

  3. ang galing ng pagkasulat mommy kengks hehehe straight na straight ang pagka Filipino.. di ko lang alam kung may slizen houten na ikaw na slang pag nagsalita minsan lang kita narinig at pinagtripan mo pa ako ng di ako nakakaganti. natutuwa talaga ako ng sobra kapag nakakabasa ako ng ganyang sulat sa Filipino.
    kengkay: alam mo di lang ikaw natuwa, ako din natuwa na medyo gumanda na ang tagalog ko, di na hilong talilong, hahaha. kaya pag kausap ko minsan asawa ko tagalog na rin, nyee

    Komento ni S3lv0 — Oktubre 30, 2007 @ 12:07 umaga | Sagutin

  4. ate kengks, hayaan mo muna akong bumwelo hinggil sa tag na ito. πŸ˜‰
    kengkay: sige jojie, walang deadline yan. kalabitin mo ko pag tapos mo na ha.

    Komento ni jojie — Oktubre 30, 2007 @ 3:57 umaga | Sagutin

  5. Amg hirap nga talaga ng tag na to. Apat na kayong nagtag sakin nito waaahhh…Give me more time Mommy kengks ha. I’ll do it, i’ll do it!
    kengkay: oo nga, nabasa ko na nga natabunan ka na ng tag na ito e, ibig bang sabihin 4 x 7 ang gagawin mo, hahaha

    Komento ni Lavern — Oktubre 30, 2007 @ 6:16 umaga | Sagutin

  6. ang hirap naman hulaan ng mga ‘to.. kala ko hindi lang lumalabas sa browser ko yung mga link kung sinong blog ang tinutukoy e wala naman pala talagang link LOL πŸ˜€ isa lang ang nahulaan ko pero tulad sa kasarian nya na ilang buwan din ata akong nalito, di ko sigurado kung sya nga ang tinutukoy LOL πŸ˜›
    kengkay: tumpak ka dun sa hula mo πŸ˜€ galing ha, kasi tambay ka rin dun e, hahaha

    Komento ni Kotsengkuba — Oktubre 30, 2007 @ 6:21 umaga | Sagutin

  7. blind item galore naman ngayon. πŸ˜€ konti lang ang nahuhulaan ko a. mahina na yata ako makiramdam.
    kengkay: nangapa ka ba, mamaru? next time charade naman, hahaha

    Komento ni MARU — Oktubre 30, 2007 @ 9:44 umaga | Sagutin

  8. Talaga yan so K! nagbibigay rin pala yan sa iyo ng sakit ng ulo hahaha

    Bat alang links ng mga ebahay ng mga naka inspire sa iyo mami kengs? ay secret nga pala! πŸ™‚
    kengkay: sikret hanu ka ba, pero kung pilitin mo ko, ibulong ko sa yo πŸ˜€

    Komento ni cheh — Oktubre 30, 2007 @ 12:58 hapon | Sagutin

  9. ang hirap talagang gumawa ng meme ..naku nakita ko s cheh me utang pala ako dyan di..di ako makatulog lol!
    kengkay: hehe, mahirap na magtago ano? minsan nasusundan ka ng nag tag sa yo e πŸ˜€

    Komento ni nalen — Oktubre 30, 2007 @ 10:54 hapon | Sagutin

  10. naku kakagawa ko pa lang ng meme na ito. ang hirap sumulat ng “dedication” kung hindi mo naman masabi ang pangalan ng nais mong parangalan. kailangan bigyan ng hustisya ang dedication dahil kung hindi parang magiging generic thank you lang siya, hehe.

    hindi ko kilala yung mga nasa anonymous mo (kaya nga anonymous di ba? toinks) pero sigurado akong tumaba ang kanilang mga puso sa mga binitiwan mong magagandang salita. πŸ™‚
    kengkay: sana nakilala nila kung sino sila πŸ˜€ ako dalawa kilala ko dun sa listahan mo…

    Komento ni Meeya — Oktubre 30, 2007 @ 11:02 hapon | Sagutin

  11. Namber wan ba PMN? Yehey! πŸ™‚
    kengkay: korek ka dyan πŸ˜€

    Komento ni MegaMom — Oktubre 31, 2007 @ 12:07 umaga | Sagutin

  12. Parang ako. Visitor ng sarili kong blog. araw araw. LOl
    kengkay: alam mo…pareho tayo..

    Komento ni isagani x, m.a. — Oktubre 31, 2007 @ 12:59 umaga | Sagutin

  13. […] nagpakilala na si Reynz at nabasa ko na kahit hirap na hirap si kengkay sa pagsagot ng meme e ginawa pa rin nya yun e kinailangan ko na ring ipost itong long overdue na […]

    Pasa ni abakada: blagista | Ang Mukha Sa Likod ng Abakada:Blagista Ngayong Halloween — Oktubre 31, 2007 @ 1:39 umaga | Sagutin

  14. mahirap mag guess. at alin man dun di talaga ako nag fit. waaaah!
    kengkay: pilitin mong mabuti, am sure mag fit ka rin, hehehe

    Komento ni sawn — Oktubre 31, 2007 @ 12:28 hapon | Sagutin

  15. asus hindi no kengz. ilang beses na ko balik ng balik dito sa isang araw lol!
    kengkay: ganun, hahahaha… mabutete naman

    Komento ni manilenya — Oktubre 31, 2007 @ 11:14 hapon | Sagutin

  16. […] For today, it will be Seven Bloggers That Continue To Inspire Me (inspired by Racgold) […]

    Pasa ni Seven Things — Nobyembre 16, 2007 @ 1:10 hapon | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: