Kwentong Kengkay

Oktubre 31, 2007

Tungkol sa Undas

Filed under: Duon sa Amin,Magaling ang Pinoy,Maganda ang Pinas — kengkay @ 2:25 hapon

Oo nga naman, meron nga pala tayong undas as Pinas. Kundi ko pa pinasyalan si Kiko, nawaglit na sya sa aking isipan. Masyado akong natutok sa Halloween samantalang hiram lang naman ang tradisyon na iyan sa mga naligaw na Amerikano nung unang panahon.

Ang Halloween e di naman talaga sineselebrate sa buong bansa. Aba kausap ko nga si Selvo kanina at nung Linggo pa daw tapos ang trick or treat sa baryo nila at nagtago daw sya. Huh? Ako pa kamo ang nalito, kasi di ba huling araw ng Oktubre ang Halloween? Mabilis talaga ang mga Pinoy basta selebrasyon ang pag-uusapan. Alala ko pa nung bata pa ako, pumupunta kami sa Magallanes Village para mag trick or treat, ipupuslit kami sa gwardya nung mga pinsan kong yaya ng mga inglis speaking na bata. Akala naman di halatang batang yagit kami, kasi kami lang ang di naka-costume sa mga nakiki-trick or treat, hehe! Yung mga pinsan ko na yon e asa Amerika na rin. Inampon nung mga ngayon e mama at ale para maging yaya naman ng mga anak nila ngayon. Oops, mabalik tayo sa usapang undas.

img_0247.jpgUndas ang tawag sa reunion na ginagawa ng buong pamilya, kasama pati ang mga yumao na sa buhay, kapag unang araw ng Nobyembre. At dahil isang taong nananahimik ang mga kaluluwa, ganun naman ang kabaligtaran kapag araw ng mga patay (undas nga). Maingay at masaya: may kantahan, may inuman at kainan, may tong-its, may mahjong, may suntukan at pikunan pa nga minsan e.

May mga pinsan akong iglesia ni kristo, sempre hindi uso sa kanila ang ganito. Sa mga katoliko lang yata ang tradisyong ito e; pero teka muna, ang mga Instik din pala ay ganito rin mag-celebrate, mas marami nga lang silang pagkain at mga anik-anik. Kung asa Pinas ako, ngayong gabi pa lang ay nagkakagulo na sa bahay namin sa prepasyon para sa undas. Lutuan, empake ng mga gamit na dadalhin, at ang mga bata ay di na makatulog sa sobrang excitement. Tapos alas 5 pa lang ng umaga ay pilahan na sa banyo kasi dapat bago mag alas sais e on the road na kami patungong Manila Memorial Park. Kung saan magtirik ng kandila, mag-dasal at pagkatapos e kanya-kanyang gimik na. Ang hilig kong gawin, pagkatapos mabusog ang tyan ko; ay magpakyut naman. Actually, iikutin namin ang parke at baka sakaling makakita kami ng artista, ehehe.

Mga alas dos ng hapon e uuwi na kami, kasi may kapalit nang magbabantay o sa madaling sabi ay may iba namang makikigulo. Pag-uwi sa bahay e antay na kami ng mga kapitbahay kasi sabay sabay naman kaming maglalakad papunta sa sementeryo sa Pasay. Duon naman kami makikisiksik. Matatapakan ang mga paa. Mamatayan ng mga kuko. Mawawalan ng isang pares ng tsinelas. Pero masaya dun kasi mas magulo, ingat nga lang at baka magkapalitan ng mukha.

Hate ko lang kapag umulan, kasi ang putekkkk. Arrgh. Sira ang porma ko. Dun ko pa naman nakikita ang silay ko. Crash ko ba sya nung elementary kami, klasmeyt ko. At tuwing undas lang kami ulit nagkikita, pasulyap pa. Kasi di sya pwedeng makarating sa libingan nung kamag-anak nya kung di sya maki-raan makisampa sa libingan ng lola ko. Ang sweet ano? Kaya di ako manalo sa palakihan ng wax dahil parati n lang akong di maka concentrate at ayaw kong makapuslit sya sa aking paningin.

Sa tingin nyo kaya kapag naki-undas ako sa mga sunod na taon, magkikita pa rin kami nung aking silay? Hmp, umasa pa si kengkay. Pero masarap i-kwento itong aking love affair sa mga anak ko sa mga susunod na taon. Ano kaya sasabihin nila?

Advertisements

15 mga puna »

  1. trick or treat!!!!! meyron ka rin kendi sa mga bata? sa mga batang isip ba? hehe

    ayy tama ka nga kengs re: TH dafat lang i promote pinas.May budget kaya para sa atin kung tayo mag promote ?ngehehe
    kengkay: antayin ba kita dito, hehe. meron akong lollipop for you. am sure meron tayong makukuhang estatwa kapag nag promote tayo ng pinas..

    Komento ni cheh — Oktubre 31, 2007 @ 4:13 hapon | Sagutin

  2. sasabihin nila kerengkeng ang nanay nila, hehe!

    ganyan din kami pag undas, OA sa pagka-prepared. nakakamiss din, boring ang undas abroad. πŸ˜›
    kengkay: hay meeya, buti na lang at di ako nag iisa… ops, humanap pa ng kasama. iba talaga ang paraan ng celebration sa pinas e.

    Komento ni Meeya — Oktubre 31, 2007 @ 4:14 hapon | Sagutin

  3. Parang napipiktyur ko ang undas sa may pasay, dami kasi tao dun eh… Malamang kung di pa nagabroad si silay mo eh masilayan mo pa din, hehee… Ako din kapag undas na at papunta kami ng tarlac masaya ako kasi nandun din si silay, hehe..

    Kapag nakwento mo yan sa mga anak mo eh sigurado nga sasabihin nila ang kerengkeng ni mommy! πŸ˜€
    kengkay: naku misyel, kaya lalong masaya ang undas e dahil sa kadamihan ng tao na pare-pareho ang patutunguhan; ang sementeryo. ang mas nakakakiliti e ang mag masid kung pareho nga ang ginagawa nila sa pagdalaw sa mga puntod… meron kasi panggulo ba katulad ng mga pick pockets at yung mga taong sumasalisi ng bulaklak ng may bulaklak at kandila ng may kandila:D

    Komento ni Misyel — Oktubre 31, 2007 @ 4:57 hapon | Sagutin

  4. sa amin sa tundo hindi uso ang trick or treat….pero taka ako dun ha nag titrick or treat ang ibang pinoy sa pinas? abah sosyalen….

    undas ang pinaka sentro ng halloween sa atin saka pala yung mga palabas sa tv na sobrang nakakatakot lol! di ba yung mga hindi sumasama sa undas e nanonood lang ng tv sa bahay…at the same time e nagbabantay ng kandila na itinirik sa may pintuan….
    kengkay: huy oo naman, meron trick or treats katulad namin nuon na saling pusa sa mga taga magallanes hehe… pero ngayon e mga organized lang ng mga subdivision at sempre hindi during oct 31 which is a bit weird, hehehe. alam mo tama ka rin, boring ang palabas sa tv kapag undas di ba pwera na lang sa channel 13 na parating may nakakatakot na palabas. inaantay antay ko yan, kaya nga pagkatapos ng manila memorial e uwi muna kami sa bahay kasi sa hapon yun di ba?

    Komento ni manilenya — Oktubre 31, 2007 @ 10:34 hapon | Sagutin

  5. […] at Undas Posted on November 1, 2007 by S3lv0 I was reading Kengkay’s blog this morning. I was inspired by her kwento of the very cultural aspect of undas. Pareho lang ba ang […]

    Pasa ni Halloween at Undas « A Nomad’s Journey — Nobyembre 1, 2007 @ 1:52 umaga | Sagutin

  6. Yun ang nakakamiss sa ‘pinas pag undas eh! Ang makita ang mga kamag-anak mo at yung mga sinisilayan! πŸ™‚

    Natawa ako dun sa sinabi mong baka magkapalitan ng mukha habang naglalakad dun sa sementeryo ng pasay! Nagpupunta din ako dun eh! Di kaya ikaw yung nakatapak ng paa ko nun? Haha! Di lang maputik pag umulan, bumabaha pa minsan doon di ‘ba? Di bale, andun naman si Sharon Cuneta minsan! Haha!
    kengkay: tumpak ka dyan kiko. alam mo, baka kamo ikaw nakatapak sa akin, hmp πŸ™‚ yan ang hirap sa aming 4’11 di na kita kapag asa maraming tao, hehe. ay naku, isang beses lang ako sumama para maki usyoso dun sa puntod ng kamag anak ni ate shawee kasi naman parating ang daming uzis don ano, baka maipit pa akoww.

    Komento ni Kiko Matsing — Nobyembre 1, 2007 @ 6:22 umaga | Sagutin

  7. nakaka homesick naman ang kwento mo, ganyan din msa mag undas mga nanay ko πŸ™‚
    cra ba japorms pag umulan? *lol*

    dito dry, walang undas sa nobyembre…pero ibig sabihin nun ay positive..dahil buhay pa lahat, odiba? πŸ˜‰
    kengkay: ang nanay ko nag-aalay pa ng pagkain sa altar… na palihim naman naming nginangat-ngat, hahaha…

    Komento ni thess — Nobyembre 1, 2007 @ 9:47 umaga | Sagutin

  8. maganda ang obserbasyon mo sa undas, mare. sa totoo lang magandang tradisyon na nating mga pinoy yan… lalo na yung “pangangaluluwa”? para kaming nangangaroling noon tapos bibigyan kami ng mga suman at kung anu-anong mga kakanin. uso pa ba ito ngayon? ewan ko kung ito’y sadyang atin o isang bersyon na katumbas sa ‘trick or treat’ ng mga kano. kung inabot nyo yung mga pelikula na si Chiquito ang ‘starring’ nuong 19-kopong-kopong, makikita nyo, madalas sinasabayan pa ng pagnanakaw ng mga manok ang pangangaluluwa hehehe πŸ˜€ awwwoooooooooooo!!!. 😯
    kengkay: ay, oo nga ano, nalimutan ko yang pangangaluluwa. meron din kaming ganyan, hahaha. bundat kami sa sumang latik, ube at ano nga tawag dun, ginataang bilobilo…kapag ganyang araw. napanood mo ba yung pelikula ni rosemary sonora na tumataas pa yung buhok nya sa takot, yan ang isa sa paborito kong panakot sa telebisyon kapag undas, ahahaha.

    Komento ni homebodyhubby — Nobyembre 1, 2007 @ 1:03 hapon | Sagutin

  9. pansin nyo ba? ako pansin ko at wala pa atang taong lumampas na hindi umulan sa araw ng Undas. Ang tinutukoy kong Undas e ‘yung November 1 mismo. Hindi man malakas o kahit konting ambon lang, hindi pa ata pumapalya ang ulan kapag November 1.

    Bakit kaya? Dahil ba Agua Benditas ito mula sa Langit πŸ˜›
    kengkay: napansin ko rin yan. actually sa halos lahat ng selebrasyon sa pinas may konting ulan. at ang parating sinasabi ay ‘blessings’ daw yon. i hope so πŸ™‚

    Komento ni kotsengkuba — Nobyembre 2, 2007 @ 3:39 umaga | Sagutin

  10. napapansin mo rin pala yan kotsengkuba (oks ang screen name mo a – very classic). ako man napapansin ko rin yan maski nung bata pa ako. pero sabi ng mga lubhang maka-agham na kaisipan, yan daw eh sa naiipong usok na galing sa mga kandila na humahalo at nagpapaiyak sa ulap. πŸ™„ wis ko know kung tutuo yun. kung mapapansin mo, malimit umuulan din pagkatapos ng mga putukan kapag bagong taon.
    kengkay: ngayon ko lang narinig yang ganyang explanation tungkol sa pag-ulan ulan ah. pwede rin… okay lang na umulan pagkatapos ng putukan sa bagong taon, para mawala ang amoy ng pulbura at di masyadong maitim ang ilong at tenga natin, hehe

    Komento ni homebodyhubby — Nobyembre 2, 2007 @ 4:18 umaga | Sagutin

  11. Naku Mommy Kengks tama ka, kaming mga Iglesia ay di po nagcecelebrate ng undas. Ayoko ng iexplain baka me makipagdebate hahahaha. *takot ako e*
    kengkay: wak ka na mag-explain dahil tama kang matakot, ahahaha… labs yu ambo πŸ˜€

    Komento ni Ambo — Nobyembre 2, 2007 @ 4:45 umaga | Sagutin

  12. […] pito-pito at abakadabra ni Homebodyhubby Nangaluluwa ako sa blog ni Kengkay nung undas, ayun ni-tag tuloy ako… (sabi ko na, sana nagpunta na lang akong sentemeryo […]

    Pasa ni Ang pito-pito at abakadabra ni Homebodyhubby « mayaman pa sa daga — Nobyembre 4, 2007 @ 12:05 umaga | Sagutin

  13. na miss ko na din maki undas sa amin….dahil parang reunion na din yun nga mga kamag anak, anak sa labas, at kung anong family tree man dun..hhehee….ang cute naman…may reason kang pumunta ng sementeryo pag ganun..
    kengkay: peborit time of the year ko talaga ang undas dahil sa silay ko e, ahahaha

    Komento ni Maldito — Nobyembre 9, 2007 @ 2:48 umaga | Sagutin

  14. I believe one of your ads triggered my browser to resize, you probably need to put that on your blacklist. Tungkol sa Undas Kwentong Kengkay is a cool name for a blog BTW πŸ˜‰

    Komento ni Keane Oneill — Abril 27, 2011 @ 11:37 umaga | Sagutin

  15. we are following american tradition d4ring All Saints’ and Souls’ Day being a Fil- Am trick or treat is cool.. πŸ˜€ I miss you all

    Komento ni Rd — Nobyembre 1, 2011 @ 2:46 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: