Kwentong Kengkay

Nobyembre 2, 2007

Ang aming Halloween drama

Filed under: Dito sa Amin,Europe,Kwentong Bulilit,Kwentong Nanay,Oyropa Ko — kengkay @ 1:40 hapon

Itong mga little kengkay ang kukulit. Alas siyete ng umaga e gising na at gusto ng magkakatok sa mga bahay-bahay. E gusto ko pang matulog, muntik ko na ngang palakarin para magsimulang magkakatok kundi lang baka ma-papulis ako ng mga kapitbahay namin e. Atsaka ganito hitsura nung umagang yon, talaga namang parang gabi ng lagim ang dating, heheeh.

img_0244.jpg

Sempre dinala ko sila sa kindergarten muna at sabi ko, paguwi nila e malapit ng mag-Halloween. Ayun, pag sundo ko nga gusto ng magbihis at mangalampag sa bahay ng may bahay. Arrrgh! Nilito ko muna sila, sabi ko e tulungan muna nila akong tapusin ang aming Halloween decorations (kahit tapos na :D). Nagtirik ng kandila sa labas ng bahay at ayun, pinagbihis ko na ang dalawang little multos.

img_0249.jpg

Nag-antay sila ng konti sa tatay nila dahil ako ang taya para mamigay ng kendis sa mga makukulit na multo, hehe. Eto ang aking pinamigay:

img_0253.jpg

Habang asa harap ng computer e nag-antay ako sa mga kakatok. Inabot din ng mga tatlong oras bago bumalik ang aking mag-aama. Ayaw na daw ni bunso at pagod na. Pero alam ko ang dahilan, mabigat na ang bag na bitbit ni bunso at gusto na nung simulang ngatngatin ang mga kendis kaya gusto na nyang umuwi ano. Ito namang si ama, sempre, nauto ng mga anak nya. So etong laman ng kanilang mga bags:

img_0259.jpg img_0260.jpg

Yung asa kaliwa ay kay bunso at yung kanan sempre ay sa aking panganay. Sempre naman, atake agad sa pansakit ng ipen, pati ako, hehe! At eto ang maganda, si kiko at si kath, nangalabit sa YM nitong gabing ito. Nag trick or treat ba at nanghingi ng kendis. Nabaliw sila kasi ang sumagot e biglang ang sabi ‘english only’ — kasi naman asawa ko ang nasa harap ng computer, ahahaha.

Heniway, yun lang po ang aming drama nitong nakaraang Halloween.

Advertisements

7 mga puna »

  1. Mabuti at masaya ang Halloween ninyo. Mukhang ang daming na kolekta na mga candies. Si Yohan nag enjoy din. Isa syang pirata. Di ko pa nailagay mga pictures sa blog ko. Ngayon weekend ko gagawin.
    kengkay: alam mo naman nga bata, basta kendi e asa langit na sila 😀

    Komento ni Rach (Heart of Rachel) — Nobyembre 2, 2007 @ 1:57 hapon | Sagutin

  2. hangkyuut…kengkay na kengkay yun panganay!
    kengkay: kakatawa nga kasi di ba walang ipen, ahahaha… sabi ko baliktad na drakula 😀

    Komento ni chuvaness — Nobyembre 2, 2007 @ 5:18 hapon | Sagutin

  3. Ang kyut pareho ng costume nila! 🙂
    Oo nga! Kinabahan ako nung nag-trick or treat ako sa ‘yo sa ym tapos biglang sinabi english only, naku sabi ko patay duduguin ilong ko nito! Kaya sabi ko na lang agad regards to your kids! Haha! Nagpaalam bigla!
    kengkay: naku, wag ka, medyo feel na rin nung asawa ko magchika sa YM, yun nga lang kapag bigla sya tinagalog e nababaliw sya

    Komento ni Kiko Matsing — Nobyembre 2, 2007 @ 6:56 hapon | Sagutin

  4. nakakainggit ang mga bata ano? bakit kase hindi nauso satin ang ganyan, di ako nag-enjoy dati sa pangangaluluwa dahil pareho lang sya ng pangangaroling pag pasko pero hindi kasing laki ang nakokolektang pera 😀
    kengkay: buti ka nga nakakolekta ng pera sa pangangaluwa, kami suman lang, ahahaha

    Komento ni kotsengkuba — Nobyembre 3, 2007 @ 7:03 umaga | Sagutin

  5. ay masaya yan..pwede bang sumama? hehe

    Komento ni ELIment — Oktubre 30, 2008 @ 4:47 umaga | Sagutin

  6. […] nung isang taon ang dami nilang nakuhang candies… eto pechurss… […]

    Pasa ni helowin « Kwentong Kengkay — Oktubre 31, 2008 @ 4:04 hapon | Sagutin

  7. suman? Kami naman biko…wahehehe.

    Komento ni Helena — Nobyembre 4, 2008 @ 12:50 hapon | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: