Kwentong Kengkay

Nobyembre 6, 2007

How can you tell if a guy is gay?

Filed under: Ano Nga Ulit Yon?,Aruuuhh,Kaibigan,Tinag-a — kengkay @ 8:05 hapon

Na tag na naman si ako ni Ris at ang isyu naman ngayon ay ang sumagot sa isang katanungang: how can you tell if a guy (whoโ€™s really hot) is gay? (Paano mo malalaman na ang isang lalaki na ang lakas ng dating ay isa palang gurl?)

Ito talagang si ris, alam ko na kung bakit mo naitapon sa akin yang tanong na yan, dahil sa pagtatambay ko sa gay beach sa Pattaya ano, hehehe! Gusto mo ng matinding kwento? Pwes, hindi mo rito mababasa yon. Makipagkita ka sa EB natin neks yir at ibibigay ko sa yo ang lahat ng gusto mong malaman. Samantala, ang sagot sa iyong katanungan….

Naku, bibigay na nito si kengkay. Gusto ko pa naman tumulong na mawala ang tunay na scandal sa pinay scandal tapos bigla akong may I confess dito, ahahaha… Ehermm. Si Kengkay ay isang operadang gurl. Isa akong transvestite. Isa akong babaeng bading, waaahhhhhh ๐Ÿ˜€ Successful daw ang aking operasyon kaya ako nagka-anak. Ahahaha… hanu ba itong mga pinagsasabi ko. Wag nyong pagpapansinin at echo lang yan ng aking mga nakaraan, hehehe. *Shhh, wak ka maingay, hmp!

Ano ba yun, tinalupan na nga si Reyna Elena tapos eto pang drama ngayon, ahahaha… Wala na bang ibang topic pero nakakakiliti kasi e kaya sige na nga…

Heniway, dahil isang babaeng bading si kengkay ay medyo nakakawalang gana na itong tanong na ito kasi ay asa pang-amoy na yan ng isang gurl sa kapwa gurl. Operada man o hindi. Kumbaga e meron ding gurl intuition, hindi lamang yan para sa mga tunay na woman. Kundi para sa mga taong feeling tunay, o de vah.

E pano ko nga nalalaman? Aside from sa pang-amoy… lintek, ang babango ng mga tunay na gurls ha. Kakainggit nga minsan kasi parang ang pawis nila ay oy de perfume talaga.

Wala lang, basta alam ko lang na gurl ang isang poging jolaking kaharap ko kahit na macho pa ang dating nya at super ooozing with sex happeal sya. Kahit pa may sukbit syang woman. Wah ako paki, basta ang alam ko, mas malantik ang mga mata nya sa akin kahit na meron akong most famous mahahaba at malalantik na kilay. Sempre hindi naman parati ganun. Ah basta.

At sempre, pansinin din ang galaw. Hindi mahinhin kundi may iba silang maestra para patunugin ang Stradivarius chuva. At eto pa, pansinin ang pagka-tuck in ng t-shirt sa pantalon na parehong tamang tama ang pagkaplantsa, dun mismo sa may tamang lupi at perpendicular sa kanilang tuwid na katawan. Walang maling tupi kang makikita, lahat nakalinya. Attenshun talaga sila.

Kapag kasama mo sila ay mas maganda ka lalo na sa shoppingan, dahil dami nilang points na ibibigay sa yo. Kapag gimik naman, di nauubusan ng kalandian, yun nga lang talo ka minsan sa lakas ng dating ng ibang hatid nila sa madla. And when it comes to beauty and personal care, mas marami silang anik anik kesa sa akin kahit na minsan ay nahihiraman ako ng lipestek at eyeliner.

Teka, siguradong may ibang opinyong lalabas…sige lang, okay lang sa akin na may taliwas na opinyon kasi tagal ko na ring nawala bilang isang babaeng bading e. Baka iba na ang detector points ngayon…

Pero kilala ko nga sila e. Kasi iba ang tono ng pananalita nila at may ibang landi. At sempre, nagkaka-amuyan kami ng aming operadang matris, ahahaha. Many thanks to my very many many happy and gay friends all over the world…ibat ibang lahi at ibat ibang porma pero ang kanilang dugo ay rainbow. Sa unang tingin di nyo talaga makikilalang sila ay gurl kahit pa minsan ang emote nila ay GF daw nila akosh… pero wag ka, gusto lang nilang manghiram ng lipgloss ko, hehe.

Sa totoo lang, ang pinakamasayang araw ko sa mundo ay ang mga oras na kasama ko ang aking happy and gay friends… At sempre yung normal na tao (hmm, ano naman kaya normal na tao) e masaya at masarap din makahalubilo, pero iba kasi ang flavor kapag gurl e… A basta.

Wala akong maisip na maitanong at mai-tag… babalik muna ako sa aking dating anyo ๐Ÿ˜€

Advertisements

13 mga puna »

  1. mahina ang aking gaydar ate kengks… ๐Ÿ˜‰
    kengkay: alam mo, kapag walang gaydar, edi chuva ka na, hahah

    Komento ni jojie — Nobyembre 7, 2007 @ 3:11 umaga | Sagutin

  2. hehe salamat sa pagsagot ate kengks. tingin ko nga may gaydar lahat ng tao, yung iba lang they chose not to activate ๐Ÿ™‚ katulad ko. hahaha. ayaw ko kasing pakialaman minsan yung mga galaw nila, kahit na sabihin ng iba parang pa-girl talaga. eh malay mo naman diba, spolied momma’s brat lang kaya ganun! ๐Ÿ˜€
    kengkay: alam mo ris, depende talaga e. minsan nga may nagpipilit na maging gay para lang makarami ba, ahahaha. may kakilala ako talagang akala mo gurl na gurl ha pero sa totoo lang, may asawa sya. kaya lang feel lang ba niya kasi joker yun e. at ang pangarap nya magkaron ng anak na gurl, asan na kaya yun?

    Komento ni ris — Nobyembre 7, 2007 @ 6:32 umaga | Sagutin

  3. sabi nila, when a guy notices your shoes daw. atsaka pag napansin nila na nagpagupit ka. eto naman ay base sa experience. hehe.

    pero mommy kengks, ang tatay ko at mga kafatir ko, straight mag-tuck ng shirt! ibig sabihin bading sila? waah! hehe
    kengkay: waaahhh — pero notice ba ni tatay at ni kapatid mo ang iyong shoes at iyong hair do, hehehe

    Komento ni antuken — Nobyembre 7, 2007 @ 10:31 umaga | Sagutin

  4. magpatugtog ka ng on the wings of love.. kapag tinugtog ang chorus at sumabay gamit ang ipit na boses, yun na.. LOL! ๐Ÿ˜›
    kengkay: ahahaha.. ganun ba yun? may na bisto ka na ba ng ganitong paraan, huh ๐Ÿ˜€

    Komento ni kotsengkuba — Nobyembre 8, 2007 @ 8:17 umaga | Sagutin

  5. naalala ko yung sa legally blonde, yung napansin nung “kalaguyo” ng kliyente niya ang kanyang pradang sapatos na so last season, hehe. pero sa dami ng metrosexual na lalaki parang hindi na rin applicable. e ang asawa ko nga ang pumapansin pag kailangan nang i-contour ang aking mga kilay, pero sure naman ako na mhin siya!

    ang sure way para malaman mo kung bading ang tao, gulatin mo ๐Ÿ˜€ pag tumili… yun na yun! ๐Ÿ™‚
    kengkay: hay, oo nga ano. atsaka kapag may ipis, ahahaha

    Komento ni Meeya — Nobyembre 8, 2007 @ 4:47 hapon | Sagutin

  6. hmm.. daming mga ganyan sa school namin.. yun bang tipong one of the girls .. hehehe pero sila yung mga matatalino talaga…
    kengkay: napansin mo rin ba, hehehe. pero sila ang masarap kasama di ba?

    Komento ni angel — Nobyembre 9, 2007 @ 9:10 umaga | Sagutin

  7. pag pinaghihinalaan mo ang isang lalakwe, este lalake, pwede mo namn tanungin. Parang ganto: Oissst, para kang bakla, bakla ka ba? ha? Pag nahirapan sumagot o kaya nagpaliguy ligoy ehhh baklaa yohn!

    Kase ako dati tinatanung ako ng ate ko saka ng kuya ko dahil natsitsismis ako na bakla dito sa lugar namen na mapanghe. Ehhh nagpapaliguy ligoy ako saka nahihirapan ako sumagot kase totoo nmn ehh na bkla ako. hehe. Saka ang mga bkla may wang-wang ang boses parang maarte. Saka iba ang tingin namin sa lalake, parang gus2 namin kainin! Ganun! Ang totoong laake di nya mapapansin kapwa lalake. Ako lahat pansin ko eh. kahit posteng nakapantalon pansin ko pa rin hehehe.

    Basta ask mo lng. Wala nmn masama sa pagtatanung eh. Pag nag-deny ehh di OK FINE! Sabi mo eh whehehe.

    Grabeh super late na comment ko. Ngayun lng ako nag blag eh ahihi. ang saya pala.
    kengkay: waaaaah, ang kyut mo talaga. bakit mo naman binigay ang inyong lihim…pero tama ka rin, ganyan din ginagawa namin sa mga kaibigan naming ayaw umamin na alam naman naming ganun na nga sila e. mas kyut nga kapag ganun e, mas maraming adventures, hehehe. masarap talaga mag blog, daming chika, de vah!

    Komento ni kapestehan — Nobyembre 21, 2007 @ 12:05 hapon | Sagutin

  8. EEEEKKKKK!!! NGAYON LANG AKO NADAPA DITO AH!!! mabasa ngaaa!!!
    kengkay: ahahaha — naligaw ka ba?

    Komento ni reyna elena — Nobyembre 22, 2007 @ 4:42 umaga | Sagutin

  9. *ehem* * EHERRRRMMMMM~!#$%^&*

    ‘bat ako, walang eyeliner? Lalaki ba ako?
    ‘ala rin meyk-up. Lalaki yata ako. Tsk! Tsk! Tsk!
    tupi? perpendicular? Hmmm… Lalaki yata talaga akoo!!!
    malantik mata? Waaaa!!! LALAKO AKO?!~!@#$

    EEEEE!!! DI TAMA TOOOO!!!! NAMAMALIGNO AKO DITOIII!!! WAA!! WAAA! HUWAAAA!!!!!!!
    kengkay: mahal na reyna, sabi ko nga, dahil isa kang may asul na dugo e ibang anyo ang sa iyo. ibang category ang dapat gawin, imagine si colonel nga hindi ka na-aamoy e, hahahaha

    Komento ni reyna elena — Nobyembre 22, 2007 @ 4:49 umaga | Sagutin

  10. […] ako sa post na to ni Kengkay. How can you tell if a guy is gay?ย Sino si Kengkay? Sabi sa CIA Annual […]

    Pasa ni How can you tell if a guy is gay? — Nobyembre 22, 2007 @ 11:01 hapon | Sagutin

  11. hihihihihihahahaha. pang-amoy? o schige…ito ang pangamoy ko or intuition. ang mamaeng hopelada ay hamoy melon. ang thunhay nha mamae naman ay… melon hamoy. o sinong hihirit?
    kengkay: waaaaa, nahulog ako sa silya sa melon amoy, hehehe

    Komento ni Beng — Nobyembre 22, 2007 @ 11:45 hapon | Sagutin

  12. yong brother ko baby pa lang alam na namin, gusto nya kasi yong dolls ko eh…hehehehe

    Sabi ng friend ko na gay, it takes one to know one…

    Trust your instinct. Kahit ayaw umamin, kung feeling mo bading, cguro nga bading. ๐Ÿ™‚
    kengkay: daming haka haka tungkol dito ano ๐Ÿ˜€ salamat sa pagdaan!

    Komento ni nina — Nobyembre 23, 2007 @ 6:29 umaga | Sagutin

  13. […] and DOM nang entry na to: How can you tell if a guy is gay?ย na pasimuno ni Kengkay sa entry na to: How can you tell if a guy is gay?ย Ang gulo […]

    Pasa ni Blog of the month awardees — Disyembre 1, 2007 @ 1:51 hapon | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: