Kwentong Kengkay

Nobyembre 8, 2007

Ching, Chang, Chong

Isa itong blag na matagal ko ng gustong i-post kaya lang di matapos tapos ang istorya dahil… sa sobrang dami ng istorya. Sigurado ako, bago matapos ninyong basahin itong blog na ito ay makakarelate agad kayo. At sigurado ako, maraming opinyon ang lalabas…tungkol sa racist remarks.

Hindi ko alam kung kailan nangyari sa akin ito, dito sa Alemanya, pero di sya maalis alis sa isip ko. At lalong bumulwak sya ulit sa aking isipan nung nabasa ko itong blog nung isang ka-PMN nanay ko. Eto ang kanyang istorya

….until I heard and saw a couple of black teenagers (maybe early 20s even) guffawing. The girl stumbled towards us as if she was in stitches leaving the guy a few paces behind holding their umbrella.

Since it was raining and there we were the only ones in the streets I immediately thought they were laughing at or with us but because I never caught them looking our way I dismissed the thought. That is I until passed by the male friend and overheard him say “ching chong chung”.

At alam nyo ba itong istorya ng Chinese community na humingi din ng apology mula sa show ni Rosie? Dahil sa sinabi nyang:

“You know, you can imagine in China it’s like ‘ching chong, ching chong chong, Danny DeVito, ching chong chong chong, drunk, “The View,” ching chong,'” the 44-year-old comedian said.

Hindi lang pala ang mga Pinoys ang nagulo dahil sa Desperate Housewives isyu. Malakas talaga ang dating ng telebisyon…

At eto naman ang istorya ni kengkay… sa mga kamay ng mga batang Aleman. Mahigit na pitong taon ako dito pero wala pa akong natikmang kantiyaw dahil sa pagiging galing ko sa Asya. Wag na nating isama yung binoykot ko ang isang tindahan dito dahil sa sama ng ugali nya. Pero yon naman e dahil lang sa masama talaga ng ugali nung babaitang iyon.

At sa nakagawian na nga, mas gusto kong naglalakad para sunduin ang mga anak ko kesa gamitin ang kotse. Minsang asa kanto na ako ay biglang may tatlong batang lalaki, mga 8-10 years old, na yumuyuko habang nakatiklop ang mga palad nila na para bang yung normal na gawa sa Hapon o sa Tsina… tapos ang sabi nila ay ching, chang, chong.

Nung una, hindi ko akalain na ako ang tinutukoy nila. Kasi normal lang naman sa mga kabataan ang mag ingay sa kalsada di ba? Pero nung talagang tinuro pa ako at inulit pa yong aksyon at yung ching, chang, chong, hmm. Lintek… anong gustong mangyari nitong mga batang ito? Dinaan ko sa tawa at ininglis ko nga ang mga hunghang. Sabi ko, ‘good morning, and what are you saying?’ Ayun, bigla silang nagising at kumaripas ng takbo.

Hmm, anong akala nila sa akin? Multo, hmp. Pilit kong kinalimutan ang pangyayaring iyon pero paminsan minsan ay lumalabas ang okasyon na bubulwak nga sya sa aking isip at damdamin… Kayo, anong reaksyon nyo kapag ganyan?

candy-005.jpg

Hindi ako nainis dahil sa nangyari, nainis ako para sa mga anak ko. Ang kyut pa naman nila (ehem!) Maging biktima kaya sila ng mga bullies na ganyan dahil magkahalong lahi sila? Minsan kasi ang mga kabataan, they could be so cruel because of ignorance at minsan naman ay dahil din sa akala nila mas may alam sila.

Kaya itong mga anak ko, pilit kong pinapakita sa kanila na may ibat ibang lahi at ang ibat ibang lahing iyon ay dapat respetuhin kung ano man ang pagkakaiba nila sa atin. Lahat ay may karapatang mabuhay ayon sa kanilang pagnanais, basta asa tamang lagay.

Samantala, ipapasok ko ang mga anak ko sa judo o karate classes para meron silang K na sumagot sa mga pangangantiyaw na nakakarindi sa tenga. Hiyaaaaaa 🙂

Advertisements

11 mga puna »

  1. yan nga ang nakakainis minsan. porke asians eh ang baba na ng tingin ng ibang lahi. minsan may napanood ako sa oprah. ang guest mga arabs, african-americans, whites, asians at latinas. they were talking abt racism. mayroon din surveys na inilabas, kung sino sa mga guests ang most likely to succeed in life..

    alam mo ang resulta? ASIANS! they are most likely to be successful because they hold on to their values more than the others.. isang dahilan para taas noo tayong maglakad kahit na inaalipusta at kinakantyawan pa tayong ng ibang lagi…

    INGGIT LANG SILA! yun yun eh! 😀
    kengkay: galing talaga ng mga asians ano, hehehe. kasi we we respect our culture and traditions, kaya ganun…

    Komento ni A Z R A E L — Nobyembre 8, 2007 @ 4:18 hapon | Sagutin

  2. hi kengkay, siguro sa lifetime natin hindi natin makikita na magkakaroon ng totoong pagtanggap sa pagkakaiba-iba ng lahi. pero kung ang mga bata ngayon ay mabibigyan ng tamang edukasyon tungkol sa issue ng racism at hindi papakitaan ng racist cues, may pag-asa pa itong magbunga ng maganda pagdating ng panahon.

    based sa experience namin, malala talaga ang racism lalo dito sa amerika kahit na ano pang pag-deny nila or pagsabi nila na politically correct sila. marami na kaming naranasan dito, ayoko na lang ungkatin at sumasama ang loob ko. pero, agree ako, ang lahat naman niyan ay sanhi ng ignorance. pati na rin kakulangan sa respeto sa kapwa tao.
    kengkay: uy, am sorry to hear that. kasi dito sa oyropa wala pa talaga akong direkt na na experience ng ganyan e. pero sempre ang kaba ko e para sa mga anak ko. sana magisnan natin na mawala ang isyung racism ano? para sa ating mga anak at sa mga apo, ooops, apo agad!

    Komento ni Meeya — Nobyembre 8, 2007 @ 4:43 hapon | Sagutin

  3. Hindi na ata maalis sa ibang mga tao ang mang-alipusta ng ibang lahi. Salamat naman sa Diyos wala pa akong nararanasan na ganyan dito sa Toronto, pero if ever na may mangyari na ganyan naku yari sa akin yun, hehe pero dapat wag na lang sigurong pansinin kasi tama nga si Azrael, Inggit lang Sila!
    kengkay: inggit lang nga sila… pero kung pwede silang turuan, e di ituro natin ang tama di ba?

    Komento ni misyel628 — Nobyembre 8, 2007 @ 4:52 hapon | Sagutin

  4. Agree ako sa iyo na pag-aralin ng self defense ang mga anak mo. Kailangan talaga marunong mag-tanggol ang mga bata towards bullies. Regarding young people who have no respect for others, madami din nyan dito. usually ang mga nagmamaton-maton-an sa kalya ay mga turkish at moroccans. Kasi alam nila takot gobyerno sa kanila at lagi silang ipinagtatanggol kahit sila ang wala sa lugar.

    Agree ako kay azrael, kahit sa language school ko before, proud ang dutch teacher ko sa asian students nya. Kakaiba daw ang pag-deal sa buhay. Asians can easily adapt to their adapted land.

    Ingat kengkay!
    kengkay: tenks, kapitbahay kahit malayo 😀 tinuturuan nga sila ng tatay nila. sabi nung asawa ko kapag inasar sila, mag warning sila hanggang tatlo. at kapag di pa rin tumigil, banatan na nila agad. hehehe… pero sabi ko nga, mukha namang magiging successful akong palakihin itong dalawa kong anak na open minded sa mga ibat ibang lahi dahil nga eurasians sila at alam nilang pinay at aleman silang pareho. pero pag aralin ko pa rin sila ng judo o karate.

    Komento ni thess — Nobyembre 8, 2007 @ 6:01 hapon | Sagutin

  5. Naranasan ko na rin dito yan, galing kami manood ng sine ni esmi minsan nang may nakasalubong kaming mga irish teenagers, tapos sabi nung isa sa amin, ching ching chi? Kaya sinagot ko rin siya nun ng ching ching chi *@$@ kang irish ka! Alam na kaagad ng esmi ko na ready for trouble na ako kaya hinila na ako palayo Nagngingitngit kasi ako sa galit pag nakakarinig ako ng ganyang racist remark eh! Susme, sa mga taga-maricaban nga di ako natakot, sa kanila pang mga lampa naman!

    Hindi pa rin talaga maalis sa kanilang magmaliit dahil lang sa kulay natin. Tsk!
    kengkay: hay kiko, parang nakikita kitang naglalakas sa maricaban ng nakataas ang hasang, ahahaha… kasi nga ang kulang sa kanila ay knowledge, kaya pagpasensiyahan mo na sila, hane?basta turuan mo ang mga anak mo na maging open minded tungkol sa mga ganyang bagay.

    Komento ni Kiko Matsing — Nobyembre 8, 2007 @ 8:16 hapon | Sagutin

  6. pag mga bata ang gumagawa minsan medyo cute pa eh i mean sino ba sa atin ang di dumaan sa pagkasutil. universal na talaga yata ang pagtawanan ang ibang lahi. kahit dito sa pilipinas di ba? pet peeve kadalasan ang mga chinese, indians etc. kahit kapwa pinoy na medyo dark ang balat suking kinakantyawan sa school. i do share the dream of one activist i admirer si martin luther king jr. who said:

    “I have a dream that my four little children will one day live in a nation where they will not be judged by the color of their skin, but by the content of their character.”
    kengkay: i share your dream, dear selvi!

    Komento ni selvo — Nobyembre 8, 2007 @ 11:38 hapon | Sagutin

  7. […] ang isang pinaka-malambing, sweet at napakamalalahaning babae na nakilala ko sa pagblo-blog, si Mommy Kengkay. Kengks para ito kina Def at Maru… alam mo na di mo mahihindian […]

    Pasa ni Moo, the galant cow « A Nomad’s Journey — Nobyembre 9, 2007 @ 12:12 umaga | Sagutin

  8. normal na nga po yata yan sa tao, ang bunso naming kapatid palibhasa mana sa nanay ko na cute eh madalas tawaging shrimp kasama ng ibang pinoi barkada nya, kaya pinagsasabihan na lang po namin umiwas sa gulo,
    pero nde nga lahat ng panahon eh puro pasensya kaya nagulat kami nong minsan umuwi kapatid ko from school na marumi damit at merong pasa, ang dahlan…lumaban ang grupo ng shrimps sa mga white giants.
    kengkay: dapat bigyan ng tinik ng shrimps yang mga white giants na yan… kung edukadong tao sila, siguradong walang gulong nangyari. kakalungkot ang ganyan, hayyy… toni, kilala kita dun sa blog ni kotsengkuba ah, hehehe salamat at naligaw ka rin dito sa blog ko!

    Komento ni toni — Nobyembre 9, 2007 @ 12:47 umaga | Sagutin

  9. I agree to what Meeya said, that educating our children on issues regarding unfair treatment would be of help.

    I’ve found this research about Discrimination against Asian American could lead to health problems. Read http://modelminority.com/article1098.html

    I think the problem not only occur in Europe and US, high-incidence perhaps. When i was in Japan, i was treated the same. See? Asian to asian discrimation also exist.
    kengkay: tama ka dyan, ambo. kaya dapat we should help educate people not only about us, but about other races, too…mahirap kasi kapag walang alam e…

    Komento ni Ambo — Nobyembre 9, 2007 @ 3:55 umaga | Sagutin

  10. nakow naiinis ako sa mga racist na yan pero alam mo ba pinakakawawa dito sa states? yung mga mexicano. Masyado nilang minamaliit mexicano at madalas naman napapagkamalan akong mexicana…
    kengkay: oops, sorry to hear that. pero maganda naman mga mexicana di ba 😀 be proud!

    Komento ni scart — Nobyembre 9, 2007 @ 4:21 umaga | Sagutin

  11. hhmm.. Kahit naman pinoy nagiging racist na rin kung minsan diba…?
    kengkay: minsan kasi nga dahil sa ignorance e. ako dati itong mga in laws ko ilag sa mga asians, o ngayon, labs na nila ako. pinagmamalaki pa sa lahat ng kakilala nila. kasi nga, naging open bigla ang utak nila. kung lahat tayo maging open minded, sa tingin ko, mawawala din yan e.

    Komento ni angel — Nobyembre 9, 2007 @ 7:40 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: