Kwentong Kengkay

Nobyembre 15, 2007

Totoo ba itong modus operandi na ito?

Filed under: Ano Nga Ulit Yon?,Duon sa Amin,Hmmmm,Hmmp,Pasaway — kengkay @ 9:43 umaga

`Hindi ko na sana ikukwento kasi akala ko aksidente lang…..

AKALA KO AKO LANG!…UNG PALA MERON PANG IBA NA MABIBIKTIMA NG GANITONG SISTEMA…PAANO NA KUNG UN LANG ANG NATITIRA MONG PERA AT MALAYO PA ANG PUPUNTAHAN MO…kawawa ka naman….maglalakad ka….

(based on my own experience sa isang aircon bus….)

Last september 6, 2007, 4pm ako ay nagpunta sa cubao at bumili ng ticket (going to baguio) sa victory liner cubao. sumakay ako ng aircon bus from victory liner (cubao) to robinsons galleria (going back sa office in ortigas)….ang pamasahe po ay P10 from cubao to robinsons galleria… at ako po ay nagbigay ng P100 sa kundoktor…binigyan nya ako ng ticket worth P10 at kinuha ung 100 pesos na binayad ko, sabay sabi na sandali lang wala akong baryang panukli. So, pagdating sa may P Tuazon (near araneta center)…pina-alala ko uli ung sukli ko sa konduktor…tinanong nya ako, “san ka nga uli baba’?.” sumagot ako na…”sa may robinsons galleria lang!”…….”malayo ka pa naman eh…sandali lang”…sabi ng kundoktor

So, pagdating ng VV Soliven… lumipat ako ng upuan (3rows before the driver , at the right side of the bus). Pagdating ng SEC (near ortigas
ave.) kinukuha ko na ung sukli ko…hindi kumibo ang kundoktor…(luminga-linga lang) parang deadma ba?….

Nang patawid na ng ortigas ave. (stoplight)…tumayo ako at nilapitan ko ung konduktor na naka upo sa tabi nung driver…hiningi ko ung sukli
ko… eto ang sabi nya sa’kin…”PATINGIN NGA NG TICKET MO?.,… sabay inabot ko… sabi ng kundoktor…”Eh WALA NAMAN AKONG SINULAT (note) SA LIKOD NG TICKET MO ..TAPOS HIHINGI KA NG SUKLI!!!…. TARANTADO KA PALA EH… medyo mag
init ang ulo ko sa sinabi nya… kaya sumagot ako… na ..TARANTADO KA RIN!!!…KANINA KO PA SINASABI NA …UNG SUKLI KO SA P100 NA BINIGAY KO…

Dun na kami nagkasagutan….at may dumikit sa akin na lalaki at sinabihan ako na ….”PRE,,WALA KA NAMAN INAABOT NA ‘SAN DAANG PISO eH…TAPOS HIHINGI KA NG SUKLI!!!.. tumayo ako malapit sa pinto..malapit sa driver…at sinabi ko ung ginawa nung kundoktor nya….

Eto ang sabi nung driver…. ‘ABA..PARE…HINDI KO ALAM YAN…BAKA NAMAN WALA KA TALAGANG BINIBIGAY NA P100 DUN SA KUNDOKTOR KO…(sa pagkakataong ung…tatlo na ang nakikipagtalo sa akin… ung kondukto,.,,ung driver at ung isang lalaki na nakaupo sa may likuran ng driver…

Sabi ko sa sarili ko…agrabyado ako pag nakagulo…kaya sinabihan ko ung driver na…baba na ako. ..sabi ko…”BUKSAN MO UNG PINTO…BABABA NA AKO..LAMLAMPAS AKO. HINDI AKO MAKIKIPAG BASAGAN NG MUKHA SA INYO SA HALAGANG P90 PESOS (sukli)…SA INYO NA LANG UNG SUKLI KO…(sa pagkakataong ung, …ung bus ay nakahinto sa may tawiran sa harap ng POEA…pero hindi nya binubuksan ung pinto…hanggan sa umarangkada na uli ung bus..)

Sa may tapat ako ng DOLMAR BLDG (fronting POVEDA near Ortigas MRT Station) ako ibinaba…na kung saan eh..wala ng mga traffic aide na
mapagsusumbongan ng kalokohan hila…

So…after one month…nakalimutan ko na ung nangyari….Last October 30, 2007 (Tuesday) around 6:15pm…pauwi na ako galing ortigas going to makati (guadalupe tulay)…

May isang babae na kasakay ko sa bus….na nagrereklamo sa kundoktor at driver….na hindi rin binibigay ung sukli. Sya daw ay galing sa may Timog ….sya ay baba sa may Boni…. Naalala ko ung nagyari sa’kin ….nang biglang may “LALAKI” na tumayo sa may kabilang upuan at sinabihan ung ‘BABAE” na …

“MISS…MISS…SINGKWENTA PESOS LANG UNG BINIGAY MO SA KUNDOKTOR…KITANG KITANG KO”….

Sa galit nung babae…akmang baba na sa may tapat ng ‘Jollibee Boni”…nang biglang isinara nung driver ung pinto….at tsaka pinatakbo na matulin ung bus…hanggan sa makarating sa may tapat ng “PUGON”…(bilihan ng tinapay malapit na sa tulay)….

Dun ko na pag tanto ung nang yari sa’kin…parehong-pareho ng ginawa dun sa babae…

Bago ako…bumaba sa may Guadalupe tulay (Loyola)…tiningnan ko ung driver,,,ung kundoktor at ung “LALAKI” na kumatig dun sa kundoktor…. Magkaka-kilala pala sila….at nagtatawanan pa…

Akala ko ako lang ang nakapansin sa nangyari… Pag sakay ko ng jeep papuntang DELPAN….may “MAMA” na bumati sa akin…sabi nya…”PARE, KALA KO KANINA…TUTULUNGAN MO UNG BABAE…un hindi sinuklian?… “KASI NAKITA KO UNG MGA KA-KONTSABA NUNG DRIVER AT NUNG KONDUKTOR….UNG ISA…HINDI NAGSALITA PERO LUMAPIT SA MAY LIKOD MO….KAYA AKO…LUMIPAT DIN AKO …KASI TWO YEARS AGO…NAKA EXPERIENCE AKO NANG GANYAN SA MAY BALINTAWAK…SINAKSAK UNG ISANG
PASAHERO…KAWAWA NAMAN…GANYAN ANG MODUS OPERANDI NILA SA BUS….KAYA NGA PAG SUMASAKAY
AKO NG BUS…PALAGI AKONG MAY DALANG BARYANG PANG BAYAD…

So samakatuwid…hindi lang pala holdaper at snatcher ang titinang mo sa bus….kawawa naman tayo…parehang kung mamuhay….paano na
tayo…???? Sa inyong lahat…lagi po sana tayong mag iingat….

Salamat po. Paki pasa na lang po…baka makatulong kahit konti.

Hindi ko alam kung anong dapat kong reaksyon nung natanggap ko itong forwarded email na ito. Alam kong nais kong palawakin ang kagandahan ng Pinas sa aking blog, pero… iba ang dating ng mga ganitong kwento sa akin e. Kasi dapat tulungan din natin ang sarili natin. Kung sa ating bansa ay ginagago natin pati ang mga taong naghihirap din, parang iba yata ang dating sa akin nito. Sana hindi totoo itong kwentong ito. Kasi natatakot ako para sa mga mahal ko sa buhay na asa Pinas, na alam kong gumagamit ng bus para sa araw araw na galaw nila. Natatakot akong may mabasang naging biktima nitong kalokohang ito sa isa sa mga blogs na dinadalaw ko. Ayokong maging totoo itong kwentong ito… Pero ipagdarasal ko rin na sana, kung totoo man ito, tamaan agad ng kidlat ang mga maiitim na budhi na gumagawa nito. Mga lintek sila, hmp.

Kung totoo man ito, eto ang mga munting tips ni kengkay:

1. Tandaan kung anong klase ng bus ito

2. Ilista ang plate number

3. Kung ma-alala nyo ang hitsura nung mga bus driver, konduktor at mga kasabwat sa pamamagitan ng isang bagay na nakaka-angat tungkol sa kanila (nunal, balat, buhok, amoy), mas mabuti…

4. Piliting manatiling kalmado, alam kong hindi madali, pero pilitin natin para sa ating sarili din ito.

5. At yun na nga, maghanda ng barya para sa pagsakay ng bus or dyip or MRT… hindi lang iwas sa mga ganitong modul operandi pero mas mabilis pa ang magiging galaw mo.

6. I- report agad ang aksidente sa lalong madaling panahon. Ayaw naman nating manatiling hindi safe ang pang araw araw na biyahe natin, hindi po ba?

7. Mag-dasal para sa ikabubuti ng Pilipinas at sa pagbabagong buhay ng mga bulok na utak sa bayan natin.

Harinawa…

Advertisements

32 mga puna »

  1. uy… una ako. hehe
    nuong araw me mga padale ding ganyang-ganyan ang tirada. sa bus din, ordinary naman. yung mga “funchum boys” na tinatawag. ibang kaso pero ganyan din ang istilo — hindi ka naman makapengol dahil talagang KUKUYUGIN ka. ingat na lang mga kabayan.
    kengkay: kakatakot talaga. pinag isipan ko pa nga kung ilalagay ko ito sa blog ko pero mas mabuti ng may makabasa at ng makapag ingat sila kesa sa tinago ko lang itong istorya dahil sa takot ko.

    Komento ni homebodyhubby — Nobyembre 15, 2007 @ 10:14 umaga | Sagutin

  2. hayst… nalulungkot talaga ako sa mga ganitong kwento.
    napakaliit na halaga para hayaang mabahiran ang pagkatao.

    sana dumating ang araw na bumalik ang integridad ng bawat mamamayang pinoy.

    😦 😦 😦 😦 😦 😦 😦
    kengkay: pareho tayo ng ina-asam asam, ang respeto at ang integridad ng tao sa sarili nila at sa kanilang kapwa tao sana ay manatiling nangunguna

    Komento ni icsx — Nobyembre 15, 2007 @ 10:30 umaga | Sagutin

  3. nakakainis nga yung ganyan. mama, saken nangyari yung ganyan pero sa jeep. nag-abot ako ng sukli. pero unlike sa bus sa kutsabahan sila, saken feeling ko yung driver ang biktima. kse yung piang-abutan ko ng bayad ko, before umalis yung jeep, bumaba… kala ko naman may kukunin lang. nung hinihingi ko ang sukli ko, ang sabi ng driver wala daw ako inaabot. eh nagmatigas talaga ako. tapos buti na lang yung mga katabi ko nag-agree saken na nag-abot nga ako. ang feeling namin, yung isang pasahero na bumaba, baka hindi 100 ang binigay, kundi smaller amount, kaya kawawa naman yung driver. kaso mo, last money ko na yun kaya di ako pumayag na di nya ako suklian. tarantado yung nambibiktima na yun ah. sana tinandaan nya yung bus. at nang maikalat dito na wag sumakay dun.
    kengkay: kainis talaga ano? ang daming magugulang. ako naman parati sa taxi, esp kung kasama ko itong asawa ko, kaya kahit na mas mahal, yung hotel taxi na ang parati naming gamit, at least dun alam mo na yung rates. hindi tulad dun sa iba na puti lang ang kasama mo biglang doble agad ang taas nung metro o kaya biglang walang barya na o kaya naman ay dagdag naman miss… pwede ba, mag antay ng tip… minsan mas walang magbibigay kapag ganun kagarapal e

    Komento ni antuken — Nobyembre 15, 2007 @ 10:36 umaga | Sagutin

  4. totoo yang modus operandi na yan, ate kengks. nabiktima ako niyan noon, pero bata pa ako noon. college palang. talagang sa kaunting halaga gugulangan ka nila. kaya kapag sumasakay ako ng bus, usually hindi ako nagbibigay ng malalaking bills. or kung walang isusukli, sasabihan ko na balikan nalang ako kapag may panukli na. alam mo yan ang hindi maintindihan ng ibang mga tao minsan eh. do they honestly think na uunlad ang buhay nila sa mga ganitong paraket-raket? hello.
    kengkay: pero mas grabe na sila ngayon, imagine, may mga bodyguards na sila pang gulo? as in wala ng respeto sa mga kapwa nila. tama ka dyan sa hello mo pao.. dapat magising sila sa katotohanan na ang kalaswaang ginagawa nila ay sa kalaswaan din babagsak

    Komento ni pao — Nobyembre 15, 2007 @ 11:09 umaga | Sagutin

  5. Nangyari rin sa akin yan noon, pagbayad ko hindi agad ibinigay ang sukli ko hanggang bago ako makababa, kung hindi ko pa hiningi malamang hindi na ibibigay kuyari nakalimutan.

    Kung totoo yan, mas grabe na pala modus-operandi nila ngayon! Hay naku!
    kengkay: grabe, sa dami ng nag comment, ibig sabihin totoo nga itong kwentong ito… parang isa syang masamang panaginip na naging totoo

    Komento ni Kiko Matsing — Nobyembre 15, 2007 @ 11:44 umaga | Sagutin

  6. sana yang mga ganyang kwento makarating dun sa mga taong gumagawa ng ganyan. alam nating lahat na maraming maling nangyayari pero hindi lagi nakakarating sa mga dapat gumagawa ng paraan diyan. oh well.
    kengkay: kaya nga dapat maging vigilant tayo… kundi tayo ring mga pang karaniwang pinoy ang papasan nitong sakit ng ulong ito

    Komento ni ris — Nobyembre 15, 2007 @ 1:22 hapon | Sagutin

  7. ako naman ay hindi na masyadong naluluwas ng maynila e pero dapat sa mga putragis na iyan e i-report sa kapulisan. 😕 bigyang-pansin — sort of entrapment operation. malinaw na extortion o pangingikil na rin yan thru intimidation. 😡 tsk tsk tsk.
    kengkay: aha, ibig sabihin asan kang kweba nakatira 🙂 kaya nga sabi ko, pansinin ang tatak ng bus at plate number at kung anong uri ng animal ang gumawa sa kanila nung kalokohan at i report agad. walang ng safe sa mundong ibabaw kapag ganyang ang masama ang maghari at tumahimik lang ang mga mababait dahil sa takot

    Komento ni homebodyhubby — Nobyembre 15, 2007 @ 2:09 hapon | Sagutin

  8. naku naku naku… katakot naman yun. sa totoo lang, hindi na ako umaasang mababago yan. marami talagang demonyo sa lansangan. pray ko na lang na hindi mangyari sa akin, sa pamilya ko, sa mga kakilala ko yan. and about dun sa stay calm part… nakuuuuuuu….. baka masaksak nga ako ng di oras….
    kengkay: si kengkay baka masaksak din. dati may nangholdap sa bus na sakay ako… akala mo natakot ang naka short shorts na si kengkay, op kors not. hiningi ko yung wallet nung kasama ko, sabi ko kunin na lang yung pera, hehehehe. edi bigay naman nila. o kaya kung may ganyang mangyari, dapat kapag sumakay ako ng bus dapat meron akong bullet proof at saksak proof na vest

    Komento ni Lenggai — Nobyembre 15, 2007 @ 2:28 hapon | Sagutin

  9. ako malamang masaksak dahil mahilig akong mang-away. hehe. pero putek, grabe ang mga modus operandi ng mga bus ngayon.
    kengkay: ayan, pareho nga tayong mainit ulo esp kung may nilalamangan sa harap ko mismo.

    Komento ni kurokuroko — Nobyembre 15, 2007 @ 3:52 hapon | Sagutin

  10. Hay naku.. Pinas o Pinas
    Ang ating sariling bansa
    Kelan ka ba maging matino at desente
    Nang kami ay makauwi na
    Makagalaw nang may seguridad
    Makapamuhay ng mapayapa

    God Bless…
    kengkay: my sentiments exactly, amen

    Komento ni Banana — Nobyembre 15, 2007 @ 4:31 hapon | Sagutin

  11. susme! may ganyan palang modus operandi. thank you mami keng for sharing them. sa loob ng 5 taon kong pa-byahe byahe from val to qc…never ko pa na experience yan kase ako, di ako mapakali pag di ako nasusuklian. minsan kase na may mga kundoktor na hinde nag sasabi na mamaya na bibigay yung sukli tapos pag tinanong mo…magagalit pa…kaya lagi ako may barya

    ingat everyone!
    kengkay: naku, mader, mag ingat ka ha. parating magbibit ng barya… ako naman ilang taon na ring umiikot mula monumento hanggang pasay, minsan nga madaling araw pa e. at mag isa pa yan ha. hindi ko inakala na may ganyan…

    Komento ni chuvaness — Nobyembre 15, 2007 @ 5:06 hapon | Sagutin

  12. ang dapat talaga maghanda na lang ng barya bago sumakay o kaya wag muna ibigay ang pera pag buo. kunin na lang muna ulit yung buong pera para siguradong hindi maloloko. tsk
    tsk!
    kengkay: kainis isipin na dapat parating paghandaan na parang may giyera ang pagsakay sa bus samantalang dapat lamang na isang normal na sitwasyon ito sa araw araw di ba

    Komento ni MARU — Nobyembre 15, 2007 @ 10:32 hapon | Sagutin

  13. nagba-bus pa naman ako palagi pagpasok. pero lagi may nakahanda na barya kasi minsan malapit ka na sa babaan mo di pa binibigay yung sukli. kaya nakakadala talaga.
    salamat pala sa pagdalaw sa aking munting bahay.
    add kita sa blogroll ko ha 🙂
    kengkay: mag ingat ka ha. ilista kita sa mga taong parati kong iisipin dahil dyan sa pagsakay sakay mo ng bus… salamat din sa pagdalaw sa aking e-balay

    Komento ni bruhilda — Nobyembre 15, 2007 @ 10:57 hapon | Sagutin

  14. naku kakatakot naman tong modus operanding to..kukuyugin ka ng dahil lang sa sukli mo…pinoy talaga kelan kaya magbabago hay…

    ill tell this sa mga kakilala ko para di sila mabiktima.
    kengkay: dapat malaman ito ng lahat, hindi lang para maiwasan kundi para magawan ito ng paraan at mawala ang mga ganitong garapalang kawalanghiyaan

    Komento ni cdy173 — Nobyembre 15, 2007 @ 11:39 hapon | Sagutin

  15. pag nabasa ng nanay ko balitang to lalo nde ako papayagan magbakasyon mag-isa.
    noong nagbakasyon din pinsan namin eh yong holdap naman sa fx kwento nya, kasi daw kelangan puno yon bago umalis. hindi pa daw nakakalayo eh 2 lalaki daw kasama sa mga pasahero ngsabi hold-up un at hingi lang nla eh cellphone. sa takot ng ate ko eh bigay syempre cp nya pero un daw katabi nya ala maibigay eh sinugatan sa hita. simula non takot na sya sumakay ng FX.
    kengkay: naku, hindi ko alam kung anong reaction ko dito. kasi nanay din ako e. pero mas gusto kong alam ko ang lahat ng nangyayari kesa wala akong alam. kasi am sure baka may mabibigay din sa yong advice si nanay mo. sempre kabado, pero sempre din, kung may tiwala sya sa yo, am sure okay na rin yon. oo, pati sa mga FX na yan, dami ding drama ano, hay

    Komento ni toni — Nobyembre 16, 2007 @ 12:39 umaga | Sagutin

  16. […] to my newly found friends here in the blogosphere… to Kath, Nika, Lex, Pao, Ate Maru, Ate Kengkay, Kuya Selvo, Jojitah, Malen… and special mention ko rin po si lordmanilastone…. to all […]

    Pasa ni Never too late… | lettersfromthesoul.com — Nobyembre 16, 2007 @ 12:49 umaga | Sagutin

  17. grabeng pang hoholdap yan! dapat tinandaan nya yung bus name at body number pwede na yun at isumbong sa pulis kasama ng oras ng pangyayare, ma-trace na don sino naglabas ng bus. heniweys mag ingat na lang tayo lagi.
    kengkay: tama ka dyan, joanjoyce. minsan kasi basta walang nangyari sa isa, tahimik na lang sila. hindi nila alam sa pagiging tahimik nila, mas marami ang biktima at tinutulungan nila ang mga lintek na lalong lumakas ang loob

    Komento ni joanjoyce — Nobyembre 16, 2007 @ 1:14 umaga | Sagutin

  18. oks lang kengkay na i-blog ito. para maging aware at vigilant tayong mga Pinoy sa mga ganitong kaso.

    KUNG UUBRA maganda rin sigurong mag-MRT na lang. yun nga lang tiis ka sa siksikan — sa mababahong hininga at aroma mixture ng cologne at anghit 😆 …eniway sandali lang naman ang kalbaryo mo dahil mabilis naman MRT. siste nga lang pag papasok ka sa opisina, amoy ganun ka na rin ahehe. e di mag-ispray-ispray ka na lang.
    kengkay: ganun na ba talaga ka puno ang MRT ngayon? kasi kapag ginagamit ko yan dati e tiyempong hindi rush hour. dapat pala may baong pang ispray, hindi lang para sa yo kundi pati na sa mga katabi mo. tipong pag pasok mo pa lang e may i spray ka na agad, hehehehe. ubo siguro ang mga tao kapag ganon pero at least mabango lahat, hehehe

    Komento ni homebodyhubby — Nobyembre 16, 2007 @ 1:20 umaga | Sagutin

  19. naranasan ko na din yan sa bus, ilang ulit ko kinulit yung kunduktor about sa sukli ko pero hanggang makababa na ko walang inabot, ang swerte ko nun kasi nakalimutan ko na din kunin… sa jeep ganun din pero pasahero naman, nung inabot yung sukli ko aba binulsa ng ale, siguro walang pera si nanay (matanda na sya) kaya di ko na lang pinahiya. Ang dami talagang mandurugas sa atin, nakakalungkot 😦
    kengkay: hay misyel, kita mo na, pati si lola e may ganung utak na rin minsan. o baka naman makalilimutin na rin si ale… mabuti kamo may extra ka pang pera, pano kung tipid ka na nga tapos binulsa pa, waaahhh

    Komento ni MisyeL — Nobyembre 16, 2007 @ 2:08 umaga | Sagutin

  20. tsk tsk tsk..

    may nakasabay ako dati, ganyan din yung nangyari.. nakakaawa lang sa kanya kasi pauwi yun ng batangas eh, eh tulad ko rin syang estudyante..

    sakto lang yung pamasahe nya papuntang batangas din ata, 100php ung binigay nya.. eh ayaw maniwala nung kundoktor, pati nung driver na may 100php nga syang binigay..

    tsk tsk tsk, modus pala yun. kawawa yung estudyante kasi walang pamasahe yun pauwe, buti may magmalasakit na abutan sya ng pandagdag sa kulang para makauwi sa uuwian..

    di ko rin naman matulungan kasi kulang din ako nun eh, at wala rin akong magagawa kasi di ko nakita yung nangyari talaga..

    tsk tsk tsk..
    kengkay: ayan, yan ang malas talaga. kapag tama lang ang dala mong pera. mabuti naman at may mababait pa talagang pinoy. at mabuhay ka dahil kahit na wala kang pera ay naisip mo pa ring magbigay… i lab you por dat 🙂

    Komento ni sharif_mardan — Nobyembre 16, 2007 @ 2:48 umaga | Sagutin

  21. ay naku.. kaya ako nagpapapalit muna para magkabarya para eksakto lang lagi ang binabayad ko sa jeep at bus. nagkalat talaga ang mga magugulang..
    kengkay: mabuti yan, jojie. at least di na kita iisipin kapag ganyan ka, girl scout! pero ingat ka pa rin

    Komento ni jojie — Nobyembre 16, 2007 @ 3:14 umaga | Sagutin

  22. ka bad3p yung ganun, wel uso na nmn cel na may cam so pag ganun, kung masisimplehan ng pic yung kunduktor mas maige taz i send sa tv, ng maranasan nya mapahiya inde yung nanloloko na xa, napapahiya pa yung ginagago nya na kawawang pasahero ….
    kengkay: oo nga ano, yun lang, ingat din kasi dami ngang nakakalat na amuyong e

    Komento ni koreanmine — Nobyembre 16, 2007 @ 6:33 umaga | Sagutin

  23. At ngayong may camera na ang mga cellphone, kuhanan ng letrato ang mga offending konduktor na ito, at ipagpasapasa sa text o di kaya ipaskil sa kaMaynilaan ang makakapal na mukha nila!
    hmmmp
    kengkay: ayan, tama din yan… kaya lang ingat lang na di mapansin nung mga bardagul ang pag kodak… at ipaskel pati sa mga noo nung mga unggkok, hmp

    Komento ni megamomph — Nobyembre 16, 2007 @ 7:30 umaga | Sagutin

  24. uy! magandang suhestyon yan a. celfon cam. kung kaya ng memory i-video nyo na rin para ma-record buong pangyayari. dapat lang talagang lam nyo suspek kung hindi baka maubos memory sa kabi-video. at kwidaw guys: baka cel nyo naman ang ma-snatch ng isa pang putragek na nasa likod nyo hehe.
    kengkay: hay ano ba yun, tama ka rin dyan. baka gawing hostage ang celpon… ano ba yun, basta mag ingat na lang at be vigilant

    Komento ni homebodyhubby — Nobyembre 16, 2007 @ 8:51 umaga | Sagutin

  25. naku po. kakaibang modus ito. buti na lang hindi ako nag-bu-bus. sa mrt ako sumasakay, para walang konduktor.
    kengkay: mabuti nga kamo at may choice pa di ba? kundi talaga namang lalong dadami ang nalintekan

    Komento ni tim ang — Nobyembre 16, 2007 @ 10:47 umaga | Sagutin

  26. […] Kengkay at ang Holdaper Dahil sa garapalang nangyayari sa pagiging commuter sa Pinas ay bigla kong na-alala ang isa sa mga naging highlights ko as […]

    Pasa ni Si Kengkay at ang Holdaper « kwentong kengkay — Nobyembre 16, 2007 @ 4:03 hapon | Sagutin

  27. ay dyosko! nakakatakot nmn yan! lagi pa naman ako nagbabus once in aweek pa mandin! waaaaaH!
    kengkay: ingat ka lang, eloiski… basta parating kalmado dapat 🙂

    Komento ni eloiski — Nobyembre 18, 2007 @ 12:20 umaga | Sagutin

  28. finorward ito sa kin ng kapatid ko, na pinost ko naman…tsaka ko naman naisip na maghanap pa sa mundo ng cyberspace kung tutuo o hindi ito…at nakita ko nga itong blog mo…tnx!
    kengkay: alam mo, sabi ko nga, i post ko nga ito kasi mukhang dapat malaman ng marami e. kung totoo man o hindi…kasi isa itong kabaliwan na dapat hindi maging totoo at kung maging totoo man e sana matapos agad

    Komento ni c5 — Nobyembre 22, 2007 @ 2:01 umaga | Sagutin

  29. kung saakin nila gawin yun mag kakamatayan kami mapipilitan silang patayin ako dapat yang mga ganyang mandurugas nilalagyan ng Sile sa mata at hiwain ang ari

    Komento ni Dracx — Agosto 8, 2008 @ 4:12 hapon | Sagutin

  30. balak ko pa naman sana luluwas ng maynila para magtrabaho. parang nakakatakot naman yan. ito lang masasabi ko, ganito na ba talaga kahirap ang bayan natin kaya pati panukli eh nanakawin pa? maliit lang naman ang halaga niyan, pero kung palagi naman mangyayari ang ganyang modus eh nakaka perwisyo naman yan sa araw2x na buhay natin. meron din akong experience na ganyan, nagkataon mainit ang ulo ko kaya nawalan ako ng control sa sarili ko at nakipag basagan na ako ng mukha. buti nalang mas matangkad ako sa kanila kaya naging madali sa akin ang makipag basagan ng ulo sa kanila.

    ang maipapayo ko lang, kung sa tingin niyo eh wala talaga kayong kalaban-laban pag nagkagulo, hayaan niyo nalang mabusog at magkalaman ang kanilang tiyan sa marumi nilang gawain.

    Komento ni Kyoshiro — Abril 26, 2010 @ 11:07 umaga | Sagutin

  31. mka engkwentro sana ako ng ganyan gulay aabutin sakin ng mga yan ibubuhol ko sa manibela ng bus nila yan saka dadalin ko sa presinto

    Komento ni ron — Setyembre 20, 2010 @ 1:05 hapon | Sagutin

  32. saturday night live can? suck it!. . mad tv is the strongiest….. visit http://goo.gl/HNBgn to watch pinoy tv shows

    Komento ni Martha — Nobyembre 24, 2012 @ 4:17 hapon | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: