Kwentong Kengkay

Nobyembre 16, 2007

Uuwi Na Ang Nanay Kong si Darna

Filed under: Duon sa Amin,Hmmmm,Kwentong Nanay,Mabuhay ang Pinoy,Pinas — kengkay @ 8:49 umaga

Isang patalastas mula sa proud pinoy na puso ni kengkay. 

Sino nga ba si Darna sa buhay nating mga Pinoy? Siya ang Pinoy wonder woman sa komiks ni Mars Ravelo. Sa sinehan naman ay napunta sya sa katauhan ni Vilma Santos nuong 70s, at napalitan ng mukha nina Nanette Medved at Sharon Cuneta; samantalang si Angel Locsin naman ang nananatiling Darna sa telebisyon ngayon.

Pero bakit naman biglang naging nanay si Darna? Ito ay dahil sa imahinasyon ni Edgar Samar. Sa kanya ay hindi lamang wonder woman si Darna kundi sya rin ang super heroin na nakikita nya sa mga nanay na OFWs. Kaya naman ang titulong ‘Uuwi na ang Nanay Kong si Darna.’

Ang librong ito ay nanalo ng Grand Prize sa 2002 Salanga Writer’s Prize. Ilustrasyon galing kay Russell Molina. At tungkol saan naman ang librong ito? Ito ay tungkol sa isang OFW nanay, sa paningin ng kanyang anak, ayon sa kwento ng kanyang tatay. Dito sinalaysay kung gaano kagaling ang mga nanay na asa labas ng bansa. Kung bakit sila importante sa mga empleyo nila sa ibang bansa. At kung bakit sila nagsakripisyong iwan ang kanilang pamilya upang mag-trabaho sa ibang bansa.

Ito ay isang librong nagbibigay pugay sa mga nanay na OFWs. Ito ang isang librong pinagkakakitaan ng respeto sa mga sakripisyo ng isang ina. At ito ang isang libro na pinagkakakitaan ng positibong pananaw sa mga OFWs. Eto ang book review na galing sa isang nanay.

Klik nyo kung gusto nyo naman silipin ang libro.

img_0310.jpegAng sigurado ko lang, idadagdag ko itong librong ito sa mga Tagalog/English collection ng aking mga bulilits. Bibili ako nito pag-uwi ko ng Pinas, pramis yan. Banana, baka gusto mo ring bilhan ang kyut bebi mo para malaman nya kung ano ang powers ng nanay nya 😀

Sempre para din ito sa mga tatay na OFWs… may powers din ang mga tatay di ba? Antay tayo baka may magsulat ng librong ‘Darating na ang Tatay Kong si Lastikman.’ Hmm, teka nga masimulan na ang pagsusulat…

Advertisements

5 mga puna »

  1. mabuti at nage-evolve din ang story-telling ng Pinoy. sana na-portray din yung mga kontrabida sa buhay ng OFWs (illegal recruiters, abusadong amo, etc)… 🙂
    kengkay: kapag kontrabida, hindi na yun pang children’s book, pang horror na yon, hehe

    Komento ni taroogs — Nobyembre 16, 2007 @ 9:08 umaga | Sagutin

  2. Pag-uwi mo, EB tayo sa Adarna House, which I have blogged about previously dito, hehehe. Ikaw din ata ang nag-comment. 🙂
    kengkay: arrgh, wag mo kong pilitin, hehehe. oo nabasa ko nga yang blog mo na yan. type ko yan sempre.

    Komento ni MegaMom — Nobyembre 16, 2007 @ 9:15 umaga | Sagutin

  3. sige pag-uwi ko bibili din ako ng kopya. 🙂 hindi ba siya available online?
    kengkay: mukhang hindi e. wala akong nakita nung nag search ako e.

    Komento ni Meeya — Nobyembre 16, 2007 @ 8:59 hapon | Sagutin

  4. […] OFW blogs about the story at Kwentong Kengkay last November 16, 2007. Among her comments are: “Ito ay isang librong nagbibigay-pugay [sic] […]

    Pasa ni Uuwi na ang Nanay Kong si Darna! | Atisan — Enero 1, 2013 @ 6:03 hapon | Sagutin

  5. […] OFW blogs about the story at Kwentong Kengkay last November 16, 2007. Among her comments are: “Ito ay isang librong nagbibigay-pugay [sic] […]

    Pasa ni Uuwi na ang Nanay Kong si Darna! | Atisan Archives — Setyembre 9, 2013 @ 3:08 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: