Kwentong Kengkay

Nobyembre 17, 2007

Time Out

Filed under: Dito sa Amin,Hmmmm,Kwentong Bulilit,Kwentong Nanay,Oyropa Ko — kengkay @ 12:57 hapon

Talaga naman, pati time out e nakuha pang i-blog ano, hehe.

Time out muna ang nanay kengkay sa pagblog at may sakit ang aking bunsoy. Pinuyat kami kagabi. Akyat baba at akyat baba kami. Palit ng damit. Shower. Palit ng damit. Shower. Tapos sempre ang huli, pinalitan ang mga bedsheets. Alam nyo na siguro kung anong nangyayari kapag ganyang istorya.

At hindi lang yon, kaninang umaga naman tumawag ang aking sister in law. Ang aking parents in law ay bagsak din. Pupunta daw sya don. Di pa raw nag almusal yung dalawa e mantalang alas nuebe na ng umaga. Sinabi ko agad na may sakit din si bunso. Kasi alam ko, kasunod non, ang request din na dalawin namin ang dalawa. Kaso hindi pwede e. Sabi ko na lang na ipag grocery na lang ang mga matanda ni kengkoy. Pero maiwan ako at ang mga bata sa bahay.

Ang mahirap nun, mag-isa lang ang dalawa sa bahay. Di naman kalayuan dito, pero kahit na. Mahirap pa rin dahil hindi talaga nila kayang tumayo mula sa kama. Tapos ang kwarto pa nila ay asa taas at ang kusina ay asa ibaba. Mabuti kamo at may bath at toilet sila sa itaas. Andun nga ang asawa ko ngayon at pinag-grocery sila. Kapag Linggo kasi lahat ng tindahan dito sarado at walang 7/11 sa kanto. May mga gasoline stations na bukas pero naman, ginto ang presyo ng bilihin ano. At mamayang hapunan, dapat balikan sila para paglutuin ng sopas. At sana ay gumaling agad sila at tuloy tuloy ang tulog nila mamayang gabi.

Si bunsoy ay tulog lang ng tulog. Pero gusto nyang yakap nya si nanay kengkay kapag ganun. Lambing di ba? At sempre, sya ang prinsesa ngayon at ako ang kanyang mayordoma. Lahat ng gusto nya masusunod. Nagpa-alam lang ako ng sandali para mag-blog ng time out.

O sya, time out na talaga.

P.S. Kailangan ko lang mailabas ito…

Dumating na si kengkoy galing sa nanay at tatay nya. Eto tema ng chikahan nilang mag-anak.

Kengkoy: ‘O sige, uwi na ako. Kapag may kailangan kayo, tawag lang sa telepono.’

Tatay ni Kengkoy: ‘E pano kung patay na kami, pano kami tatawag:’

Kengkoy: ‘Aba, edi tumawag kayo mula sa langit.’

Nanay ni Kengkoy: ‘Naku, kapag andun na kami mahirap ng humanap ng linya dun ano.’

Hmmm…. 😀

Advertisements

9 mga puna »

  1. i hope your little princess will get well soon…and pati na din ang in laws. mukhang cool ang in laws mo mami keng, nakuha pang mag joke. hahhaha
    kengkay: tenks ha… okay na ang buong pamilya ulit… tama ka, cool sa coolness itong mga in laws ko talaga

    Komento ni chuvaness — Nobyembre 17, 2007 @ 2:43 hapon | Sagutin

  2. yay! ang hirap pa namang mag alaga ng maliit na may sakit. lalo kung di marunong i-express ang nararamdaman, nakakabaliw.

    i hope it’s nothing bad, mommy kenks. 🙂
    kengkay: salamat jun… medyo nasasabi na naman nya kung ano masakit sa kanya yun nga lang mahaba ang kwentuhan at minsan huli kapag sasabihin nyang ‘lalabas na’ kung sa baba man o sa taas, hehehe

    Komento ni junanteola — Nobyembre 17, 2007 @ 6:29 hapon | Sagutin

  3. hahaha! nakuha pang magpatawa ng dalawang matanda a.
    well, sana nga gumaling na agad si bunso. cool lang mamikeng….ganyan talaga… masarap na mahirap ang maging nanay.
    kengkay: salamat, maru. di ba ang mga nanay bawal magkasakit 🙂

    Komento ni MARU — Nobyembre 17, 2007 @ 11:48 hapon | Sagutin

  4. pakisabi pagaling sya’ yung baby ko kakagaling lang din sa lagnat, pero okei na ngayon, dinala lang namin sa mall at pinag ice skating’ minsan pag may sakit yun mas mahirap pag naka bed rest sabi nga parang inaalagaan pa yung sakit.. haays’ tama si maru mahirap na masarap.. lahat dinadaanan talaga, kung pwede lang natin akuin lahat ng sakit at puro laro at lambing na lang sila habambuhay, okei sana’
    kengkay: salamat jon. tama ka, kapag may sakit, kung kaya naman nilang tumayo e dapat pabayaan silang gumalaw. mas lalong nakakapang-hina daw yon kapag nakalatag lang sa kama. kaya nga ayun at naglaro agad sa snow e 🙂 ang sarap mo sigurong tatay, jon ano? siguradong proud na proud sa iyo si little princess mo.

    Komento ni Jon Cabron — Nobyembre 18, 2007 @ 12:31 umaga | Sagutin

  5. hahaha kakatawa naman ang parents ni kengkoy!

    i hope na magaling na ang chikiting mo…
    kengkay: salamat rhapsody… minsan e komedi talaga dito sa baryo namin e

    Komento ni Rhapsody — Nobyembre 18, 2007 @ 6:51 umaga | Sagutin

  6. ate kengks, sana gumaling n nga c bunsoy mo.. hintay ka namin..
    kengkay: salamat dhez… mabilis naman gumaling ang mga bata e.

    Komento ni dhez — Nobyembre 18, 2007 @ 7:50 umaga | Sagutin

  7. Haaay, kengkay, pareho pala tayo ng kasalukuyang sinapit sa buhay… I just posted about my experience too. may sakit din ang isa sa mga triplets. Hope your bunso feels better soon,
    kengkay: naku… mas mahirap sa yo kasi tatlong maliit ang andyan sa bahay e… pero i am sure madali ring maka recover yan.. basta ang nanay e okay, okay na rin ang mga maliliit di ba?

    Komento ni megamomph — Nobyembre 18, 2007 @ 12:16 hapon | Sagutin

  8. te kengs… sana maging healthy na ulit ang bebes mo… 😦

    buti naman at nailabas mo sa ending… kelangan talaga natin ng sense of humor… 😉
    kengkay: hindi ako mabubuhay ng walang comedy, waaaahhh 😀 salamat ha, lenggai!

    Komento ni Lenggai — Nobyembre 18, 2007 @ 5:01 hapon | Sagutin

  9. Ang lupit ng adventures ng parents minsan hehehe. Sabi nga ng nanay ko. may hirap pero mas higit ang saya ng magpamilya. gleng ng site!
    kengkay: tama si nanay mo… mas maraming masaya pero mas maraming makulet dito sa bahay namin, hahahaha

    Komento ni iceyelo — Nobyembre 21, 2007 @ 6:35 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: