Kwentong Kengkay

Nobyembre 18, 2007

Okay na si bunsoy…

Filed under: Aruuuhh,Dito sa Amin,Europe,Kwentong Bulilit,Kwentong Nanay,Oyropa Ko — kengkay @ 5:30 hapon

Pag bata talaga, ang bilis remesbak kapag galing sa sakit. Itinulog lang nya halos ang buong Saberdey. Gigising para uminom ng tsaa at kumain ng biskwit. Tapos nung hapunan na, talagang naglatag kami sa sala para naman ganahan din sya kumain. Ayun, konting sopas na may noodles at hinaluan ng kanin…kumain naman kahit konti. Ang talagang nilantakan nya ang dalawang mansanas at mga ubas.

Antay nga ako kinagabihan kung bibigay ulit, pero wala na… tuloy tuloy ang tulog nya. Si nanay kengkay naman ang walang tulog kasi sempre, bawat balikwas nung anak ko e bantay ang drama ko. Pero okay na sya ulit. Salamat sa mga ka-blag ko na nagdagdag ng TLC. Ang saya talaga. Parang ang dami kongΒ katu-katulong sa tabi ko kahit na asa malayo kayo.

Pati ang aking mga in laws, medyo okay na rin. Naghatid ako ng sopas sa kanila para sa hapunan. Pinagmaneho ako ng asawa ko papunta sa kanila. Mahirap naman bitbitin ang sopas na mainit ng halos sampung minuto lakbay di ba? Ang lamig pa naman dito ngayon. Sempre, sabi ko kay kengkoy e siguraduhin muna naming buhay pa ang mga matatanda bago nya ako iwan. Oo, diretso ang taktak ng dila ko… e kung kayo kaya ang asa lagay ko? Ay, pwede ba…

Natawa nga si kengkoy nung sinabi ko yun e. SempreΒ nung nakita naming buhay pa ang matatanda, balik agadΒ sya sa bahay. Kasi naiwang magisa ang dalawang bulinggit. Yan ang hirap din kapag asa malayo e, walang mahatak na tagabantay agad. Mabuti kamo dumating na ang aming mga tenants na umuupa sa ibaba namin, kaya rin pwedeng iwan ang mga bata kahit na limang minuto na mag-isa. Actually, kung walang maiiwan sa kanila, kakalabit ako sa isa sa mga ka YM ko kung pwede i-babysit ang mga little kengkays per webcam πŸ˜€

So anong ginawa namin ngayong maghapon? Eto…

snow-059.jpg

Advertisements

15 mga puna »

  1. waw snow!! ambilis naman… mag gegetwell palang ako kay bunsoy at papadalhan ko sana ng lollipop, magaling na agad…
    kengkay: am sure kapag sinabi kong may lollipop e mag da-drama ulit yon, eheheeh. tenks por da tot πŸ˜€

    Komento ni defpotec — Nobyembre 19, 2007 @ 1:23 umaga | Sagutin

  2. waaa,, snow.. ^_^

    buti magaling na po ung mga kiddos, nakapaglaro na rin tuloy sila sa snow.. πŸ™‚
    kengkay: buti nga karmi mabilis syang gumaling… kundi tunaw agad yung snow, hehe

    Komento ni karmi — Nobyembre 19, 2007 @ 1:26 umaga | Sagutin

  3. salamat naman at magaling na ang bunsong kengkay. pero ate kengks pwede ko magbaby sit ha. may I sit lang kami. πŸ˜†
    kengkay: hindi ko nga maintindihan kung bakit babysitting ang tawag sa isang trabahong walang kinalaman sa sit, hayyyy

    Komento ni jojie — Nobyembre 19, 2007 @ 3:05 umaga | Sagutin

  4. Galing talaga ng Super Mommy Kengks! The best mommy in the world! Pero inggit ako sa snow. Huhuhuhu….Tsalap tsalap sa snow. πŸ™‚
    kengkay: pinataba mo naman ang puso ko sa iyong compliment, lav πŸ˜€ salamat ng maraming marami. wag ka na mainggit sa snow, just make sure na hindi illegal yung recruiter mo para makalipad ka na dito sa may isnow…

    Komento ni Ambo — Nobyembre 19, 2007 @ 4:05 umaga | Sagutin

  5. my white christmas! n pla s pinas hehehe!! buti magaling n ang bunsoy!!!! galing mo mommy.. sama ako sa snow!!!
    kengkay: hi repah… paki bato naman sa akin ang iyong blog URL para mabisita kita.. pano kita masama sa snow nyan, hehehe

    Komento ni repah — Nobyembre 19, 2007 @ 4:36 umaga | Sagutin

  6. mi kengs,hindi ka nagiisa! yung maldita ko rin dito may sipon at ubo.Buti naman ok na si bebe mo! purwesyo anoh? hayy

    aga aga to monday pa,may tag ka! hahaha

    have a lovely week kengs! sana sing lably natin acheechee:D
    kengkay: lably na talaga, at kasing lably natin sempre… salamat sa tag, weeeee — natabunan na ako ng tags, hehe

    Komento ni cheh — Nobyembre 19, 2007 @ 6:01 umaga | Sagutin

  7. magaling na ang baby kaya pagawa-gawa na lang ng snowman… kainggit naman πŸ˜€
    kengkay: lakwatsa time kasi linggo e πŸ˜€

    Komento ni Rhapsody — Nobyembre 19, 2007 @ 7:03 umaga | Sagutin

  8. sarap mag halo-halo diyan a:D
    kengkay: mas masarap halo halo sa pinas. dito kasi may halong ebaks ng kung ano anong hayop ang yelo e, yikessss

    Komento ni MARU — Nobyembre 19, 2007 @ 8:57 umaga | Sagutin

  9. I’m glad to hear everyone’s well on their way to recovery! Although mamu hindi man lang nabalitaan na nagkasakit sila. Sori ha at medyo na-busy ang friend mo. May webcam ka pala. Naku, chat tayo one time πŸ™‚

    By the way, please go to http://www.thegoddessinyou.co.uk/ and read the TWELVE MONTHS post. I have tagged you and that’s where you will find the rules. I look forward to reading your response to that meme. Do let me know please when you’ve done it. Have a good week!

    joy
    The Goddess In You
    kengkay: huy, andyan ka na ba πŸ˜€ isang araw lang bumigay ang bunsoy ko… ngayon e makulit na naman… okay, may assignment ulit ako sa yo. gawin ko yan, pramis.

    Komento ni joy — Nobyembre 19, 2007 @ 10:07 umaga | Sagutin

  10. kengky… yaya… cook… nurse… pwede ako nyan kenks baka type mo akong iimport hehehe mabuti naman at ok na ang bubwit mo mas mabilis magrecover ang mga yan kesa mga matatanda.
    kengkay: tama ka dyan, selvi dir. kapag bata mas mabilis mag-ipon ng lakas.. kung malapit lang kayo dito, am sure e import na kita, hehe

    Komento ni S3lv0 — Nobyembre 19, 2007 @ 11:00 umaga | Sagutin

  11. yey!!! saya naman nun! isnowers!

    glad ok na bebe mo te… πŸ™‚
    kengkay: salamat lenggai… naghanap kami talaga ng isnow ano, hehe..

    Komento ni Lenggai — Nobyembre 19, 2007 @ 1:58 hapon | Sagutin

  12. waaaaaaaaaahhhhhhh..NIYEBEEEEEEEE

    naiinggit ako. kahit minsan man lang sana sa lifetime ko eh maka experience ako nyan. hahahaha

    glad your kid is ok na mami keng. lagnat laki yata yun ehehehhe
    kengkay: am sure, dahil sa epektib social climbing skills na minana mo kay reyna ay makakakita ka rin ng isnow… πŸ˜€

    Komento ni chuvaness — Nobyembre 19, 2007 @ 8:58 hapon | Sagutin

  13. yikes, snow! isipin ko lang na kailangang mag shovel at mag de-ice, ayoko na. Glad bunso is better. Ingatan lang, baka mabinat. πŸ™‚
    kengkay: hehe megamom, mild winter lang dito sa amin. halos walang isnow, yang snow na yan e dinayo pa namin talaga sa bundok. bunsoy is ok, parang walang nangyari

    Komento ni megamomph — Nobyembre 19, 2007 @ 11:33 hapon | Sagutin

  14. yey, magaling na si bunsoy! at yey, wala kaming snow dito hehe. di ko yan nami-miss kasi ako ang nagkakasakit pag may snow. πŸ˜› ako rin pwede magvolunteer magbabysit πŸ™‚
    kengkay: uy mami meeya.. sige, kapag gawa na ang pc namin bigay ko sa yo YM ko, hehehe… virtual babysitter

    Komento ni Meeya — Nobyembre 20, 2007 @ 4:41 hapon | Sagutin

  15. Tita baka lagnat-laki lang iyan πŸ˜‰ eniway, at least magaling na, ngayon ko lang nabalitaan. πŸ˜›
    si kengkoy ba yun? bakit naka-sideview naman…
    kengkay: naku, kumakalat ang sakit na stomache flu — ngayon naman e yung buong kasambahay ng aking sister in law ang bumigay, hayzzz… i hope walang tamaan ulit sa pamilya esp wag na ulit yung mga kids. si kengkoy parating naka side view kasi daw shy sya, weeee

    Komento ni homebodyhubby — Nobyembre 21, 2007 @ 6:32 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: