Kwentong Kengkay

Nobyembre 23, 2007

Kasi gusto ko ng pizza

Alam nyo na dito sa Alemanya, may pagka boring kapag food delivery ang pag-uusapan. Sa totoo lang, halos walang food delivery dito.

Sobrang kakamiss ang Pinas kapag ganyan e. Kasi naman sa atin kahit na sa kanto lang yung tindahan minsan pwedeng i deliver sa mismong kwarto mo pa dala bitbitin ni manong yung lugaw, especially kung may sakit ka. Pero karamihan e dahil lang sa tamad ka. At sempre andyan at nakakalat sa pagitan ng mga lumang diyaryo yung telepono and special offer ng pizza, mcdo, jollibee, kfc, wendy’s, gotohan, tapsihan, chowking, at kung ano ano pa. Lintek, tulo laway ko ng kalilista pa lang ha. Isipin ko pa lang yung two for one, three for two, buy one take one, free pepsi for one large pizza, bottomless iced tea (teka wala pala nun kapag delivery, hehe) at kung ano-ano pang nakakatulo laway na special offers na kahit hindi mo naman kinakain e mapapabili ka.

Heniway, wag mo ng itanong kung may mcdo, kfc, pizza dito; meron nga pero wala silang delivery! Oo, wala silang delivery, waaaaah! Kung gusto mong kumain ng pagkain nila, puntahan mo sila sa pinakamalapit na siudad kung saan sila. Ayos din kung may drive thru di ba? Kaso mo hindi lahat ng tindahan may drive thru. Kung naka pajama ka, dapat lumabas ka pa at pumasok sa mismong counter. Kaka-inis di ba? Parang gusto mo lang naman mag satisfy ng cravings mo tapos ipapahiya mo pa ang sarili mo, hmp! Pero teka, bakit ka naman mag pajama e minsan alas otso pa lang ng gabi e sarado na mga tindahan nila ano. Wala talaga, gutom ang abutin mo.

E kanina nag hanap ang bituka ko ng pizza. Mabuti na lang at hindi ko tinapon yung mga flyers na may delivery offers. May nagde-deliver sa oras ng lunch. Yipeee. Hay ano pa nga ba, minsan ang oras ng delivery nila e simula alas dos ng hapon pa, minsan nga e alas singko pa kamo ng hapon. Para bang wala kang karapatang kumain ng lunch o merienda! At sempre, mas masarap sana kung yung mismong Italian pizza ang makuha mo, pero kasama sila sa mga tindahan na pa hard to get e. Kumbaga, alas dos pa ng hapon ang bukas ng tindahan nila at ibig sabihin, walang delivery sa tanghali. Dahil sa gutom, wala ng paki ang tiyan ko.

O di mag tiis si kengkay ng Italian pizza na gawa ng mga turkish. At dahil ang free delivery e may price range, dinagdagan ko sempre ng enchilada… oo, enchiladang gawa din ng turkish. Ay ewan ko ba…basta nakakain kami ng pizza. Yung enchilada, total disappointment kasi naman pinutakte ng sili. Aray ko, nag-init lang ang dila ko. Last taym ko na tong mag home delivery. Neks taym dun na lang ako sa tunay na Italian pizzeria sa kanto. Yun nga lang, may I calling ka sa for your order tapos may I sundo ka sa order mo. Hayzzz, di para sa mga katulad kong may pagka-tamad. 

 books-007.jpg

Basta pag uwi ko sa Pinas, mga tatlong beses akong magmi-midnight snacks, hehehe. Babawi ako sa mga na miss kong pagkain! Babawi ako sa mga na miss kong midnight snacks. Sama kayo?

Advertisements

23 mga puna »

  1. When we were newlyweds siguro 5x a week kami nagpapa-deliver ng hapunan… mas mura pa minsan kaysa magluto para sa dalawang tao e. Nami-miss ko din yun, lalo na yung Palm Card ng Pizza Hut! Free Hawaiian pizza of the same size for every pizza you order, yum!

    Dito din, Lebanese, Turks, Iraqis ang mga business-minded na nagbubukas ng pizza stores. May kakaibang mga pizza din ba diyan na may curry, o bearnaise sauce, o sunny side up egg? At “pizza salad”?
    kengkay: sa pinas mas mura magpa deliver, pero dito mas mahal talaga, hay… kaya this is not a regular luxury lalo pa’t si hubs ko e ayaw ng mga ganyang pagkain, hehe…dami ring kakaibang pizza dito tulad ng panay prutas ang topping o kaya naman ay pizza ice cream, hahaha

    Komento ni Christianne — Nobyembre 23, 2007 @ 9:42 hapon | Sagutin

  2. Kami ni Thom eh staple ang pizza and pasta sa bahay! Chaka ng Pizza Hut dito – syempre kaya vegetarian kami. Nye. Mas malasa sa Manila. Pero may masarap na pizza dito – yung Pizza Express, one of the best margherita pizzas in the world. Padalan kita? And don’t ask me about deliveries – super mahal! Alam mo naman dito pati hangin may bayad.

    joy
    The Goddess In You
    kengkay: buti ka pa, my hubs di masyado gusto ng ganyang pagkain. mas type nya mga homemade talaga e. mabuti na lang masipag sya magluto, hehe. kain na lang tayo dyan sa pizza express kapag dinalaw ka namin 😀

    Komento ni joy — Nobyembre 23, 2007 @ 11:16 hapon | Sagutin

  3. ayan gusto ko na tuloy ulit ng pizza. 🙂
    kengkay: ikain mo rin ako ha.

    Komento ni jojie — Nobyembre 24, 2007 @ 12:04 umaga | Sagutin

  4. hehehehe di ka naman naglilihi sis?
    naku pinaglihihan ko yan..tapos minsan lalabas tatay ko tinanong ako kung ano gusto ko, sabi ko pizza pero sabi ko kailangan kung hindi sa greenwich e sa shakeys o sa pizza hut..aba ang tatay ko pagdating may dalang pizza pero pizza pie sa kanto …..di ko malaman gagawin ko kung aayawan ko o tatanggapin ko…tinanggap ko sya pero di nya alam binigay ko sa mga pinsan ko….pero infairness nung buntis lang naman ako noon, now kahit na anong pizza bigay mo sa kin lalantakan ko 🙂
    kengkay: nung naglilihi ako dito, di ako makakain ng kahit anong iluto nung asawa ko. sa mcdo lang ako kumakain, ahahaha… as in shock na shock ang asawa ko kasi ayaw na ayaw nun ng fastfood e. kaya ayun, bigla natuto si kengkay magluto ng pinoy food kasi nga hirap, walang delivery e. minsan may masarap naman na pizza sa kanto di ba, pero minsan, di rin masarap…

    Komento ni manilenya — Nobyembre 24, 2007 @ 1:58 umaga | Sagutin

  5. My goodness. Bakit naman walang delivery ang iba dyan? Di kaya 10 kilometro ang lalakbayin kaya ayaw ng delivery harharhar. Naku Mommy Kengks, madami ka ng matitikmang ibat-ibang klase ng Pizza dito. Me sisig pizza, adobo, taco, pinakbet, kare-kare, sinigang, nilaga, lechon, echos! lols. 4 dyan tama hehehe. Naku pizza lover ako nagutom tuloy ako. Hays…..
    kengkay: grabe, totoo ba yang sinasabi mo, ambo? very exotic na ang mga flavors… uwing uwi na bigla ako.. hahaha sana pagdating ko e lahat nung flavors na yan e abelabel na.

    Komento ni Ambo — Nobyembre 24, 2007 @ 1:58 umaga | Sagutin

  6. masarap talaga ang pizza hehe kaso namimiss ko na din kasi diet ako e.. hmmm pwede naman mag cheat.. makabili nga muna 😛
    kengkay: basta pizza walang diet diet, hehehe

    Komento ni joanjoyce — Nobyembre 24, 2007 @ 2:58 umaga | Sagutin

  7. mommy kengks sama ako.. tsibog tsibog tayo…
    kengkay: tsibogan taym.. weeee. tawid tawid lang tayo sa mga kanto kantong tindahan, hahaha

    Komento ni repah — Nobyembre 24, 2007 @ 3:31 umaga | Sagutin

  8. waaaah! walang delivery! di ko ata kaya yun!

    okie lang yan! bawi ka na lang dito pag uwi mo dito sa pinas! Sama din ako sa tsibog! hehe! Apir!
    kengkay: apir din… 😀

    Komento ni YouAreYou — Nobyembre 24, 2007 @ 3:59 umaga | Sagutin

  9. pa comment ulit! link po kita ah! *LINK* ayan tapos na… 😀
    kengkay: comment lang ng comment, hahaha. linkanan din 😀

    Komento ni YouAreYou — Nobyembre 24, 2007 @ 4:00 umaga | Sagutin

  10. pizza pala.. napost ko na yung spanish bread na tinatanong mo kengks! at san sakong salamat sa pinadala mo! super tuwa ko yes!
    kengkay: sarap ng pizza pero masarap din ang spanish bread, tagal ko ng na miss yang lasa nyan. welkam, welkam 😀

    Komento ni sawn — Nobyembre 24, 2007 @ 6:53 umaga | Sagutin

  11. naku sis kengks… sarap tlga ng pizza… tama rin si ambo, super dami n ng choices ng pizza sten. smen nga sa marikina, meron akong fave na pizza parlor, ang mura kaya ng pizza nila pero sobrang patok ang sisig pizza nila! yummy!
    kengkay: talagang may sisig na pizza, yummy siguro talaga yan ano? matikman ko kaya yung pizza dyan sa fave pizza parlor mo, hehe

    Komento ni mhel — Nobyembre 24, 2007 @ 7:14 umaga | Sagutin

  12. waaaaaaaaaaaaaah! gusto ko rin tuloy magpa-deliver NOW NA! hehehe. tnx nga po pala sa pagbisita sa blog ko ha. dun sa http://akosifau.wordpress.com, inadd po kita sa blogroll ko and i hope na i-add mo din po ako. hehehe!
    kengkay: waaaaaaa 😀 ako gusto ko ulit pero ayaw nung asawa ko, hahaha. ayan, na add na kita de vah

    Komento ni rakatak — Nobyembre 24, 2007 @ 10:03 umaga | Sagutin

  13. Uy sama talaga ako sa nga foodtrip pag nasa pinas ka na! Hehehe! 🙂
    Oo nga pala alam mo na ba yung tour ni carlos celdran? Mukhang ok din ninyong i-try yun, heto yung site niya, http://celdrantours.blogspot.com/
    kengkay: basta ipagluto mo muna ako ng sisig, hehe. sige nga, bisitahin ko yang site na yan

    Komento ni Kiko Matsing — Nobyembre 24, 2007 @ 12:19 hapon | Sagutin

  14. penge ms kengs ehehe.. oo nga swerte d2, lahat pede padeliver.. naalala ko, may bisita kmi sa ofis galing estets, nagtaka talaga sya na nagdedeliver yun mcdo, sabi nya ngayon lng nya nalaman na pede pala un, wala daw sa bundok nila ang ganun (haha sila pa ang tagabundok eh), sinabi ko just dial 8-MCDO.. ewan ko lng kung nidial nga nya yan nung umuwi sya sa bundok nila. hehe 😛
    kengkay: pwede din kaya ako mag dial dito? gano kaya katagal ang delivery, hehehe

    Komento ni lilmiz — Nobyembre 24, 2007 @ 2:15 hapon | Sagutin

  15. naku te kengks! dumarami na ang gigimikan natin pagdating mo ditech!!!! patitikimin pa kita ng mainit na chocolate cake na maymainit na chocolate syrup sa ilalim at vanilla iice cream with konting butter on top… 😀
    kengkay: feeling ko lomobo agad ako pagkabasa ko pa lang ng tsokolate at butter, hehehe

    Komento ni Lenggai — Nobyembre 24, 2007 @ 5:52 hapon | Sagutin

  16. Naku ha – iniintay na talaga kita!!! I will definitely take you to Pizza Express at sa aking paborit na Italians restos! Walang biro – kita kits naman tayo sa spring or early summer. Sige na 😀

    Salamat po sa pakikinig kanina sa Usapang Pinoy. Your presence always makes me smile.

    joy
    The Goddess In You
    kengkay: let me check with hubs about that. muntik nga akong di makapag log in kanina kasi dumating si opa sa bahay e. buti na lang pinauwi agad nung asawa ko, hehehe

    Komento ni joy — Nobyembre 24, 2007 @ 6:42 hapon | Sagutin

  17. ang laki ng pic ng pizza… waah! 7am pa lang naghahanap na ako ng pizza.. hehehe ate kengks salamat nga pala sa info sa paint 😉 hehe
    kengkay: welkam, talagang kinulit ko asawa ko tungkol sa pinturang yon. ngayon padalhan mo din ako ng pizza, ahahaha

    Komento ni JeanGrey — Nobyembre 24, 2007 @ 10:02 hapon | Sagutin

  18. halu…! 😀 wala pa kong bagong post, ading. napasilip lang kasi nakaamoy akong me pa-MERYENDA ka 😆 ahehe
    syanga pala… sabi ng misis ko pag-uwi mo, dala ka ng isang BABY BOY na Alemanya. ire-reimburse na lang namin sayo ang excess baggage. aheheh
    kengkay: wahahaha, tuwang tuwa ako dito sa comment mo. parang ganun ganun lang, hmp. di bale, kapag may napulot ako, bitbitin ko agad para sa inyong dalawa.

    Komento ni homebodyhubby — Nobyembre 24, 2007 @ 11:46 hapon | Sagutin

  19. andami na ng pupuntahan mo at kakainin mo pag-uwi mo dito mommy kengks. baka lumobo ka nyan at di ka na makilala ng friends en family mo sa alemanya. hahaha. sama ako sa foodtripping na yan!
    kengkay: sige, sama ka din. sanay na kami ng ganyan. kapag asa pinas kami e super tabaan kami. kaya naman bago kami umuwi ng pinas e todong aerobics at diet, ahahaha

    Komento ni antuken — Nobyembre 25, 2007 @ 5:01 umaga | Sagutin

  20. ako din sama! sarap ng pizza, peborit ko yan!
    kengkay: hokey pizza EB party tayo!

    Komento ni angelbert — Nobyembre 26, 2007 @ 7:34 umaga | Sagutin

  21. Naku totoo yan Mommy Kengks! Suminghot singhot ka lang sa malls meron nyang flavah na yan! Hehehe
    kengkay: pidi rin ba yan pang deliver? ipunan mo na nga ako ng leaflets ng pizza delivery, ahahahaa

    Komento ni Ambo — Nobyembre 26, 2007 @ 2:16 hapon | Sagutin

  22. naku. sa office namin laging may free pizza. domino’s, shakey’s , pizza hut, yellow cab, brooklyn… nako. minsan wish ko lang, kanin naman ipadeliver nila. :p
    kengkay: aba, di ba nagdedeliver din ang goldilocks at ilongga, eheheeh

    Komento ni alphasensei — Nobyembre 26, 2007 @ 2:51 hapon | Sagutin

  23. naku. sa office namin laging may free pizza. domino’s, shakey’s , pizza hut, yellow cab, brooklyn… nako. minsan wish ko lang, kanin naman ipadeliver nila. :p shempre may ulam. aheheheh
    kengkay: dapat pag may kanin, may ulam talaga 🙂

    Komento ni alphasensei — Nobyembre 26, 2007 @ 2:51 hapon | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: