Kwentong Kengkay

Nobyembre 24, 2007

Lotto

Filed under: Aruuuhh,Dito sa Amin,Europe,Oyropa Ko,Palaway — kengkay @ 8:02 hapon

23nov-020.jpgAyannnn, ganyan kalaki ang aking panaginip — 26 milyones oyro. Tumaya si kengkay kaninang umaga sa lotto. Ang kulit kasi ni kengkoy e. Malaki daw ngayon ang panalo sa lotto kaya daw dapat tumaya ako. Hmp… sige na nga.

Kahit na lamig lamig at kakatamad maglakad lalo na kung ganito ang suot mo sa kapag asa labas ka ng bahay:

23nov-026.jpg

Nyahahaa. Naka sinelas ang kengkay. Buti nga kamo at naka medyas pa yan. Weeee 🙂

Op kors naman, nakabota ang kengkay nung lumabas ng bahay. Winter na dito ano.

frost-015.jpg

Kaya lang e hindi ko pa rin napapalitan yung aking sinelas na ginagamit ko sa bawat labas ko sa bahay. Dapat ko ng ilabas yung clogs ko. Kaya lang feeling sinelas na ang paa ko dahil sa uwing uwi na ko sa Pinas e, kahit na ilang tulog pa.

Mabalik tayo sa 26 milyon. Habang nag-aalmusal kaming mag-anak, sempre binibilang na namin ang aming yaman.

Sabi ni kengkoy kapag nanalo kami sa lotto, uwi agad kami ng Pinas. Dagdag ko naman e bibili ako ng franchises ng Jollibee, note na may S yung franchises ha. Sabi naman nung mga little kengkays e tig-isa daw silang magkapatid ng Jollibee. Tapos sa sobrang excited nung mga bubwit, talagang nagsulat din sila ng mga numero na gusto nilang itaya ko sa lotto. O sempre naman, yung mga bigay nilang tips ang pinaglaruan ko sa pagtaya ko sa lotto. Akala ko nga pila sa lottohan, pero dahil siguro sobrang aga ko e pa-isa isa ang dating ng mga taong may mataas na panaginip din.

Ang pinakamataas na pangarap ay itong si Hermina..

23nov-021.jpg 23nov-022.jpg

Ayan de vah.. natawa ako kasi habang naglalakad ako papunta sa lotto toto shop e biglang may sumisigaw ng pangalan ko, ‘kengkay, kengkay’.. huh, sabi ko, sino naman kaya yon? Dito ang mga tao e hindi katulad sa atin na asa kabilang dulo na ng mundo e isisigaw pa rin talaga ang pangalan mo dahil naamoy ka lang ng konti. Haneps, tingin ako sa langit. Ayun at naglilinis ng bintana.

Si Hermina ang tagalinis sa bahay ng aking mga in laws, isa syang Spanish lady. Kaya wag na kayong magtaka kung bakit iskandalosa rin sya, hehe. Asa lahi, kahit na hiram lang natin. Dahil natuwa ako sa pagiging iskandalosa nya, nagtagal ang aming kulitan habang ako e nakatunganga sa kanya. Ang ingay naming dalawa sa totoo lang: dakdakan, tawanan… buti kamo at di kami nagtulakan kundi, hmmm.. alam nyo na ang mangyayari, ehehe. Wala akong paki-alam kung nagising ang mga lolo at lola sa chikahan namin, basta ang alam ko… minsan lang ulit ako maka-kwentuhan ng ganito kasarap.

Pero sempre mas masarap kapag nanalo kami sa lotto, eheheeh.

Basta kapag di na ako nag update sa blog ko e nanalo na kami sa lotto, okay?

Advertisements

19 mga puna »

  1. LOL ang kulit ng entry… heheheh kapag nanalo ka po kaya sa lotto ate igagawa mo pa ba ako ng reviews? 😆
    kengkay: kapag nanalo ako sa lotto ikaw na ang magpapareview, hehehe

    Komento ni JeanGrey — Nobyembre 24, 2007 @ 9:51 hapon | Sagutin

  2. hahaha kay talaga kengks ubod din pala ng kulet! sana nga manalo ka sa lotto.. 🙂
    ay tagged pala kita, sa recent post ko… thanks! ang laaaamig naaaaah!!!! 🙂
    kengkay: budbod na ako ng tag, ahahaha.. sige bisitahin ko yang tag na yan. di ko pa alam kung nanalo ko sa lotto e

    Komento ni dhez — Nobyembre 25, 2007 @ 3:17 umaga | Sagutin

  3. hmmn… ibig sabihin pag nanalo ka sa lotto, mas maganda ang wedding gift ko? hahaha.
    kengkay: sempre naman… baka ako magbayad ng honeymoon kahit saan nyo gusto, ampf 🙂

    Komento ni antuken — Nobyembre 25, 2007 @ 4:50 umaga | Sagutin

  4. ate kengks, love ko ang get-up mong naka-boots! hehe. kelan kaya ako makakapag-suot niyan dito sa pinas? hahaha!

    pag nanalo, bilan mo naman ako nung bacon na bandage strips. hehehe
    kengkay: bacon na bandage strips? di ko yata alam yon? marami dito ibat ibang sizes ng sausages pero bacon? di uso dito masyado yang bacon e.

    Komento ni ris — Nobyembre 25, 2007 @ 6:35 umaga | Sagutin

  5. mamikeng, natakot ako dun sa pic mo na naka-tsinelas. kala ko dahil sa sobrang ginaw eh nawalan na ng dugo ang mga paa mo at nangitim na. buti na lang pinalaki ko ang image at….naknambaka, naka medyas ka pala na kulay gray. wahaha!
    kengkay: errm, yun ang drama dun, ahahaha. sa totoo lang, parang ganyan din kulay ng paa at kamay ko minsan sa sobrang lamig.

    Komento ni MARU — Nobyembre 25, 2007 @ 6:47 umaga | Sagutin

  6. danda ng butz! 😀
    kengkay: bili ko yan sa kanto nung esprit nung naka 80 percent discount, talagang nakipag agawan si kengkay, ahahaha

    Komento ni lilmiz — Nobyembre 25, 2007 @ 9:40 umaga | Sagutin

  7. ako rin natakot sa paang me istepin. akala ko na-frostbite ka na 😯
    kengks balato pag nanalo ka sa lotto. 😛
    kengkay: bilhan kita ng baby boy 😀

    Komento ni homebodyhubby — Nobyembre 25, 2007 @ 9:48 umaga | Sagutin

  8. wish ko lucky ang numbers na binigay ng mga bubwit mo hehehe
    kengkay: wish ko rin, hehehe. balitaan kita sempre

    Komento ni Rhapsody — Nobyembre 25, 2007 @ 11:06 umaga | Sagutin

  9. YOU REMINDED ME!!! HAHAHA! It’s $147 million ever detichiwa in Pennsylvania!!! Can you imagine kung ilang men ang mabibili ko nitoooooo??? Buong army ‘day!!!! HAHAHAHA!!!
    kengkay: hanu yun, sabi ko nga, pakitaya na rin ako.. o kaya kapag nanalo ka, pwede rin ako makibisita sa army mo, hehehe

    Komento ni reyna elena — Nobyembre 25, 2007 @ 11:24 umaga | Sagutin

  10. naku ate kengks! laki-laking pera!!!! hehehe!!! gudlak ha… at tatandaan mo, prendship tayo ha! kuuuu…. ke ganda-ganda mo tlaga!!!! sana nga manalo ka!!!! (kindat… kindat!!!!)
    kengkay: erm, hindi halatang naguuto ka, hehehe. ayan, nalimutan ko tuloy pumunta sa lottohan para i check kung nanalo nga ako, hayzzz

    Komento ni Lenggai — Nobyembre 25, 2007 @ 12:34 hapon | Sagutin

  11. Hahaha! Korek. Pano nga naman mananalo kung hindi sasali di ba? Good luck sayo! Sayang naman at hindi tayo magkita pag uwi mo at pag uwi ko sa Manila.

    joy
    The Goddess In You
    Norwich Daily Photo
    Your Love Coach
    kengkay: tama ka, joy, tagal ko na ring tumataya pero sa isip lang 😀 sigurado magkikita rin tayo, kalapit lang ng england e.

    Komento ni joy — Nobyembre 25, 2007 @ 1:18 hapon | Sagutin

  12. uyy may nanalong Pinay sa australia yata yun ng limpak limpak as in milyones close to half billion pag ni-convert sa pesosesosess!! nakita ko sa news

    mami keng, type ko yang getup mo,…wish ko lang makapag ganyan ako dito ng walang babatikos sa kin. hahahaha
    kengkay: huwawww, talaga? sana ma news din ako ng mayron akong limpak limpak… pinapatagal ko pa ang excitement e, di pa ko nag che-check sa lottohan. hmm, pwede ka naman magsuot ng ganyan dyan sa pinas, baket naman hinde. yun nga lang, tagaktag pawis ng paa mo, hehehe

    Komento ni chuvaness — Nobyembre 25, 2007 @ 2:31 hapon | Sagutin

  13. kengks kapag manalo ka pahingi na rin ng isang branch ng jollibee mo ha hehehe. Swerte pa naman ang mga bata sa lotto.
    kengkay: wak ka mag alala, bibigyan kita ng isang branch ng joliboy, eheste, jollibee pala 😀

    Komento ni S3lv0 — Nobyembre 25, 2007 @ 2:48 hapon | Sagutin

  14. hahaha… balato na lang pag nanalo ha..
    kengkay: sempre naman 😀

    Komento ni angel — Nobyembre 25, 2007 @ 4:01 hapon | Sagutin

  15. wag kalimutan ang balato pag tumama ka sa lotto!
    kengkay: op kors, hindi ako makakalimot 🙂

    Komento ni eNocH — Nobyembre 25, 2007 @ 4:18 hapon | Sagutin

  16. Ako ticket ticket ticket lang enge ko pag nanalo ka sa lotto. Pero kung di ka manalo dibale, dagdag sa charity naman yun.

    On your socks: parang hapones. LOL.
    kengkay: natatawa nga asawa ko kasi buti raw at medyas pa ako, hehe. dati kasi kahit na isnow e sinelas pa rin suot ko, hehe

    Komento ni K — Nobyembre 25, 2007 @ 4:35 hapon | Sagutin

  17. Plane ticket papuntang France lang naman, Kenks.
    kengkay: NOTED!

    Komento ni K — Nobyembre 25, 2007 @ 4:37 hapon | Sagutin

  18. NGEK NGEK! Tumaya ako VINTI dolyares TALLLOOOO!!! HMPT!!!
    kengkay: ahahaha, ako naman e pitong oyro lang ginastos ko ano. di ko pa alam kung panalo akesh…

    Komento ni reyna elena — Nobyembre 25, 2007 @ 6:41 hapon | Sagutin

  19. ate kengks ako din kinekwenta ko na yung panalo ko sa lotto kahit hindi naman ako nataya. hehehehe..
    kengkay: libre ang managinip de vah?

    Komento ni jojie — Nobyembre 26, 2007 @ 3:54 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: