Kwentong Kengkay

Nobyembre 26, 2007

Lintek

Filed under: Ano Nga Ulit Yon?,Hmmp,Kaibigan,Kwentong Nanay,Pasaway — kengkay @ 1:43 hapon

Ewan ko ba, gusto kong sumigaw ng malakas nung nagkabalitaktakan kami ni maprend ko e. Kasi naman, kakainis naman talaga. Imagine ha, halos dalawang linggo na kaming nagkausap tungkol dito pero hanggang ngayon e imbierna pa rin si kengkay. I mean, sino ang may kasalanan? Ang anak na naligaw ang landas o ang magulang na talagang walang landas na gustong hantungan?

maprend: nanganak na si flordeluna, its a boy
kengkay: is she ok?
maprend: yeah, she’s ok. tapos text ko yung tatay nung nakabuntis eto para bring nila yung gamit ni flordeluna and baby pati pambayad sa lying in, eto sagot
maprend: wala kaming pera pangkain nga namin wala eh kaya umuwi c flordeluna wala siyang makain wala na akong trabaho sagutin nyo tutal anak nyo naman yan
kengkay: sino nag text, yung tatay nung lalaki?
maprend: pero tiyak idedemanda na ng satutory rape yung lalake kasi menor de edad si flordeluna, 20 na yung nakabuntis ke flordeluna
kengkay: sige, i demanda nyo yang mga ganyang magulang
maprend: kung pwede nga lang isama pati magulang sa demanda
kengkay: pati magulang idemanda nyo, walang karapatang magkaron ng anak kapag ganyan, accessory to crime
maprend: si mama matagal ng kinukuha s flordeluna ayaw sumama, tapos lately panay punta dito yun pala gutom; imagine 9 ang anak tapos walang trabaho
kengkay: hay, ano ba yun

Pwede ba, hmp! Pocha, umabot na nga ng halos sampu ang anak e hindi pa rin pala marunong mag astang magulang. Hindi dapat na maging eksyus ang pagiging isang kahig at isang tuka para hindi na alalayan ang mga anak natin. Ang pagiging magulang ay nasa puso, nasa utak; hindi lamang dahil sa laman.

Kung ako talaga ang masunod e pati yung tatay i-demanda ko talaga. Pray ko lang na sana na lang ay umayos ang buhay ng mag-ina.

E kayo, anong masasabi nyo?

Advertisements

25 mga puna »

  1. Naku naman, sampung anak walang maipakain? tsk tsk tsk. You’re right, it’s not an excuse. Dapat lang maging responsable at ang hirap ng panagon ngayon. Isang anak nga lang ang hirap na, sampu pa kaya. Buti pa ang baboy kahit ilang anak kayang alagaan ang anak. hays.
    kengkay: di ba hindi lang sila ang mag hihirap kundi pati yung sampung mga anak, hayssss ulit

    Komento ni Ambo — Nobyembre 26, 2007 @ 2:30 hapon | Sagutin

  2. Ironic talaga. I have friends who spend millions trying to get pregnant, hindi swertihin. Pero ang iba…. Hindi ba dapat i-spay na siya? Tama na siguro ang 10 anoh? Ligation is the answer. Kaloka ha.

    joy
    Your Love Coach
    The Goddess In You
    kengkay: hay, alam mo naman sa atin. minsan hindi iniisip yung consequence, ang tulak ng laman ang sinusunod.

    Komento ni joy — Nobyembre 26, 2007 @ 5:07 hapon | Sagutin

  3. Asan na pala Raquel article mo? 😀

    joy
    Your Love Coach
    The Goddess In You
    kengkay: working on it, one minute 😀

    Komento ni joy — Nobyembre 26, 2007 @ 5:07 hapon | Sagutin

  4. 9 na po anak eh anong demanda pa maari isampa don sa sinamahan nya??????????
    dapat tuluyan ng mahiwalay ung anak nila para nde na madagdagan ang mga bibig na magugutom at mapapabayaan. yon ay tiyak na mangyayari kung hindi magsisikap ang magulang nong mga bata.
    asan ba kasi yong anak nila nong kasalukuyan silang nangangaral?
    kengkay: toni, medyo nawindang ako sa comment mo, ehehe… yung tatay nung naka-anak kay flordeluna ang may siyam na anak… dapat pangaralan ang tatay hindi lang ang mga anak:)

    Komento ni toni — Nobyembre 26, 2007 @ 6:03 hapon | Sagutin

  5. nyahaha, accessory to crime. may katwiran. pero yun nga, hindi naman yan tatayo sa korte talaga. nakakasuka naman ang ugali ng magulang na yan. siguro blessing in disguise pa yan kung hindi niya magiging biyenan ang mga ganoong klase ng tao. sumpa yan sa buhay.
    kengkay: hay pao, alam mo yun, kung yung magulang nga wala ng patutunguhan tapos mag aanak pa ng siyam, ano na ang buhay nila, di ba?

    Komento ni pao — Nobyembre 26, 2007 @ 7:13 hapon | Sagutin

  6. nalulungkot ako sa mga ganitong pagkakataon..mga anak/bata ang apektado sa attitude ng kanilang mga magulang.chukchakan ng chukchakan di iniisip ang future ng kanilang mga supling…sigh!
    kengkay: natawa ako kasi ngayon ko lang narinig/nabasa yang chukchukan na yan, hehe…yan pala tawag dyan, huh?

    Komento ni cdy173 — Nobyembre 27, 2007 @ 12:57 umaga | Sagutin

  7. kakainis naman yan ganyang mga magulang kung gusto nila madaming anak dapat alam din nila kung pano buhayain at palakihin ng maayos ang mga anak nila. hindi yung puro kalib*gan lang ang alam nila at palakihin ang pupolasyon ng pilipinas sana magsikap din para sa future ng mga bata.
    kengkay: hindi nila maarok na ang pagiging magulang e hindi lamang dahil sa chukchukan… na dapat din nilang isipin na habang may chukchukan ay maaaring may buhay na lalabas…

    Komento ni bruhilda — Nobyembre 27, 2007 @ 1:25 umaga | Sagutin

  8. idulog sa korte lol!!
    kengkay: sama ka ha. gawa ka na rin ng plakard, hehe

    Komento ni manilenya — Nobyembre 27, 2007 @ 2:01 umaga | Sagutin

  9. e dpat lang pala magalit ka kung ganyan e… tlaga nga nmn ang ibng tao o… gagawa gawa ndi nmn pala kaya, wlang responsibilidad…
    kengkay: hindi nagiisip, o wala paki-alam, pero yun nga lang, ang mga bata ang magsuffer

    Komento ni dhez — Nobyembre 27, 2007 @ 3:30 umaga | Sagutin

  10. masipag lang gumawa ng baby, period. dun lang natatapos yun. hays..
    kengkay: yun ang akala nila, di nila alam mas malaking sakit ng ulo kapag ganunan lang sila ng ganunan

    Komento ni jojie — Nobyembre 27, 2007 @ 4:57 umaga | Sagutin

  11. Diretso na yan sa barangay! naman! hehe!
    kengkay: siguraduhin lang na hindi rin ganun ang drama ng barangay, hehe

    Komento ni YouAreYou — Nobyembre 27, 2007 @ 5:33 umaga | Sagutin

  12. Wahh! Natameme ako. wala akong masabi.
    kengkay: okay lang, ako din wala ng masabi e

    Komento ni iceyelo — Nobyembre 27, 2007 @ 5:59 umaga | Sagutin

  13. ang sakin… dapat buhusan ng asin yang mga yan habang jumejerjer… kala ata nila past time lang ang seks eh. hmp!

    wawa naman yung mga bata. kaya daming napapariwara eh. sandamukal na olats ang mga magulang! hay naku! nakakabuwiset!
    kengkay: jerjer 🙂 kakalungkot isipin na nakakainis talaga ano? hay, ewan ko ba

    Komento ni Lenggai — Nobyembre 27, 2007 @ 6:56 umaga | Sagutin

  14. dapat sa mga magulang na ganyan, paslangin na tapos yung bangkay pagapangan ng orkids, tapos ibenta para may allowance yung mga anak nila, tapos yung anak nilang
    lalaki dapat kapunin na rin. tapos si flordeluna batukan para madala’
    kengkay: maganda tong tip mo jon. pang pamilya na at pang isports pa. pero joking aside, ang buong barangay na kasali sa dramang ito na tinukoy mo ay may mga kanya kanyang kasalanan din..pero kasi nga asa puno ang bunga e, hay

    Komento ni Jon Cabron — Nobyembre 27, 2007 @ 9:11 umaga | Sagutin

  15. grabe kawawa naman yung mga anak.. At kwawa din si Flordeluna… Bakit ba me mga ganyang magulang? Pero minsan nasa anak din naman yun eh..
    kengkay: ikaw lang ang nagbigay ng ganyang isyu.. na asa anak din minsan yun. tama ka rin dyan. minsan may mga anak din na pariwara mantalang ang mga magulang naman matitino.

    Komento ni angel — Nobyembre 27, 2007 @ 11:17 umaga | Sagutin

  16. kawawa talaga ang mga anak. pero kse sa ngayon, ang hirap talaga humanap ng trabaho. makahanap ka man, laging casual/temp lang ang pwede. after 5 months, end-o na ang career mo. malamang, dahil walang magawa ang magulang, chukchakan galore na lang ang inatupag. baka hindi rin nakapag-aral ng mabuti ang mga magulang. haay. that was why i wanted to attend the family planning seminar required by the local registry (to get a marriage license). dapat talaga, nag-a-attend ng mga ganun ang mga nagp-planong magpakasal. sabi nga ng speaker/nurse nasa-sad daw sya when she looked at the attendance log, kse pagtingin nya sa occupation: husband to be -none. wife to be- none. pano raw kaya pakakainin ang magiging anak. ignorance is not an excuse di ba mommy kengks?
    kengkay: dapat hindi lang mag attend kundi dapat nilang isa-utak yung mga leksyon sa seminar. minsan kasi asa utak talaga e. hindi ko naman sinasabi na hindi dapat mag asawa yung mga walang trabaho o walang natapos, pero sana pag isipan nilang mabuti kung sakaling gusto nilang mag-anak. kung sila nga hirap, ipamana ba nila yung hirap din sa mga anak nila? at ako kasi ang alam ko, basta gusto mong magtrabaho, makakahanap at makakahanap ka e. kahit na no read no write pa. kasi may mga kilala akong ganyan na dahil lang sa sipag kaya sila umangat.

    Komento ni antuken — Nobyembre 27, 2007 @ 1:03 hapon | Sagutin

  17. anubayan! di sila nag-iisip! yung mga toot nila ang ginagamit instead of yung utak 😦 .. andaming nangyayaring ganyan mamakengs, it’s sooo sad 😦 .. kawawa sila, mas lalo pa kawawa yung mga bunga ng kamanyakan nila .. nakakainis nga, grrrr..
    kengkay: ang daming pasaway talaga ano? hmp

    Komento ni lilmiz — Nobyembre 27, 2007 @ 1:45 hapon | Sagutin

  18. Minsan kung sino pa yung hikahos sa buhay yun pa ang malakas ang loob magkaroon ng maraming anak… wala na ngang makain, magdadagdag pa ng anak… di na naawa sa mga bata… tsk..tsk!
    kengkay: tsk tsk, yan din ang nasabi ko. matapos kong mag ngit ngit.

    Komento ni Amor — Nobyembre 27, 2007 @ 3:33 hapon | Sagutin

  19. Maraming ganyan sa ating lipunan, di lang sa Pilipinas. Malalim ang ugat ng mga problemang ganito, at di iisa ang solusyon. Maraming isyu: family planning at ang panindigan ng simbahang Katoliko tungkol dito, unti-unting pagkawala ng mga moral values, ang pagtanggap ng lipunan sa mga ganitong bagay, etc…
    Kasuhan mo man ng statutory rape ang lalaki, di iyon makakatulong sa kinabukasan ng bata. Alalayan na lamang ninyo ang nanay, para maipalaking tuwid ang kanyang anak. Kundi, baka umulit lang sa kinabukasan ng bata ang napala ng kanyang ina.
    Oo, si MegaMom ito. Alam ko, kala mo Inglisera lang ako… taga Laguna ata tatay ko. 🙂
    kengkay: waaaw, si megamom, biglang naging purong tagalog, hehe. alam mo, marami namang choices sila e. yun na nga lang, di nagiisip.

    Komento ni MegaMom — Nobyembre 27, 2007 @ 3:52 hapon | Sagutin

  20. Kailangan matawagan ang Department of Health sa kasong ito. Parang kuting na nanganganak. Can we blame them? Baka any moment, malaman ni Madam Angie Jolie to at mag i-adopt nya ang mga bata.

    JOKES. 🙂
    kengkay: sa tingin mo punta rin si madam jolie sa pinas 🙂

    Komento ni K — Nobyembre 27, 2007 @ 7:26 hapon | Sagutin

  21. hahaha.. accessory to crime nga naman dibah hehehe.. pinabayaan pang mambuntis ang anak eh wala na nga ipapakain hehehe… kasalanan ng magulang.. dapat kasi alam natin kung kaya ba nating pakainin at pag-aralin lahat ng anak bago bumuo ng kung ilang dosena.. heehee… kaya ako gusto ko dalawa lang o kaya tatlo o pwede na rin apat.. kasi 3 is a crowd eh… cguro dalawa na lang.
    kengkay: basta planuhin mo, okay lang yun. at sempre siguraduhin mong kaya nyo, okay lang din. pero naman kung isa nga lang tapos di pa ma-alagaan, hmp na yun ano, di ba?

    Komento ni Rhapsody — Nobyembre 28, 2007 @ 4:55 umaga | Sagutin

  22. Kapal naman ng peys nun pamilya na yun. Kung pwede nga lang buong angkan nila ang idemanda e bakit hindi.. kaawa-awa nman ang flordeluna, sna maging maayos silang mag-ina..
    btw, link nga pala kita ate.. teeway po. 😀
    kengkay: walang url mo.. balik ka ulit at ibulong mo sa akin, hokay?

    Komento ni bunz2605 — Nobyembre 28, 2007 @ 7:15 umaga | Sagutin

  23. mare, marunong ka palang magalit? 😉
    pakilala mo sakin, masermunan. 😕 ako na rin magkakapon.
    makahingi na rin ng anak maski dalawa… 😆 tsk tsk tsk. kawawang mga bata 😦
    kengkay: ay minsan nagagalit din si ako pero wan minut lang 🙂

    Komento ni homebodyhubby — Nobyembre 29, 2007 @ 1:20 umaga | Sagutin

  24. Kasalanan ng magulang kung anu man ang kinahinatnan ng anak nila! Tama, hindi excuse ang pagiging poor para hindi alalayan ang anak dahil ang pagmamahal eh di nabibili sa department store, wala tong katumbas na pera! HIndi din nabibili sa tindahan ang kagandahang asal. Haaay naka-relate nanamn ako ahihiihi. Galit ako sa mga magulang na walang modo.
    kengkay: hay tumpak lahat ng sinabi mo

    Komento ni kapestehan — Nobyembre 29, 2007 @ 9:24 umaga | Sagutin

  25. hay nakuh dapat lang
    imagine yung nak na ng ank wal pal namng ipapakain dapt idemanda na yan

    walang kwentang magulang

    Komento ni venus mercado — Disyembre 20, 2008 @ 4:21 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: