Kwentong Kengkay

Nobyembre 27, 2007

Multiply Equals Tukso

Filed under: Aruuuhh,Hmmmm,Kaibigan,Kwentong Nanay,Pasaway,Patawa,Patukso — kengkay @ 8:44 hapon

Mga kapatid, si kengkay ay nagkaron ng account sa Multiply dahil sa kakulitan nung aking mga kaibigan. Padala ng padala ng invites e ayaw ko na ngang magkaron pa ng bagong account. Nagkalat na yata pagmukukha ng pamilya namin sa internet dahil sa kung ano anong sinalihan ko e. Mabuti nga yung iba na delete ko na, e pano ko madelete yung iba e di ko na nga matandaan kung asa na sila. Hayysss..

Heniway, meron namang magandang naidulot ang Multiply kasi pwede palang i save dun yung mga posts ko sa aking nanay blog. Kumbaga, sabi nga ni Christianne e insurance ko daw yon, haha. Yun ang tamang tawag sa Multiply, Insurance!

Pero ano nga ba ang chika sa Multiply? Eto ang sabi nila: On Multiply the goal is not to build the biggest network but to have a meaningful network that reflects your real relationships and ensures that you receive messages from people you know. De vah, ang ganda ng dating ano? Kaya naman nung isang araw na may na nakuha akong invite galing sa isang Jose, sabi ko, hmmm… zenu zyah?

Umasa pa kamo ako. Yung nag iisa kasing Jose na kilala e yung crush ng bayan nung elementary pa kami, hehe. Baka kamo pagkatapos ng milyong taon e ngayon nya lang nataruk na sya pala ay para sa akin. Pero sempre, nagtaka rin ako kasi wala namang pechur yung Multiply ko kundi yung balikat na andito rin sa avatar ko. Na-intriga si ako, binuksan ko si Jose at eto ang ka engka-engganyo nyang come on:

Thank you honey. I will
All my love flying your way
Hugs
Jose

logo1.gif

Haneps, poging pogi si Jose. Mukhang pilyong pilyo talaga ano? Pinuntahan ko sya sa Multiply nya at ayun, andami na nyang natiklong bebes. Aba, hihilera pa kaya si kengkay sa ganyan, hmmm…. Buti kamo itong email ko e di alam ni kengkoy buksan. Kundi na kompiskayt na itong nokbuk ko. Delete ko agad sya at kinalimutan.

Aba, makalipas ang dalawang araw e pumasok na naman sya sa Multiply ko.

Invitation from Jose: Jose has invited you to be his friend. Let me have the pleasure to have you as a friend

Aba e talaga namang tinutukso ako nitong mamang ito ano? Hayoko ngang patulan, kahit na prenship ekek lang. Ang lapit lang ng balay nya dito sa Alemanya ano. Baka madagdagan ang aking mga boylets dito. E ang opisyal lang na boylet ko dito e yung aming frozen food delivery boy at yung aming mr. postman, hehehe.

Delete ko ulit sya. Aba ka-delete ko lang kay Jose e may sumingit naman sa guestbook ko:

yodbutterfly wrote on Nov 24

โอยเหนื่อยไหมเอ่ยเมื่อคืนอ่าครับ เป็นไงบ้างสนุกไหมครับกับคืนแห่งการลอยกระทง

logo11.gif Weeeeee 🙂 Feeling ko ang ganda-ganda ko. Pero sa totoo lang, kinabahan ako ha. Kasi kamukha sya nung aking ex bf na Thai e. Pero ang pangalan naman nya e iba…hmmm. Isep-isep. Nakakabasa naman ako ng pasa thai, pero dalawang letra lang alam ko na ang ibig sabihin e SILOM. Dun kasi ako dati nakatira nung asa Bangkok pa ako. At dapat kong malaman kung anong letra yon kundi di ako makaka-uwi ng bahay ko ano.

Heniway, di ko din naman alam kung bakit ako mamukhaan nitong ex bf ko e balikat nga lang din ang pechur ko na andun ano. Kaya erase. Siguradong hindi sya yung aking ex bf na kapag nagkikita kami e nawawala ang ex at nagiging bf ko ulit sya, ehehee.

Ay ano ba yon. At ilang araw pa lang ako sa Multiply nyan ha. Oh tuksow, layuan mo akow 😀

Advertisements

21 mga puna »

  1. Isa lang ang ibig sabihin niyan kengks, marami kang fans na hinahanap ka at hinihintay na magkaroon ng account sa multiply! Hehehe!
    kengkay: waaaahhh… fans ng balikat ko, ahahaha. proud pa naman yung anak ko kasi sya ang kumuha nung shots na yan. yun pala, panukso.

    Komento ni Kiko Matsing — Nobyembre 27, 2007 @ 10:22 hapon | Sagutin

  2. KENGKAY ka talaga! Hahahahaha…mga poser yata yang mga yan. LOL @ x-bf. Nakakaloka ang mga ngiti nyang si yodbutterfly…di nga, baka nga si EX mo yan mami keng? hahaha, ini-istok kaaaaaah! Iba na ang maganda!
    kengkay: alam mo sa totoo lang, baka nga sya yan e.. waahhhh

    Komento ni chuvaness — Nobyembre 27, 2007 @ 10:25 hapon | Sagutin

  3. ang wafu naman ni josi mami kengks, crush ko na siya pramis

    xiao!
    kengkay: yosi balasi 🙂

    Komento ni brath — Nobyembre 28, 2007 @ 2:47 umaga | Sagutin

  4. ahmm jose pala yun hindi josi,,, hehehe hanubei naging bisya tuloy ang dating ko hehehe xenxa na
    kengkay: ahahaahah

    Komento ni brath — Nobyembre 28, 2007 @ 2:48 umaga | Sagutin

  5. baka istoker mo yun nagpapalit-palit lang ng name..
    ganyan talaga pag maganda laging may invites sa kung saan.
    nakalimutan ko na yung account ko jan di ko na maalala di ko kasi alam gamitin yan hahahaha… hirap maging ignorante.
    kengkay: tenks bruhilda, anong gusto mong gips para sa pasko, hehehe

    Komento ni bruhilda — Nobyembre 28, 2007 @ 3:06 umaga | Sagutin

  6. ate kengks iba ang alindog mo. wahahaha! may account din ako dati sa multiply tsinugi ko siya.
    kengkay: ako pinagiisipan ko na kung tsugiin ko yang alindog ko e, ahahaha

    Komento ni jojie — Nobyembre 28, 2007 @ 3:09 umaga | Sagutin

  7. ako man n hndi ko naisip mag multiply… tama ang gnito konti lng ang account… tama din si jojie, iba ka kse ate kengks! 😉
    kengkay: ikaw din, anong gusto mong gips sa pasko, waahahaha

    Komento ni dhez — Nobyembre 28, 2007 @ 4:36 umaga | Sagutin

  8. amp! makakarating to sa kinauukulan!
    kengkay: psssshhhh, ikaw talaga maru, pang atin atin lang tong chika na ito, hehehe. walang bukuhan. actually hindi totoo lahat yang sinulat ko na yan sa multiply. wala akong multiply account. di ko nga alam kung papano mag multiply e. alam ko lang mag add, hehehe

    Komento ni MARU — Nobyembre 28, 2007 @ 8:00 umaga | Sagutin

  9. add me add me! iyassantos.multiply.com

    🙂
    kengkay: teka teka – sige i add kita 🙂

    Komento ni alphasensei — Nobyembre 28, 2007 @ 9:08 umaga | Sagutin

  10. kung sinu-sino na lang yan ah..may foreigner pa. haha. sana lang naiintindihan sya LOL
    kengkay: kakabaliw nga eh, nagpumilit mag comment kahit na characters pa 🙂

    Komento ni chillidobo — Nobyembre 28, 2007 @ 9:31 umaga | Sagutin

  11. tanung lang po…
    masarap bang magmahal ang mga thai???
    e compared po sa mga pilipino?? tenks po!
    kengkay: mas masarap magmahal ang thai sempre, ahahaha. am sure dudumugin ako ng mga pinoy nito 🙂

    Komento ni bunz2605 — Nobyembre 28, 2007 @ 10:13 umaga | Sagutin

  12. aaay! namu-multiply ang iyong mga taga-hanga, miss kengkay… hehehe. ako meron ding multiply account pero di ko masyado nadadalaw kasi mas facebook pa ang pinagti-tripan ko 🙂
    kengkay: ok lang kung di madiskubre ni kengkoy, ahahaha. pukengkay talaga ano 🙂

    Komento ni taroogs — Nobyembre 28, 2007 @ 10:14 umaga | Sagutin

  13. hello miss kengkay! hmm… kahali-halina kasi ang larawan ng balikat mu! makapag-picture nga din.

    thanks for welcoming me @ wpp btw!
    u r link loved!
    kengkay: ganda kasi mag smile ng balikat ko ano, ahahaha. i link na rin kita..

    Komento ni aiMz — Nobyembre 28, 2007 @ 10:53 umaga | Sagutin

  14. naaliw ako dun sa “ex bf na kapag nagkikita kami e nawawala ang ex at nagiging bf ko ulit sya” hehehe… nakaka relate kc ako parang ganun ako dati… 😀
    kengkay: aba, tinaas mo kamay mo, sister 🙂 masarap umamin kapag may kakampi ano, hehe

    Komento ni Amor — Nobyembre 28, 2007 @ 11:26 umaga | Sagutin

  15. hahaha…. nakakaintriga nga yang multiply na yan.. :)) in fairness ang cute nung thai ah.,. akin na lang.. ahehehe joke!
    kengkay: sige, iyong iyo na sya kasama ng mga lima pa, ahahaha. playboy yung thai bf ko na yon e… kasi kyut nga naman at masarap magmahal, ehem

    Komento ni angel — Nobyembre 28, 2007 @ 11:46 umaga | Sagutin

  16. ate kengks! hindi lang international, kung hindi universal na ang beauty mo… minsan nga maambunan mo naman ng iyong kakaibang charm, para meron din akong pilyong “Jose” at “yodbutterfly” na kung anu-anong sasabihin sa akin… hehehe!

    neway, ni-add na kita sa blogroll ko ah… 😀
    kengkay: wak ka mag-alala yuri… sasabihin kita kapag tag ulan, heheeh

    Komento ni Yuri — Nobyembre 28, 2007 @ 12:46 hapon | Sagutin

  17. cute yung thai. hehehe 😉
    kengkay: naku at magkasunod pa kayo ni bespren mo mag comment ha.. kyut talaga sya de vach

    Komento ni Lenggai — Nobyembre 28, 2007 @ 1:52 hapon | Sagutin

  18. si ex thai bf yan, kengkay..chingching! 😀
    kengkay: ching ching, la? mai lu… mai pen rai na ja:)

    Komento ni thess — Nobyembre 28, 2007 @ 3:16 hapon | Sagutin

  19. e kengks… baka naman ang type nila e yang HIKAW mo? ilang karats ba yan? (joke)
    tsaka alam ko namang mas kras mo si kengkoy. 😉
    kengkay: regalo yan ni kengkoy sa akin nung pers taym kong tumambad sa kanya dito sa alemanya.. diyamante yan, wag ka, ahahaha. kaya lang walang karats kasi super liit, wee..

    Komento ni homebodyhubby — Nobyembre 29, 2007 @ 1:07 umaga | Sagutin

  20. […] nyo? Dapat ko bang patulan yan? Balentayms naman di ba? Sa dami ng mga binuksan kong account sa multiply, sa blogger, sa paypal, sa smorty, sa PPP, sa PNB – dumarami rin ang aking mga fans. At […]

    Pasa ni Hello Beauty « — Pebrero 8, 2008 @ 3:46 hapon | Sagutin

  21. You are not who you appear to be. You need to
    look within yourself and find love.

    kengkay: dear kickrocks, are you talking to yourself? because i definitely know who i am and what i appear to be depends on my moods. and i am definiitely loved 😀

    Komento ni someone who is not fooled — Mayo 9, 2009 @ 3:47 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: