Kwentong Kengkay

Nobyembre 30, 2007

Parol

Alam nyo si kengkay, mahal na mahal nyan ang Pinas e. Kaya kapag may naririnig yang di magandang balita tungkol sa Pinas e instead na iumpog nya ang ulo nya sa pader, naghahalungkat yan ng bomba na itatapat dun sa karindi-rinding balita para naman mawala ang pagiging imbierna nya.

30nov-002.jpgKaya eto, isang patunay na magaling pa rin ang mga pinoy. Ang capiz-made Pampanga lantern o parol. Unang una, itong capiz shells ay matatagpuan lamang sa dagat ng Pinas. At pangalawa, sa Pampanga, ang tinaguriang Christmas capital of the Philippines, dun kayo makakakita ng ibat ibang klaseng parol na talaga namang sobrang ganda at katangi-tangi ang pagkakagawa. Di ba nakakatuwang tingnan ang papalit palit na kulay at sempre, ang pa-iba ibang anyo ng parol na ito?

At dahil sa gandang ito ay nakarating ang parol na ito galing Pampanga sa aming kweba sa Oyropa. Oo, imported itong aming parol, gawang Pinas sya. At yan ang aking pinakapaboritong anting anting kapag Pasko. Daming napapatunganga dyan — bata, matanda, nagbabata-bataan o namamatanda man. Basta kapag kapaskuhan e sa aming kalye, kami ang kumukinang ng husto.

Nahawa si kengkoy dun sa mga kumukutitap na bahay at lansangan nung unang luwas namin sa Pinas e. Manghang-mangha sya sa mga nagliliyab na Christmas lights. At halos gusto nyang bilhin ang mga parol na kumikinang at binebenta sa mga lansangan. Kaya naman inutusan ko lang ang kapatid kong pumunta sa Pampanga para bumili ng parol. Takot ko lang na baka hakutin ni kengkoy ang Pampanga parol ano. Pero may isa pa syang pangarap bilhin, yung si Santa klaus ba na may kasamang reindeers, type na type nyang bitbitin yon papunta dito sa Oyropaaaaa.

29-006.jpg 29-007.jpg 29-009.jpg

Ang mga litratong iyan ay kuha ng mga alas singko ng hapon at sobrang foggy na kahit ilong ko e halos di ko na makita. Pero dahil sa liyab ng parol e tuwang tuwa ang mga little kengkays kasi daw hindi sila maliligaw. Alam daw nila agad kung saan ang bahay nila dahil sa parol.

Heniway, ang Pampanga parol na yan, bitbit ni kengkay. As in, hand carry namin sya! Mabuti na lang kamo at hindi masikip yung eroplano nung umuwi kami at may sariling upuan ang parol na yan. Ang daming namangha na mga pinoys, tanong nila, ‘aba, bakit kailangan mo pang magbitbit ng parol e dami namang imported na Christmas decors sa inyo,’ ehem… pwede ba, imported yang parol na yan ano, hmp! Inggit lang kamo sila kasi ako lang ang nakaisip na magbitbit ng parol. Am sure marami sa kanila ang binatukan ang sarili dahil hindi nila naisip yon, hehe.

Kaya ayan, magmula nung  karaykarayin ko yang parol na yan nung 2003 e kami na ang winner sa Christmas decor dito sa aming lugar (according to me, sempre!). Parang gusto kong bumili ulit ng isa pa…

Huwag tayong mawalan ng pag-asa sa ating bansa, magagaling ang utak ng Pinoy. Dapat lang natin malaman ang tamang gamit nito.

Advertisements

15 mga puna »

  1. huwaw!! astig.. pag nag settle ako sa iang bansa magdadala ako ng parol na yari sa tinapong plastik sa ilog.. 😉

    way to go ate kengkay..proud pinay!!

    san nga pala ang oyropa?
    kengkay: tinapong plastik sa itlog? huh?! gawa mo nga ako at dalhin ko dito yan sa oyropa ko 🙂 di mo alam kung saan ang oyropa? truli?

    Komento ni kingdaddyrich — Nobyembre 30, 2007 @ 9:23 umaga | Sagutin

  2. panalo! ingatan mo ng maigi yung parol, miss kengks… mahirap yatang maghanap ng kapampangang parol-repairman diyan sa oyrupe 🙂
    kengkay: mabuti nga at kahit na more than five years na sya e okay pa rin sya e

    Komento ni taroogs — Nobyembre 30, 2007 @ 9:28 umaga | Sagutin

  3. Kung andyan lang ako gagawan kita ng parol mommy kengks! Ingatan mo yang parol na yan. Tama ka mahirap humanap jan. Kung meron man naku mahal yan tiyak. Yung Brod in law ko nga bumili pa dito sa atin.
    kengkay: kung magkaron man dito ng parol ako na ang nagbebenta, ahahaha

    Komento ni Lavern — Nobyembre 30, 2007 @ 2:38 hapon | Sagutin

  4. gusto ko nga rin sana bumili ng parol dito kaya lang ang mahal, gagawa na lang ako (as if naman marunong akong gumawa heheheh)

    xiao!
    kengkay: huy, may parol dyan? gano kamahal? ibenta ko na lang parol ko sa yo, heheh

    Komento ni brath — Nobyembre 30, 2007 @ 5:08 hapon | Sagutin

  5. Meri Xmas Mami Kengs! Pag nauso at sumikat ang parol jan, tiyak, ikaw ang pasimuno. hehe
    kengkay: merry christmas din 🙂 yung regalo ko sa sarili ko tapusin mo na sa pebrero ha, heheh

    Komento ni chuvaness — Nobyembre 30, 2007 @ 5:22 hapon | Sagutin

  6. Wow! buti ka pa may parol…I should bring back one if ever I go back.
    Happy weekend!
    kengkay: if i ever go back??? meaning, wala ka ng balak mag go back at mag shopping ng parol, hehehe.. happy weekend din

    Komento ni thess — Nobyembre 30, 2007 @ 7:42 hapon | Sagutin

  7. At isa ako dun sa binabatukan ang sarili, kung bakit hindi ko dinala yung parol na binili namin nung huling uwi namin. Sayang!! *binatukan ulit ang sarili* 🙂
    kengkay: ayan, batukan din kita ulit, hehe. balak naming mag uwi ulit ng isang parol pag uwi namin dyan sa pebrero e, sama ka sa pampanga? hehe

    Komento ni Kiko Matsing — Nobyembre 30, 2007 @ 11:42 hapon | Sagutin

  8. Astig naman ng baler ni ate Kengks, namimiss ko na nga makakita nyan. Dito kasi wala pa ata akong na-ispotan na merong parol. Iba ka talaga ate! Kudos!
    kengkay: kunsintidor din kasi asawa ko kaya bitbit namin yan, atsaka maganda naman talaga di ba

    Komento ni MisyeL — Disyembre 1, 2007 @ 1:44 umaga | Sagutin

  9. buti ate nde ka nila tinatanong kung san galing parol mo?
    meron din ako nakita non gawa naman sa hanger, korteng parol talaga na pinagdikit dikit.
    kengkay: kasi kahit hindi nila tinatanong e sinasabi ko agad na galing pinas yan, ahaha

    Komento ni toni — Disyembre 1, 2007 @ 2:55 umaga | Sagutin

  10. gleng! naisip ko tuloy mga tita ko sa norway, dapat pala ganun bigay ko sa kanila no? hehehe… na-imagine ko tuloy yung buhay ng mga nakatira sa ibang bansa, shucks, kaya pala kayo ganyan kahilig sa pinoy products… nakakamiss eh. naku, mag-iibang bansa pa ba ako? hehehe
    kengkay: tama ka, bigyan mo ng parol sila sa norway, matutuwa yon sigurado. alam mo nung asa bangkok din ako, sobrang miss ko magpasko sa pinas… kasi nga iba talaga kapag yung tradisyon ang hanap mo e… masarap talaga sa homeland, waaaaa. naiyak ang kengkay, ehehee

    Komento ni Lenggai — Disyembre 1, 2007 @ 7:09 umaga | Sagutin

  11. uy, if i pass the scholarship that i am applying for, i’ll be in europe by september next year. kita tayo! kung dun sa isang scholarship ako makapasa, germany ang magiging base ko for one year. 🙂 kung dun sa isa, either sweden or london naman,
    kengkay: sana malapit ka lang dito sa amin.. sarap ng may ka chikang pinoy 🙂 good luck ha.

    Komento ni kurokuroko — Disyembre 2, 2007 @ 2:12 umaga | Sagutin

  12. ganda nmn ng sinulat mo ms. kengks. tamang tamang panggising pagkatapos ng mga pormahang nangyari muli sa ating mahal na pinas. 😉
    kengkay: salamat ha… kaya tinapatan ko ng parol kasi ayokong matutok sa nget-pa.. mas gusto kong mapuno ng saya 😀

    Komento ni charleskorner — Disyembre 2, 2007 @ 7:19 umaga | Sagutin

  13. […] Gusto nya ulit ng Pampanga parol (ibig sabihin hand carry ko na naman to, […]

    Pasa ni Listahan ni Kengkoy « — Pebrero 10, 2008 @ 7:42 hapon | Sagutin

  14. […] ko sya, hindi epektib. kinabit na yung mga ilaw at pati parol. imported parol namin ha, galing sya sa pampanga, philippines nung umuwi lang si panganay ko at sinabi sa tatay […]

    Pasa ni dapat bang iwang nakaplastik ang parol? « Kwentong Kengkay — Nobyembre 14, 2008 @ 5:41 umaga | Sagutin

  15. Yes this is true because being a pornstar is a trend right now in the Philippines.? We all love wannabe prostis and we are waiting for more scandals because you cannot just blame pinay women, pinoy guys are just usually pathetic and maniacs. Pinoys love fucking even though their dicks are just puny. Chinoy rules. Filipino sucks. The lord of mafia has returned…… visit http://goo.gl/HNBgn to watch pinoy tv shows

    Komento ni Patsy — Nobyembre 24, 2012 @ 2:15 hapon | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: