Kwentong Kengkay

Disyembre 1, 2007

Time Out 2

Filed under: Dito sa Amin,Hmmmm,Kwentong Nanay,Oyropa Ko,Trabaho Lang — kengkay @ 11:57 umaga

Kase…

1. May sakit ang aking panganay

2. Meron akong light meditation seminar mamyang 3-6 pm na hindi ko na ma-cancel dahil itong programang ito ay para din sa kapakanan ng kindergarten (kaya di rin ako makakapakinig kay Joy sa Usapang Pinoy)

3. Gustong makipagkita nung aking mga in laws dun sa Christmas Bazaar sa kanto mamyang gabi ng mga 5:30 pm (pano kaya yon e sinabi ko na ngang may sakit si panganay ko at meron din akong seminar)

4. Naka-oo na ako dun sa aking beauty consultant ekek na pupunta rin ako sa kanyang anniversary bazaar na bukas mula 3-8 pm. Kaya pagkatapos ng seminar e takbo naman ako dito.

Kung pwede lang hatiin ang aking katawan e gagawin ko… yung puso ko at mga kamay ko dun sa aking may sakit na anak. Yung utak ko dun sa light meditation seminar, yung tenga ko sa Usapang Pinoy, yung bibig at dila ko dun sa Christmas bazaar dahil siguradong todong kainan na naman ito, at yung nguso ko dun sa anniversary bazaar para kahit papano e makapagturo at makapag shopping pa rin ako, weeeee 🙂

Advertisements

11 mga puna »

  1. katatapos lang ni bunso, now si ate naman? sa lamig siguro ano? dito man marami nagkakasakit pag ganitong magpapasko…

    wala ako mai-suggest kasi hindi ko pa naman nararanasan ang maging tatay. at lalong wala akong alam sa pagiging nanay. 😐 prayers siguro para sa mabilis na pagbuti ng lagay ng panganay mo.

    sige kengks… take your time. and God bless. 🙂
    kengkay: salamat ha… si ate at bunso may konting ubo pa rin si kengkay naman nalintikan din ng sakit, ayyyy.. bawal magkasakit ang mga nanay 🙂 tama ka, prayers kailangan din natin yan.

    Komento ni homebodyhubby — Disyembre 1, 2007 @ 4:20 hapon | Sagutin

  2. Naku bizi pala ang mami! na hala enjoy your weekend pls! muah muah

    sana gumaling agad si panganay mo.Yung dalawa ko rin dito may mga ubo haay buhey!
    kengkay: super busy kakabaliw, ayan tuloy tinamaan din ako ng sakit… yung dalawa ko may ubo pa rin nga e, buhey talaga

    Komento ni cheh — Disyembre 1, 2007 @ 4:35 hapon | Sagutin

  3. Sakitin din ako dati nung maliit pa ako. Kung iisipin mo, mahirap talaga maging nanay. kaya nga ako kahit gaano kaliit ng kinikita ko minsan pilit ko pa rin pina pamper si mama. (goodboy din ako pag bilog ang buwan) 🙂
    kengkay: waww, bilib ako sa yo, ang sweet naman kay nanay 🙂 ako naman di sakitin kaya naman kapag nagkasakit, bagsak agad!

    Komento ni iceyelo — Disyembre 1, 2007 @ 10:43 hapon | Sagutin

  4. very busy ka pala na timingan pang may sakit ang baby mo, get well kay baby at enjoy sa shopping sis 🙂
    kengkay: busy na nga sa pasko tapos busy pa rin sa sakit… kakaloka kasi ang weather e

    Komento ni joanjoyce — Disyembre 2, 2007 @ 1:29 umaga | Sagutin

  5. wahhh.. buti naman at kaya pa yan ng powers mo.. kaloka naman.. heheh… pero sana gumaling agad si panganay mo..
    kengkay: kapag nanay ka akala mo minsan ikaw si wonder woman,e ahahaha.

    Komento ni angel — Disyembre 2, 2007 @ 3:34 umaga | Sagutin

  6. dun sa hatian ng katawan, pwede pa akina lang yung lapay at balumbalunan?
    kengkay: oks lang jon, kaya lang di ko alam kung ano yung lapay e.. hanu ba yun?

    Komento ni Jon Cabron — Disyembre 2, 2007 @ 5:22 umaga | Sagutin

  7. lol!!! natawa ako sa hirit ni jon… akin na lang te yung ano… wala akong maisip. haaayyy… makapag-comment lang… 😉
    kengkay: you did good lenggai, spitsless ka ba 🙂

    Komento ni Lenggai — Disyembre 2, 2007 @ 7:03 umaga | Sagutin

  8. hi uli! nalimutan ko… kaya nga pala ako silip dito kahapon e para kalabitin ka. di ba sabi mo nung undas, sa pasko uli? december na, tita. maski na ayon kay pareng taroogs e ngayon pa lang ang talagang undas:

    “undasekon dey of krismas, may trulab geyb to mi…” ahehee, dec 2 nga…
    kengkay: paskong undas, meron bang ganon, ahahaha

    Komento ni homebodyhubby — Disyembre 2, 2007 @ 8:47 umaga | Sagutin

  9. superwoman ka talaga mamakengs! 😀 pero wag masyado magpakastress 😉
    kengkay: tama ka sa sinabi mo, ayan tuloy, bumigay si super woman kengkay, ahaha

    Komento ni lilmiz — Disyembre 2, 2007 @ 11:27 umaga | Sagutin

  10. hehehe…. hectic ang sked ni mamu ah..
    kengkay: nabaliw din ako nung nabasa ko yung blog ko e, stress!

    Komento ni Rhapsody — Disyembre 3, 2007 @ 11:25 umaga | Sagutin

  11. pareho na tayong super-bz, kengks. time-out rin nga ako. Ang pagkakaiba natin, at least ikaw nagsasabi. 🙂
    kengkay: hay kasi ang time out ko sa kabisihan e itong mag blog, ahahaha

    Komento ni megamomph — Disyembre 4, 2007 @ 5:41 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: